Dear Diary,
This will be quick kasi late na aketch hehe. And I'm so excited to see my Jonas <3. That's all. Ttyl
♡♡♡♡♡
"Kianna, anak! Dalian mo at late ka na!"
"Opo ma!" Sigaw ko pabalik.
Mas lalo tuloy akong nataranta sa sigaw niya. Kanina pa kasi akong 10am dito sa kuwarto. Siyempre nagpapaganda para sa crush ko na si Jonas my loves.. and 1pm ang start ng first class ko and..
12:56 na!?
Halos masalubsob na ako sa sahig kasi naapakan ko pa iyong palda ko. Sabi ko na nga ba nakakdisgrasya 'to e! Ayaw kasi ako pabilhan ni mama ng bago kasi sayang daw. Tss.
"Ma naman! Sabi ko sayo bilhin mo na 'yong inalok ni Tita Rin e! ₱1,500 lang naman iyon!" Sabi ko kay mama pagkababa ko.
"Oh sige heto na baon mo. Ingat, anak." Tiyaka niya ako hinalikan sa noo at pinaalis na ng bahay.
Lagi niya lang akong hindi pinapansin tuwing sasabihin ko iyon. Pati uniform ko kasi hindi fit at nagpapatahi ako pero sabi ulit ni mama sayang daw at wala raw kaming pera.
Naiinggit tuloy ako sa mga kaklase ko. Sila tuloy iyong mas napapansin ni Jonas kasi maganda mga uniform nila.
Kinuha ko na iyong bag ko tiyaka umalis na ng bahay.
Pati bag ko pala 5 months old na at ayaw ulit ako bilhan ni mama ng bag galing France. Ang late season na kasi ng bag ko! Galing pang Australia iyan e France na ang bongga sa school namin. Hay nako.
Nagpara na ako ng taxi tiyaka dumiretso sa Kingford Academy.
♥ ♥ ♡♥♡ ♥ ♥
"Pupunta ka ba sa Sydney on Sunday?" Narinig kong sabi ni Rose sa likuran ko.
"No. Kakagaling lang namin there last week e. Maybe sa Hawaii kami." Sagot naman ng kausap niya na si Alessandra.
Hmm. Travel around the world? Maalok nga si Daddy.
Speaking of daddy, nasa Korea kasi siya nagtatrabaho. May business kasi kami doon and he'll be arriving this week. Maybe puwede na ang trip to Italy ang gift niya sa akin.
"Good morning class. Please open your textbook on page 26."
Dumating na ang English teacher namin. Sa next class ko na classmate si Jonas so I'll try my best para hindi ako haggard and mapansin niya ako. Hart hart.
"Hi Kian!" Napalingon naman ako sa kanan ko nang may tumawag sa akin. "Ikaw pala Angel." Nginitian ko siya sabay sara ng locker ko pagkatapos kong kunin iyong Math textbook.
"Sabay na tayo. Parehas lang naman tayo ng dadaanan e."
Tumango ako tiyaka kami sabay umalis.
"Oo nga pala. Gagala kami sa SM this week. Tapos kakain kami sa Jollibee. Sama ka?" I got weirded out sa sinabi niya. SM? Jollibee? Huh?
"I'm sorry but full na schedule ko e. Pupunta kasi kami sa Italy this week." Paliwanag ko.
"Ha!? Italy?! Seryoso ka ba?"
"Oo! Bakit sa tingin mo mahirap lang kami?"
Medyo nairita tuloy ako sa sinabi niya. Bakit, para bang hindi kapani-paniwala iyong makapunta ng Italy? Psh.
BINABASA MO ANG
Kianna's Diary
Teen FictionDear Diary, I have a crush in my school. But he's too high for me to catch. Should I let my self be head over heals? Or find the right guy for me? Oh my God help me please. I'm Kianna Gonzaga. Welcome to my Diary. - Copyright 2016 reserved by @zombl...