Multo

1.8K 20 5
                                    

[ Research Files ] #0842-11

Case no.1

Ang multo sa C.R.

October 22, 1992

[Bacoor, Cavite]

-Isang imbestigasyon ang ginawa ng ilang estudyante sa kolehiyo ukol sa mga paranormal na madalas mangyari sa isang pampublikong banyo sa isang lumang mall.

Natagpuan nalamang ang voice recorder na ito sa madilim na sulok ng basement parking, na agad namang isinuko ng mga security guard sa mga awtoridad matapos mapakinggan ang laman ng nasabing tape.

..ito ang istorya nila.

**RECORDING**

Interviewer: Paki-ulit po ang nakita nyo?

Babae: Bale.. Ano po ..'white-lady'

Interviewer: Saan nyo po nakita itong 'white-lady'

Babae: .....sa c.r. po ..sa third floor.. sa tabi ng bakanteng mga pwesto po

Interviewer: Puwede nyo po bang idetalye kung ano ang nakita nyo, harap lang po tayo sa mic.

(Background: Pare paki ayos yung mic ni ate... [krrrssccchh!] yan ok na)

Babae: ok na po?

Babae: Bale po gabi na po noon, closing po ako sa pwesto namin sa second floor kami lang dalawa ng kasama ko ang nandoon.

Hanggang sa kinailangan ko na mag-banyo po, dahil closing na po at gabi na naka-maintenance at nililinis na ang mga banyo sa second floor pababa.

Hindi ko rin po alam kung bakit pumanik ako sa third floor at magbakasakali dahil ang dapat po talaga eh pumunta sa C.R. ng staff sa ground floor.... Tapos... po... (*iyak at singhot ng babaeng ini-interview*)

(Background: ate ok ka lang? Charles paabot ng tissue tsaka tubig. (*iyak ng babae*)

Mamaya nalang natin ituloy ate ah)

------------

Babae: bale po pumanik na ako sa third floor at dumiretso sa c.r. sa kabilang dulo, medyo may kadiliman po noon pero tumuloy narin ako dahil di ko na mapigilan.

Pumasok po ako sa loob at dahan-dahan lang yung pagpasok ko kasi po medyo mahirap itulak ang pinto, napansin ko po agad sa pag-pasok ko ay yung amoy ng nabubulok na karne, yun bang parang iniwan nalang doon.

Noong una po hindi ko nalang pinansin kasi po public na banyo po at hindi pa nagmemaintenance sa third floor.

Nung pumasok na ako sa isang stall at nagbawas po, sa kabilang stall po may naririnig akong nagsasalita ng pabulong.... sa.. Punto... pong ito

kinakabahan na po ako... ilang segundo po ang lumipas at nawala narin yung nagbubulong, pero sumunod ay... yung.. sumunod po ay... Kumakalmot naman po sa pader na kahoy ng stall ko,

yung tipo ng kalmot na tuluy-tuloy po parang pinupudpod ang daliri. Nagmadali na po akong lumabas noon sa takot ay hindi na po ako nakapag-hugas.

Noong tumayo na ako hindi ko na po mabuksan yung pinto, para bang may humihila sa kabila...... (Matagal na nahinto ang babae)

Interviewer: kaya nyo pa pong ituloy? Ok lang po kung tumigil na muna tayo.

Babae: o-ok lang po, tuloy na po natin.

Interviewer: Sige po, ano na po ang ginawa nyo matapos ma-lock sa stall?

Babae: Noong hindi po ako makalabas.... ay... naisipan ko pong

magdasal ng Ama namin.. Pumikit po ako.... sa takot ko po... Habang

dinadasal ko, tumigil po ang ingay sa C.R. at nawala po yung pagkaka-lock ng pinto.... Noong dumilat ako..... Nakita ko... po... sa harapan ko, yung 'white-lady' po.

Sumasabay po sya sa pag-darasal ko.....pero...wala po syang boses... Bibig lang ang gumagalaw po...

Hindi ko na po kinaya at tumakbo na ako palabas at nakita ko po yung kasama ko at.. Nagpasama ako sakanya para umuwi...

(Natahimik ang tatlong tao)

Interviewer: Puwede po bang paki-tukoy ang hitsura ng nasabing 'white-lady'

Babae: O-opo. Parang usok po ang buong katawan nya, pero po halata po na wala po syang kamay, parang hinugot po at dugo. Mahaba po ng kaunti ang leeg nya at yung mata nyo po may tumutulong itim...

Interviewer: Matapos ang insidenteng iyon, ano na ang mga ginawa mo?

Babae: Kinabukasan po, pumasok parin ako... Wala naman pong nangyari at normal na ang lahat, pero pag-dating po ng ala-sais. Nakikita ko na po sya pagala-gala sa mall. Kahit na po maraming tao.... Tapos po noon madalas ko na po syang makita.

Interviewer: Nakikita mo ang 'white-lady'?

Babae: Opo. Kahit po wala sa mall... Gusto nyo po bang malaman ang sikreto nya?

Nandito na sya.....

(Background: Ay pucha!... [kssssccccchhhhhhzzzz]... Pare! Sa likod mo--)

*end of recording*

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi na muling natagpuan ang tatlong tao na narinig sa tape-recording. 20 taon na ang nakaraan at ang imbestigasyon para mahanap ang mga labi ng mga tao ay unti-unting naglaho. Ngunit sa malalim na pag iimbestiga ay napag-alaman na walang empleyadong nag-ngangalang Annalise [babae sa interview] ang nagtrabaho sa naturang mall.

___________________

.....kayo ang maghusga totoo ba ito? O kathang isip mo lamang?

Alulong (Mga Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon