Nakilala kita bilang masayahin,
Sa'yong mga tawa na kaaliw-aliw,
Halakhak sa t'wina'y kay sarap lasapin,
Na nakakahawa sa pagiging giliw.
Kapag kasama kay oras ma'y 'di pansin
K'wentuhang masaya ang laging usapan,
Parang isang byahe na kung saan dalhin,
Na sa dulo nito'y angking kagalakan.
Paglipas ng araw s'ya mo ring pagbago,
Nabalot ng tanong ang aking isipan,
Iyong kagalakan tila ba naglaho,
Ano bang nangyari? Ako ma'y sabihan.
Nandito lang ako na handang makinig,
Nawa'y 'wag limutin nabuong samahan,
Sa'yong dinadala ika'y ititindig,
Kahit pa kay hirap 'di sa'yo lilisan.
Sa k'wentuhan natin na puno ng saya,
Na tila naglaho't nabalot ng lungkot,
At mababatid din pati sa'yong mukha,
Huwag mong hayaang talunin ng takot.
Iyong tandaan sa bawat pagsubok,
Ay may nakalaang mga kasagutan,
Katulad ng obra tayo'y nilililok,
Pawa mang kay tagal, 'di matatawaran.
Kaya patuloy lang at 'wag kang bibitaw,
Ako'y kasama mo makikinig sa'yo,
Hilahil kay bigat ay 'wag kang aayaw,
Bagkus magtiwala na makakaya mo.
BINABASA MO ANG
Mga Likhang Tula
PoetryIto ay mga pinagsama-samang tula na may iba't ibang tema. Pag-ibig, pag-asa, kasawian, at kung anu-ano pa. It is also my way to express my love to my Lord and Savior Jesus Christ. I amazed on how the progress of my "Mga Likhang Tula" rating. Thank y...