Aking Sinisinta, ika'y mamahalin,
Tulad ng pag-ibig ni Hesus sa atin,
Ika'y iibigin ng wala kapalit,
Dahil ang tulad mo ay walang hihigit.
Sayong mga ngiti ay nahuhumaling,
Kagandahang taglay sayo'y nagningning,
Pag-uugali mo na kaakit-akit,
Dito sa aking puso ang s'yang umuukit.
Masilayan muli ang s'yang ninanais,
Kahit pa kay tagal aking pagtitiis,Buo ang tiwala sa Diyos na buhay,
Sa araw na Kanyang sa atin binigay.
Huwag kalimutan ika'y aking mahal,
At patuloy-tuloy itong pagmamahal,
Hindi ihihinto aking pagdarasal,
Kahit pa tila ba oras ay kay bagal.
Pakatatandaan ika'y mahalaga,
Sa puso't isipan ikaw ay kasama,
Iniibig kita higit kanino man,
Ikaw lang talaga laging tatandaan.
BINABASA MO ANG
Mga Likhang Tula
PoetryIto ay mga pinagsama-samang tula na may iba't ibang tema. Pag-ibig, pag-asa, kasawian, at kung anu-ano pa. It is also my way to express my love to my Lord and Savior Jesus Christ. I amazed on how the progress of my "Mga Likhang Tula" rating. Thank y...