Makulit kang bata
Gusto mo lahat nakukuha
Mahilig kang makipag asaran
Pabara pa kung sumagot minsan
Palagi tayong nag tatalo
Dahil sa ugali mong di matanto
Edad ay pandalaga ngunit ugaling pang musmos
Ika'y mahirap intindihin ng lubos
Palagi mo akong nasasabihan ng masungit
Ngunit alam mo naman ako'y mabait
Ako'y di sanay maglambing
Maari bang ikaw nalang ang maglambing?
Sa tuwing tayo'y magkakasakitan
Mahina ang tingin mo sa akin
Sa dahilang di kita iniimik
At ako ay nananahimik
Akala mo ako'y walang palag
Kaya pagmamataas mo'y di matinag
Walang preno sa pagsasalita
Hindi mo alam , Ika'y nakakasakit na
Alam natin pareho kung paano ako magalit
Pag ako ay nagalit
Kaaway ay gustong ipalapa
Sa Leong nagwawala
Naalala mo pa ba?
Kaklase ko'y pinaiyak ka
Dahil sa mahal kita
Nasapok ko siya sa mukha
Minsan ko ng sinabi sayo
Ayokong may nagpapaiyak sayo
Gusto ko kami lang ng kuya mo
Mang aasar sayo
Minsan ako sayo'y nagalit na
Pero bakit di pa rin nadala?
Imbis na bumait lalo pa atang lumala
Wala na bang pag asa?
Sa kabila nang lahat
Ako'y magsasabi ng tapat
Mas maganda ka saken
Aminado ako dyan
Pero kahit na ganyan ka
Hindi bulag ang aking mga mata
Para di makita
Ang iyong mabuting gawa
Masayahin ka
At walang pinoproblema
Alam mo kung ano ang tama sa mali
At kung ano ang mali sa tama
Handa kang makipag away at makipaglaban
Para sa kaibigan
Pati makipagbugbugan
kung hinihingi ng pagkakataon
Alam natin pareho na mahina ka
Kaya kapag di mo na kaya yung kaaway mo
Sa akin ang takbo mo
Dahil alam mong di ako tatanggi
Ika'y palaging may baon na kwento
Para sa akin ay sabihin
Minsan ay sumbong
Tungkol sa kaklaseng sayo ay umaway
Kaya ika'y pinagsabihan na maging malakas
Para sayo ay walang umaway at mang asar
Iyong ginawa aking payo
Kaya ako ay natuwa
Ibang klase ka manlambing
Talo pa ang kuting
Biglang Hahalik
Walang sabi sabing pahalik
Mahal kita.
Alam mo yan
Ramdam mo yan
Wag ng mag alinlangan
Ito ang dahilan kung bakit mas pinili kong wag umimik
Di ka pinapansin pag nag aaway at tanging tatahimik
Hihintayin na ika'y Huminto na
Kakasalita at kaka-dada
Magmukha man akong tanga sa iba
Wala silang magagawa
Ganito ako ginawa
Ng Diyos na lumikha
Kapatid kita
Mahal kita.
Hindi kita pagpapapalit kahit na kanino
Taga mo pa sa bato
*******
Date Started: Oct 13, 2013- 12:42 am
Date Finished : Oct 13, 2013- 1:44 am