"SORRY," halos magkasabay pang sabi nina Dick at Honey.
Nauwi sa ingay ang ugong ng kantiyawan sa paligid. Lalo nang naging uneasy si Honey. Mabilis na hinanap niya ng mata si Vera Mae, who was also watching!
Hindi niya alam kung paano magre-react. At kahit na nang game na tumawa lang si Vera Mae ay hindi pa rin siya mapakali. Kumaway pa sa kanya ang girlfriend ni Dick.
Sa wakas ay natapos na ang mga sandaling iyon. Bitbit niya ang throw bouquet ni Eula nang umalis siya sa gitna. Noon din naman niya nakitang paparating si Travis.
"Hmmm, mukhang ikaw na ang next bride?" malapad ang ngiting bati sa kanya ng nobyo.
"Bakit ngayon ka lang?" hindi niya alam kung bakit parang iritado ang naging tono niya.
Dagli namang napakunot ng noo si Travis. "Masungit yata ang honey ko?"
"Hinahanap ka ni Ma'am Eula. Magpakita ka sa kanya," sabi na lang niya.
Tiningnan siya ni Travis at saka nagkibit ng balikat bago nilapitan ang mga bagong kasal. Hindi naman ito nagtagal at nakita niyang buffet table na ang pinuntahan. Bumaba ang tingin niya sa bouquet. It was very simple yet beautiful. Iba't ibang kulay na tulips na binungkos ng silk ribbon. Napakaganda. Bagay na bagay sa personalidad ni Eula.
Iniisip niya, kung siya kaya ang ikakasal, ano kaya ang bagay na bouquet sa kanya? Siguro ay bulaklak ng amorseko at santan, kantiyaw niya sa sarili. Pangkaraniwan lang naman kasi siya.
Pero tiyak na hindi papayag si Travis. Kapag kasal ang paksa ng usapan nila, malaking kasalan ang nasa isip nito. Gusto na nitong magpakasal sila pero hindi pa raw sapat ang ipon nito para sa kasal na gusto nitong ibigay sa kanya.
Handa na rin ang loob niya na magpakasal. Travis was her second boyfriend. Nasira nga ang pangarap niya ang magiging unang nobyo ang mapapangasawa pero sa tingin niya suwerte pa rin siya. Pangalawa man niyang boyfriend si Travis ay alam niyang sa kasalan na sila mauuwi. Matagal nang naka-programa sa utak niya iyon. Na si Travis na ang kapalaran niya. Ayaw na niyang magkaroon pa ng ibang ka-relasyon. After all, kasal na lang talaga ang kulang sa kanila ni Travis.
She sighed. Bakit ba nabagabag siya ng presensya ni Dick kanina. Hindi niya gusto ang pakiramdam na gumapang sa kanya. Pilit niyang iwinaksi ang bumabangong ideya sa isip niya.
Pero parang tukso na tinamaan ng sulyap niya sina Dick at Vera Mae na nakikipag-social talk sa ibang bisita. Dick's hand was at the small of her back. It was a very familiar gesture at hindi niya maintindihan kung bakit parang inaalon ang pakiramdam niya. Bakit apektado siya na hindi niya mawari.
Mabilis siyang nagbitaw ng tingin sa mga ito at sinundan ng tingin si Travis na kumukuha ng pagkain. She looked at him... lovingly. Habang pinagmamasdan ang nobyo ay lalo naman niyang idinidikta sa isip na mahal niya si Travis.
Oo naman. Mahal niya si Travis. Ipinagkaloob na nga niya dito ang virginity niya kahit hindi pa sila sa kasal. Nasa isip na niya ang future niya na kasama si Travis. She made another sigh. Maybe Dick was especially handsome today. Kaya bahagya siyang nataranta ng presenya nito. Travis was handsome in his own right, but Dick... Oh, well, iba ang dating ni Dick.
Pero dapat, kahit na iba ang dating ni Dick ay wala siyang kiber dito. Pinsan ito ni Travis!
Napangiwi siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya malanding babae. Pero bakit nagkakaroon siya ng ganoong atraksyon kay Dick. Susme, mag-pinsan pa ang mga ito!
"Kumain ka na, 'Ney?" Napansin na lang niya na nakabalik na si Travis. Itinuon niya ang pansin dito. Napailing siya nang makita na puro matatabang karne ang nasa plato nito.
BINABASA MO ANG
A Taste Of Honey - Book 1
RomanceSi Dick. Isa lang ang babae na minahal niya nang husto---si Vera Mae. But Vera Mae broke up with him and married someone else. That left him hurt and devastated. Hindi niya alam kung kakayaning niyang magmahal pang muli. Si Honey. She was hoping to...