"Nakaraan" Subalit sana'y "Kasalukuyan".. (One Shot)

58 5 1
                                    

Hindi ko alam kung paano ‘ko sisimulan, Ang alam ‘ko gusto kong ibahagi sainyo yung mga karanasan na pinag sisihan ‘ko, Yung karanasan na dapat hindi ‘ko maituturing na “nakaraan” subalit sana’y “kasalukuyan”..

Naranasan mo na ba? Ang mag mahal ng sobra? Ang ibigay ang lahat para sa kanya? Ang igugol ang mahigit dalawang taon at kalahati para lang mahalin sya?

Naranasan mo na ba ang masaktan? Eh ang lumaban? Oh Ang ipag laban ang taong hindi ka naman sigurado na kaya ka ding ipaglaban kagaya ng pakikipaglaban na ginagawa mo pra sa kanya..

Hindi biro ang mag mahal ng isang taong alam kong paulit-ulit na nagiging dahilan ng bawat luhang pumapatak sa mga mata ‘ko.. Ang dahilan kung bakit nasasaktan ako, at ang dahilan ng paulit-ulit na pagkakadapa ko..

“para siya lang, iniiyakan mo?” “Kalimutan mo na sya, sinasaktan ka lang nya” “Hindi sya deserving sa pag mamahal mo..” “Kalimutan mo na sya, sya nga kinalimutan ka na nya e.” Ang mga salitang alam ko sa sarili ko na dapat kong gawin, na dapat kong sundin..

Kadalasan, napapaisip ako.. Alin nga ba ang dapat kong sundin? Ang Tama na sinasabi ng iba na Mali para saakin O ang Mali na alam kong hindi na Tama?

dapat ko nga ba silang sundin dahil tama sila? Tama nga ba sila na masasaktan lang ako kapag pinag patuloy ko pa? Dapat na nga kaya akong sumuko? O dapat kong gawin ang idinidikta at isinisigaw ng aking puso..

Pinipilit ko naman gawin ang mga sinasabi nila, Pinipilit kong kalimutan.. Pero minsan napapaiisip ako, ano pa nga ba ang ipinaglalaban ko? Madalas gusto kong sumuko pero mas madalas gusto kong lumaban..

Habang lumilipas ang panahon, habang padami ng padami ang taong dumadating at umaalis sa buhay ko tska ko palang napag tatanto na ikaw lang talaga ang gusto ko, at hindi ko kayang ipag palit lahat ng alaala mo sa kung ano man na pwedeng ikaligaya ko na sa bandang huli alam kong masasaktan lang din ako.

Siguro nga minsan kailangan nating madapa kasi may mas tamang paraan ng pagtayo, kailangan umiyak kasi 'di lahat kayang itago ng tawa, kailangan nating masaktan ksi meron pa tayong dapat matutunan.. 

"Nakaraan" Subalit sana'y "Kasalukuyan".. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon