Chapter 2

13 0 0
                                    




Andito kami ngayon sa kwarto ko at nagrereview may quiz kasi kami bukas sa human logic at si alby naman sa calculus,

" whyne bakit ba laging hinahanap ni x si y or bakit kelangan pang patunayan tong mga to?echos naman e " sabi ni alby habang kinakamot ang batok. Kanina pa kasi siya nagrereview at paulit ulit na sinasagutan yung isang question na ginawang reviewer ni sir.

" hindi ko alam alby. Hindi ako si math para sagutin yan " binalik ko ang mata ko sa librong binabasa ko, tapos na kasi kami sa quiz sa calcu. Bukas kami may quiz sa human logic.

Binabasa ko ang basic. Nakakainit lang ng ulo dahil ang dali pala ng mga sagot pero pinapahirap pa ng question nakakabwisit ang logic.

Napailing ako at lumapit sa aparador ko at binuksan ito. Naglabas lang ako ng jacket at sinuot ito. Binato ko naman kay alby ang extra jacket ko. At agad niya itong nasalo.

" shit, buti naman naisip mong magbreak tayo pero gabi na wala nang bukas " sabi ni alby habang sinusuot ang gray jacket na binato ko sakanya.

Napataas naman ang kilay ko. " bitch we run. " nagsmirk naman siya at tumalon na sa bintana. Agad naman akong sumunod at nagunahan na kami sa pagtakbo.

nakarating na kami sa paanan ng bundok.

" whyne ayon oh tara don! " sigaw ni alby at agad naglakad papunta sa daan papuntang town square napailing ako at ngumiti. Susunod na sana ako ng may marinig akong stick na naputol. Napatingin agad ako sa likod pero walang tao. Lalapitan ko pa sana ito kaso bigla akong tinawag ni alby kaya sumunod nalang ako.

Unang pinasukan namin ay ang chocolate haven.

" hoy kita nalang tayo after natin makapili ng mga sweets ha? " tumango siyang parang bata at tumakbo sa corner ng marshmallow.

Two story building ang chocolate haven. Marami itong mga matatamis at kakaibang pagkain.

Ang bango ng amoy ngayon ah? Isip isip ko

Lalapit na sana ako sa kitkat matcha flavor corner ng may maranig akong sigawan sa taas. Mas matalas ang senses ng isang pure blood vampire,

Agad kong ginamit ang speed ko at wala pang Segundo asa taas nako at nakita ko ang isang lalake.

" wag po please!" iyak ng nanay sa lalakeng may hawak ng anak niya sa leeg.

Sa tingin ko ay isa itong purong bampira na hindi natiis ang gutom. Tumingin siya sa nanay at hindi ito pinansin. Kakagatin na sana niya ito ng agad kong hinawakan ang wrist niya at inikot ito dahilan para mapunta sa likod niya ang kamay

" ahh! Bitawan moko miss! " sigaw neto sakin at mas lalong humigpit ang hawak ko.

Tumingin ako sa magina na ngayon ay umiiyak. " isa kang purong bampira bawal iyang ginagawa mo " bulong ko sakanya. Nagulat naman ito at mejo kumalma siya.

" sorry po, Pasensiya na po talaga kayo sa boyfriend ko nagaway lang kami kayo ang napagbuntungan " pag hinging tawad ko at hinila siya agad.

At nang makalabas na kami sa shop agad ko siyang tinuntok dahilan para mapaupo siya.

" anong iniisip mo para gawin iyon sa maginang purong tao?! " may pagdiin kong sinabe sakanya.

Napayuko lang ito " may sugat yung bata hindi ko napigilan ang sarili ko ang bango ng dugo niya." Ah sa bata pala iyong amoy.

" dito kalang wag kang umalis babalik ako subukan mong may gawin hindi lang iyan ang makukuha mo " agad akong bumalik sa loob at hinanap yung magina.

Nang Makita ako ng nanay niya agad niya tinago ang anak niya.

" wag po kayong matakot " ngumiti ako sumilip yung bata sa leegs ng nanay niya.

" halika dito, " may pagaalinlangan itong tumingin sa nanay niya pero lumapit rin sakin.

Tinignan ko ang tuhod niya " kaya ka inatake ni kuya kanina kasi dahil jan " turo ko sa tuhod niya. Nagulat ang ina niya hindi ata nito napansin na may dugo ang tuhod ng anak niya.

" ganon po ba? Hindi ko po alam yon ate ah " ngumiti yung bata sakin.

" halika gamutin natin " at hinawakan ko yung kamay at umupo kami sa gilid sa walang tao. Agad kong hinawakan ang sugat niya. At unti unti nagsasara ito at nawawala ang dugo. Peklat nalang pero mawawala rin ito paglaki niya.

" ayan, wala na " ngumiti kong sabi sakanya tumingin ang bata sakin na may ning ning sa mata. " salamat po! " sigaw nito sabay yakap sakin.

" iha, salamat kanina ha? Hindi ko napansin ang sugat niya. " nakangiting sabi ng nanay niya at umupo sa tabi ko " isa kang puro hindi ba? Isa lang iyan sa abilities mo? " tumango at hindi na siya nagsalitang muli .

" ate ate ate purple ako po si Samantha nice to meet you " ngiti ng bata saakin napansin ko agad na wala itong ngipin sa harap. Tumawa ako at yung nanay niya at naiwan siyang nagtataka.

10 minutes rin kaming nagchichikahan ng nanay niya na, siya pala si ate renee. At si Samantha ay may kambal. Si Michael na naiwan sa bahay kasama ang tatay na may sakit.

" osige iha, aalis na kami gabi na rin. " tumango ako at sinabi kong magingat sila,

Aalis na rin sana ako ng bumalik si sam. Sakin

" ate ate kunin mo to oh, salamat po " abot sakin ng panyo.at kiniss ako sa cheeks. Ngumiti ako sakanya at tinangal ang isang crescent moon na niregalo sakin ng isang higher ups na vampire.

" eto kunin mo para safe kayo lagi ng family mo " ngumiti siya at tumakbong bumalik sa nanay niya.

Tatayo na sana ako para hanapin si alby ng Makita ko siya sa gilid at tahimik na nanonood. Nagpeace sign ito " hehe sorry ang cute niyo tignan. Anyway binilhan na kita ng isang box na kitkat matcha. Pakita niya s aisang box na hawak niya. " at isaag box rin ng marshmallow at toblerone " paktia sa isang box na malaki at isang box na maliit. Tumango ako at binuhat yung box ko.

" tara uw—

Hindi niya natapos ng may magsalita sa gilid.

" uuwi kana? Pagkatapos mokong pagintayin " tila naiiritang sabi ng lalake, napataas ang kilay ko at pinauna si alby at sabi magantay sa paanan ng bundok papasok sa sikretong daan papunta sa university.

"akala ko hindi ka makikinig sakin " naka smirk na sinabe ko. Tiinaasan lang niya ako ng kilay.

" aalis na ako kung wala kang ibang sasabihin " umiling ako at kinagat ang labi ko sabay lakad sakanya.

" hu-uy te-ka ano-

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng halikan ko siya para mainom niya ang dugo ko. Ng hindi niya ito tinutugunan agad kong kinagat ang labi niya tama lang para mabigyang alam siya na okay lang. sa ginawa kong yun agad niyang hinawakan ang bewang ko at nilaliman ang halik o dikaya pag inom.

Maya maya rin ay bumitaw na siya.

Hindi siya makatingin sakin. ngayon ko lang nakita ang itsura ng lalake dahil mas nakafocus ako sa bata kanina. Ash gray na buhok.

"sorry, at thankyou " sabay tingin sakin. ang mga mata niyang golden brown. Parang isang halo ng anghel.

" Kurt Lazarus " abot niya ng kamay niya. " Whyne" at tumalikod na para sundan si alby.

nbb9

Von UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon