Graduation Day

70 2 0
                                    

Ayan na! Graduation Day na nila.Maayos at maganda ang pagkakaayos sa paggaganapan ng Kanilang graduation.Ang ibang kaklase nila ay nandyan na.Si JM nandyan na din.Si K wala pa....

Jim: Oh JM,bakit wala pa yung BFF mo?

Jose Marie: Aba! Hindi ko alam.At tsaka di pa naman sya late,maaga pa naman.

Jacob: Oh ayan na pala oh!

Nagsitinginan kay Karylle ang lahat ng tao..

Lei: Oy! Ang ganda ng BFF mo! Grabe!.

Jim: Maganda na nga,lalo pa syang gumanda ng magkamake-up.

Jacob: Pero....Ano JM,ganyan ka na lang? Nga-nga ka na lang dyan? Naku! Pag may pumasok dyang langaw..

Jose Marie: Tse!

Ana Karylle: JM!

Jose Marie: Oh ano?

Ana Karylle: Bagay sayo ang suot mo

Jose Marie: Pero Karylle,ang Ganda mo..Hindi pala,Mas gumanda ka ngayon!

Ana Karylle: Salamat

Sa malayo kina JM at K..

Jim: Ito talagang si JM oh,gandang-ganda na naman sa crush nya!

Lei: Oo nga! Haha

Jose Marie: Ang ganda din ng pagkakakulot ng buhok mo!Bet na bet ko yan, girl!

Jacob: Ayun lang!Hahaha

....

Maam Larah: Pila na kayo mga bata,magsisimula na kasi tayo!

Pumila na sila...

Maya-maya ay naglakad na rin sila,papunta sa stage,nagbow at umupo..

Maam Diane: Tunghayan naman po natin ang isang dasal na hinanda ni Jose Marie Viceral,Salutatorian...

Jose Marie: Ilagay po natinang ating mga sarili sa presensya ng Panginoon.Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espiritu santo.Amen.
(Dinasal na nya yung kanyamg sinaulo.hehe)

Maam Diane:Maraming salamat sa iyong napakagandang dasal.

...Nagpatuloy ang graduation nila...

Maam Diane: Tumungo naman tayo sa Paggawad ng mga medalya para sa mga batang nagtamo ng karangalan..

Hanggang sa sasabitan na sina JM at K.

Maam Larah: Sunod naman po ay si Jose Marie Viceral, Salutatorian...

Umakyat si JM sa stage kasama ang kanyang Mommy at Daddy...Sinabitan na sya ng limang medalya...

Maam Larah: At ang ating Valedictorian, Ana Karylle Tatlonghari...

Umakyat sila ng kanyang Mommy Zsazsa sa stage at sinabitan ng syam na medalya...

Pagkatapos ay nag speech na si Karylle...

Ana Karylle: Magandang hapon po sa mga guro,sa aming pinakamagalong na punongguro,sa mga bisita,sa mga magulang at sa mga kapwa ko estudynte na magsisipagtapos na rin.Nagpapasalamat po ako sa lhat ng aming mga naging guro mula noon hanggang ngayon na nagturo,gumabay,nagtyaga pra lng samin.Sa mga magulang na narito po ngayon salamat sa paggising sa araw-araw,sa pag-intindi,sa pagmamahal ,sa lahat-lahat.At sa mga classmates ko, mamimiss ko kayo.Lalo na sa BFF kong si JM na Salutatorian,Mamimiss lalo kita kasi magkakalayo na tayo.At Ma,para satin po tong medal ko.Kayo ung nging inspirasyon ko kaya maraming-marami pong Salamat.Sa lahat-lahat ng mga nadito ngyon.Marami pong Salamat..Wala na akong masabi kundi salamat po,Thank you po! Mamimiss ko kayong lahat-lahat.At..Congratulations sa atin Graduates!

In Love Ako Sa'yo (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon