BP - Chapter 1

83 1 0
                                    

Kath's POV

(May 24, 2013, 5PM)

"Bakit Drew? Bakit mo nagawa sakin to? mangiyak-iyak kong sabi sa dakila kong boyfriend na nahuli kong makikipaghalikan sana sa isang babaeng di ko kilala.

"Please Kath, let me explain.." lalapitan niya sana ako pero lumayo ako.

"Hindi, hindi na kailangan. Nakita ko na ang dapat kong makita. Everything's clear now. Balewala lang pala sayo ang 2 years na magkasama tayo." at tuluyan na akong umiyak.

"Kath please, if you just let me explain.."

"No Drew, tama na. You told me youwould never hurt me. You told me you would never break my heart. Oh no, wait, you did not just tell me, you promised me. So all this time, you were just.. You were just playing with me?" at tuluyan na akong nagbreakdown sa harap niya.

"Kath, you don't understand, I --"

"Stop. I know you have an explanation. I don't know if I could believe in your explanation after what I saw. Ang daming pumapasok sa isip ko. Next time ka na mag-explain, pag handa na akong makinig sayo at harapin ka. Pero for now, hayaan mo muna ako. Sobrang sakit Drew, sobrang sakit dito.." at tinuro ko ang puso ko.

"Sana maintindihan mo yun." hindi ko na siya pinasalita. Tumalikod na ako at tumakbo.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa park, ang park kung saang unang nagkita kami ni Drew.

Napaupo ako sa damo. Sobrang lambot na ng tuhod ko. Dito ko ilalabas lahat ng sama ng loob ko, wala namang tao dito.

"Ang sama mo!! Ang sama sama mo!!!" at nagbreakdown nanaman ako.

Bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakikiramay ang panahon sa sakit na nararamdaman ko. Salamat ulan.

Giniginaw na ako. Nanghihina na ako. Tumayo na ako ngunit ang lambot ng tuhod ko kaya alam kong di ko kayang tumayo.

Hinihintay ko ang pagbagsak ko ngunit hindi ako bumagsak. May sumalo sa akin at nilagyan ako ng jacket. Hindi ko makita mukha niya. Hindi niya din ako makita dahil nakatalikod ako sa kanya. Haharap na sana ako nang..

"Kath!" may biglang sumigaw.

"J-J-Julia.." at bigla akong nagblack-out.

Julia's POV

(same day)

Grabe, ang lakas ng ulan. Magsestay sana ako ngayon sa park pero malas ko, umuulan. Ang tagal kasi ni Kath, di pa umuuwi. Pauwi na sana ako nang may makita akong babae at lalaki. Teka, si kath yun! Pero sino yung lalaki? HALA. Baka..

"Kath!" sigaw ko.

"J-J-Julia.." Kath. Bigla siyang nawalan ng malay.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Sinakay ko siya sa kotse.

"Manong, sa bahay na po." sabi ko kay manong driver.

Nakita ko yung lalaki, tinitignan kami habang paalis ang kotse. Hindi mismo ang mukha, pero nakita ko siya pinapanood kami paalis. Sino kaya yun?

Daniel's POV

(same day)

Incoming call: Andrea

Accept           Decline

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon