Hindi na ako pumunta ng girls' restroom at nagpasya na lang na umuwi. Buwisit na buwisit talaga ako ngayong araw na ito! Friday the 13 ba ngayon?
♡♡♡♡♡♡
Dear Diary,
Hay nako Diary! Hindi na ako a-attend ng PE subject ngayon. Magpapahinga na lang ako rito sa bahay kasi sa mga nagyari ngayon feeling ko pagod na pagod na ako. I didn't even got the chance to talk to Jonas my God!
♡♡♡♡♡♡
Nagpalit na lang ako ng yellow sun dress at sinuot ang mga flipflops na bili sa akin ni Tita Rin galing Canada. "Oh anak, ba't ang aga mo yatang umuwi ngayon?"
Nakita ko si mama na nakasuot ng isang simpleng white blouse at blue faded jeans. Meh.
"Ehh.. na-dismiss kasi iyong next 2 subjects namin. Kaya umuwi na lang ako." Wala na akong masabing dahilan. Kasi kapag sinabi kong umuwi ako dahil marumi lang iyong uniform ko sasabihin niya puwede naman akong magpalit ng PE uniform tiyaka maaari niya pa akong pagalitan.
"By the way ma, ba't ayan na naman ang suot mo? Eh diba binilhan ka naman ni daddy ng isang damakmak na damit galing Korea? Ma naman eh!"
"Hay nako anak. It doesn't matter kung anong gusto kong suotin, ang alalahanin mo at hanapin mo sa isang tao ay ang katangian nila. Pero kung gusto at kaibigan mo sila, tatanggapin mo sila kung ano sila at susuportahan mo ang mga gusto nila." Mahabang paliwanag ni mama.
Nag words of wisdom na naman.. si mama talaga itong kausap ko.
"Ma naman e! Nagtanong lang naman ako kung bakit ganyan ang suot mo! Hindi ko namang sinabi na humugot ka ng sobrang lalim sa mahiwagang baul e! Daig mo pa si Crissy!"
Si Crissy kasi ay ang makulit/sassy bestfriend ko since birth. But don't get me wrong, he's real name is Christian Gary Palongo. And he's.. I mean she's homosexual.
At sa sabi nga ni mama na tatanggapin ko iyong mga kaibigan ko no matter whatever blah blah. So that's our history.
Napatawa na lang si mama at inilapag na iyong hawak niyang plastic bag. "Sige at samahan mo na lang akong kainin itong lomi na gawa ni Mareng Karen."
"Si Tita Karen po ang may gawa?"
Medyo na excite tuloy ako kumain. Si Tita Karen kasi ang kapitbahay namin at matalik na kaibigan ni mama. And I know her as a great cook! Masarap kasi sobra mga luto niya.
Si mama naman kasi ay expert sa mga designs, stlyes, arts.. isa kasi siyang fashion designer na may degree galing Harvard University. And one and a half American siya but she chose to live here in Philippines with a simple life. Ewan ko nga kung bakit niya mas pinili rito manirahan e.
Nakuwento niya na sa akin iyon pero masyadong mahaba iyong sinabi niya at hindi ko na matandaan. And so, may 1/4 American blood ako and my hair is naturally blonde and I have pretty black-brownish eyes na mana ko kay daddy.
Sayang nga lang hindi ko na mana iyong big baby blue eyes ni mama.
♥ ♡ ♥♥ ♡ ♥♥ ♡ ♥
THE NEXT MORNING...
Naglalakad ako sa hallway papuntang M.A.P.E.H teacher namin para magbigay ng excuse letter.
Siyempre hindi ko hahayaan na umabot kay mama iyong balita na um-absent talaga ako at hindi na cancel iyong subject namin.
BINABASA MO ANG
Kianna's Diary
Teen FictionDear Diary, I have a crush in my school. But he's too high for me to catch. Should I let my self be head over heals? Or find the right guy for me? Oh my God help me please. I'm Kianna Gonzaga. Welcome to my Diary. - Copyright 2016 reserved by @zombl...