Nothing left to Lose

10 2 0
                                    

"Im sorry but we lost him."

Napahawak ako sa tiyan ko.. NO! It cant be.. My son... Our son....

"Mrs. Cardivar, Ipapahatid nalang kita sa bahay niyo."

"No..I can manage."

"Are you sure Tiffany?"

"Yes... Yvette, ikaw ng bahala muna sa.....anak ko."

Dahan dahan akong tumayo mula sa hospital bed na kinahihigaan ko. Gusto ko ng oras para sa sarili ko.. Gusto kong mapag-isa.. Ang sakit lang kase.. lahat sila iniwan ako.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid ako sa sementeryo.. Dumiretso agad ako sa puntod niya.

In here lies a loving husband, son and friend

Morgan Cardivar

R.I.P.

Wala pang anim na buwan simula ng mawala siya.. Ang lalakeng minahal ako at minahal ko ng sobra..... At nung mawala siya pakiramdam ko mababaliw ako. He was my only family, ulila kase ako.. I met him at a bar.Bayaran akong babae, dun ako bumagsak matapos kong tumakas sa bahay ampunan. Napakabait niya at mayaman pa. Nung naging kame, inilayo niya ko sa marumi kong trabaho. Noong una, pinlano kong gamitin siya para makaahon sa hirap dahil sa totoo lang hindi na ako naniniwala sa pagmamahal...Para sa mga tanga nalang ang maniwala sa happy ending, lahat ng bagay may kasawaan at katapusan. Pero lahat ng yun kinain ko. He seems perfect. He is perfect for me. Marami kaming trials na pinagdaanan, lalo na pagdating sa magulang niya. Hindi ko naman sila masisisi, sino ba namang papayag na dating puta ang mapapangasawa ng unico hijo nila. Pero pinaglaban niya ako. Mahirap, oo. Kase tinanggal ang mana niya tapos kapag maghahanap kami ng trabaho, hindi kame tinatanggap dahil sa maraming koneksyon ang magulang niya sa ibat ibang kumpanya. Pero kahit na ganun, hindi niya ko binitawan. Hanggang sa ang mga magulang na niya ang sumuko.. Kinasal kami matapos akong gumraduate, pinagaral nila ako ng kursong Management Accounting. Masaya kami sobra hanggang sa dumating yung bagay na hindi namin inaasahan. Plane crash.... Inaantay ko siyang umuwi mula sa Canada, isang business trip, may maganda akong balita sa kanya.. magiging tatay na siya. 3 linggo na pala akong buntis sa unang anak namin.. ang aming panganay. Nung nalaman ko ang balita ng pagkawala niya, ginusto ko ng mamatay. Siya na kase ang buhay ko.. He's my survival, my living-proof. Nakalimutan ko nun na dala dala ko ang dugo at laman niya. Ilang araw akong nagkulong sa kwarto, walang kaen at walang tulog. Tulala lang ako habang nakayakap sa letrato niya. Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko, paggising ko nasa ospital nako. Nagalit noon saken sila mama at papa, mga magulang ni Morgan kase pinabayaan ko daw ang apo nila. Natauhan ako nun... Nandito pa pala ang anak ko. Nagpakatino ako at inalagaan ang sarili ko. Komplikado ang pagbubuntis ko dahil sa hindi matibay ang kapit ng anak ko sa sinapupunan ko. Hanggang sa........ tuluyan na siyang bumitaw..

Morgan, sorry. sorry talaga. Wala na ang baby natin.. Wala na si Morgan II. Hindi ko na siya mahahawakan. Hindi ko na siya maaalagaan, mahahalikan, mayayakap, hindi ko na masisilayan yung paglaki niya... Morgan, ang unfair naman Niya.. Kinuha ka na nga saken pati ba naman ang anak natin... Hindi pa siya nakuntento! Ano bang ginawa kong kasalanan para gawin niya to saken... Oo nga pala Morgan, puta nga pala ako dati. Siguro ito na ang karma ko. Morgan.. hindi ko na kaya... Hindi ko alam kung makakaya ko pang mag-isa, nasanay na kase ako na lagi kang nandiyan... sumusuporta, nakaagapay at laging nandiyan para patahanin ako... Morgan, miss na miss na kita... Kasama mo na ba ang baby natin? Siguro oras na para........ para makumpleto tayo..

Kinuha ko sa bag ko ang isang capsule na matagal ko ng tinatago...... Simula ng malaman ko ang nangyare sa lalakeng mahal ko. Pero nagaalinlangan akong gamitin dahil sa anak namin. Pero ngayon.. Ito na ang tanging paraan para magkasama kaming tatlo.. Gagawin ko ang lahat makasama lang sila....

"I love you..."

At ininom ko na ang capsule na pang euthanasia. And that's not how it ends.. it was only the beginning... The only difference is... I have nothing left to lose...

-The End -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Something TRAGICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon