Part 2

14.5K 368 8
                                    


NAPAKUNOT ang noo ni Honey at nagtaka. Ano ang ginagawa ni Dick doon?

Sa bihis nito ay mukhang bisita din ito. Bakit hindi niya napansin? Buhat sa simbahan kanina ay dumalo siya hanggang dito sa reception pero hindi niya nakita ang binata. O, kadarating lang nito?

Nagtama ang tingin nila ni Dick. Awtomatiko itong ngumiti sa kanya at kumaway.

Nag-aalangan man ay tumango na rin siya at ngumiti.

And suddenly she became uncomfortable. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa binatang iyon samantalang ubod naman ng bait sa kanya. In fact, Dick was nice to her to a fault.

Hindi niya alam kung dahil likas lang dito na mabait ito o dahil siya ang girlfriend ni Travis. Travis and Dick were first cousins and best of friends since knee-high. Kapag ang dalawa ang magkasama at babalikan ang mga karanasan nito noong mga bata pa, minsan ay nakakalimutang nasa tabi lang siya. The two men were so engrossed reminiscing their past---minsan ay ikinakapikon niya pero madalas ay hinahayaan na lang niya.

Para kay Travis, si Dick ay higit pa bilang kapatid nito. Nag-iisa lang si Travis na anak at maaga pang naulila. Si Dick at ang pamilya nito, lalo na ang mama nito na kapatid naman ng ama ni Travis ang naging parang pamilya ng kasintahan niya. At malamang, si Dick naman ay nakita kay Travis ang isang kapatid na lalaki. Sa pagkakaalam niya ay malaking pamilya sina Dick subalit nag-iisa lang itong lalaki. Pahapyaw ding nabanggit sa kanya ni Travis na sa mga huling taon nito sa kolehiyo ay inako ng mga magulang ni Dick ang pag-aaral nito.

It has been a year since she met Dick. Nililigawan pa lang siya noon ni Travis. Kasali na ang binata sa mga kuwento nito. Nasanay na rin siya. Buong buhay yata ni Travis, kasali si Dick.

It didn't matter whether Dick was physically around or not. Sa abroad ang trabaho ni Dick. Pana-panahon ay ipinapadala ito ng kumpanya sa abroad. Hindi niya alam kung ano eksakto ang trabaho nito. Basta ganoon lang ang intindi niya. Minsang nasa paligid lang at parang walang obligasyon sa buhay, minsang wala at mababalitaan na lang nila na nasa kung saang bansa. Kung arkitekto yata ito o engineer sa isang malaking kumpanya ay hindi niya tiyak.

At sa mga panahong nasa paligid lang si Dick, madalas na kasama nito ito sa date nila. Minsan ay third wheel nila ito. Minsan naman ay foursome sila.

Noong isang buwan niya huling nakita si Dick. Ang alam niya ay may-ari ng isang sumisikat na bakeshop ang girlfriend nito. Si Vera Mae. Mabilis na hinanap niya ng mata ang babae.

Hindi naman siya nahirapan. Ang mama ni Eula ang kausap ni Vera Mae at nang isang middle-aged na babaeng kasama nito. At naisip niya, hindi na rin nakakapagtaka iyon sa bihis at kilos pa lamang ng mga ito. They all belonged to the same social class.

"We would like to invite Mr. Dick Africa to please join the gorgeous single men here." Narinig na lamang ni Honey na anunsyo ng emcee. "You are specially requested by our groom," sabi pa ng emcee.

Nagpaunlak naman si Dick. Nakangiti itong nakisali sa mga naunang mga lalaki na makikiagaw ng garter.

Hindi naman maintindihan ni Honey ang nararamdaman. It was just another wedding tradition, isang parte kung saan mas nagkakasayahan ang mga bisita dahil sa tuksuhan. Balewala naman dapat kung sino ang makasalo ng garter. Kung sinoman iyon ay isusuot naman iyon sa hanggang itaas ng tuhod niya. At pagkatapos ay dadampian siya ng halik sa pisngi. It would just take a few minutes at tapos na. Sa dami ng kasalang dinaluhan niya ay alam na niyang ganoon ang mangyayari.

It was always like that.

It was nothing, really.

Pero bakit parang kinakabahan siya?

A Taste Of Honey  - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon