02

84 6 10
                                    




*****


[05:27:2016--- 09:30am

@Montalave Residence, Mansion]



"Sa isang sulyap mo! Nabighani mo ako! Kahit saan man ay nagwawala ako, bakit ba gany--- ARAY! Hoy ano bang problema mo!"

"Ikaw ang problema ko! Bwiset ka! Kung kakanta ka siguraduhin mong tama ang mga lyrics na kinakanta mo!"

"Bakit ba! Eh sa trip kong mag remi-- Aray! Isa mo pang batok makakatikim ka na talaga!! Bwiset kang babae ka!"

"Aba sumasagot ka na ngayun saakin ha! Mas matanda ako sayo kaya gumalang ka!" 


Ano ba naman yan. Kaaga-aga ang iingay ng mga bunganga ng mga yun. -_- 



"Hoy kayong dalawa tumahimik nga kayo baka magising niyo pa ang mala dragon nating kapatid! Alam niyo namang ayaw na ayaw niya ang maiingay, pag 'yung lalaking yun ay nagising sa kagagawan niyo humanda kayong dalawa saakin!" 


"Gusto mo ng galang Ima?!"

"Aba't may gana ka pang sumigaw saakin Haru ha! Pinapaalala ko lang sayo na nasa harapan mo lang ako!" 

"Eh sa gusto ko kong sumigaw! Pake mo ba?!" 

"Hoy kayong dalawa hindi ba kayo titigil ha?!" 

"Shut up ka nalang!/ Tumahimik ka nga epal ka!" 

"You brats!!" 


Ano ba naman yan ang iingay putcha! Kitang may natutulog pa eh. -_- 


"Bumalik kayo ditong dalawa!" 

"Bleh!!/Catch us if you can gurang! wahahaha." 

"Brats! Once I catch you both I swear to God! Ughh!!" 


Wala na... wala na sira na tulog ko. Humanda talaga 'yung tatlong babaeng yun saakin wala akong pakialam kung kadugo ko sila basta pagbabarilin ko sila mga istorbo! Araw-araw nalang akala mong nakalunok ng megaphone. -_- 


Umupo muna ako sa kama at nag unat-unat ng kaunti. Pagtingin ko sa may orasan ay alas nueve y media na pala ng umaga. Tsk, napahaba tulog ko dapat alas siete ng umaga ay gising na ako.  -_- 

"What a useless alarm clock." -_- 

"Kung hindi ka banamang tulog mantika malamang narinig mo nayan, tsk." sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong si Kazumi.

Anong ginagawa ng babaeng to sa bahay namin? 


"Hindi ka ba marunong kumatok Insan?" Pasalamat siya at hindi ako naghuhubad ng damit tuwing natutulog ako. Mahirap na baka makita niya pa ang super hot kong abs~ este body. 

"Whateves Kioshi. Anyway gigisingin sana kita pero hindi na kailangan dahil buhay kana~ este gising na pala." at tumawa pa siya ng pagka lakaslakas. 


*glare* 


"Heh! Wag mo nga akong tignan ng masama jan! Bilisan mo ng kumilos pinapatawag tayo ni Tito sa opisina niya." 

"WAAAHHH!! INSAN BAKIT MO GINISING SI KUYA KIOSHI!" isa pa tong bunso naming si Haru, basta basta nalang ding papasok sa kwarto ko. -_- 

Hindi ba nila na babasa ang napakalaking sign board na naka dikit sa pintuan ko? 


"NO GIRLS ALLOWED!"


Hindi lang sila maingay kundi bulag din. Hindi narin ako magtataka kung marunong din ba silang magbasa o hindi. -_- 



"Tsk, Labas!" 

"Eh? Anong labas kuya?" sinamaan ko ng tingin si Haru kaya napatago siya sa likod ni Insan.

"Kakapasok lang ng kapa--" hindi ko na pinatapos magsalita si Kazumi. 

Lalong umiinit ang ulo ko dahil una, inistorbo nila ang pagtulog ko at ang pangalawa maingay at dagdagan mo pa na basta basta nalang papasok sa kwarto ko ng walang pahintulot! 

"Labas! As-in lumabas kayo sa kwarto ko!! Pagbabarilin ko kayong dalawa gusto niyo?!!" inis na sigaw ko doon sa dalawa. Sabay damput ng baril kong naka-patong lang sa bedside table. 

Tarantang nag-unahan ang dalawa para makalabas. Nang makalabas na sila ay tumayo na ako sa kama habang hawak padin ang baril at isinarado ang pinto sabay lock nadin. 

Mahirap na baka pumasok na naman ang mga yun habang nag bibihis ako. 


Napatingin tuloy ako sa hawak kong baril. Biruin mo yun magagamit din pala kita bilang panakot. *smirk* 


'Oshi, maiiwan muna kita ha? Ikaw muna ang bahala sa iba nating mga baliw na kapatid.' 

'Where you going ate?'

'Somewhere lang Oshi. May gagawin lang importanteng bagay si ate. Babalik din ako okey? Nako ang gwapo talaga ng unico ijo namin manang mana saakin haha.' 

'Ate naman stop pinching my cheeks.'  

'Haha ok ok. Eto, use this pagkinailangan ok?'

'Yes ate. Love you! Ingat ka ha?'

'Yes naman!'



*sighs*  


Bakit ko biglang na alala yun? Kamusta na kaya si Ate? 

It's been 6 years since noong umalis si Ate Yuka at hangang ngayun hindi padin siya bumabalik o nag paparamdam saamin. Ganoon din si Emiko, ang sumunod saakin. 

Magkasama kaya sila? 



*Knock Knock* 



"Hoy Kioshi! Bilisan mo baka natutulog kana naman jan! Abay tanghale na indoy!" Tsk, ang iingay talaga ng mga babae. *facepalm* 

"Oo na! Eto na po magaayos na, tsk." 

Ano kaya ang dahilan ba't pinapatawag kami ni papa sa pinagtra-trabauhan niya? May kinalaman kaya to kila Ate at Emiko? Hindi kaya..... *iling-iling*

Ughhh... kinikilabutan ako sa mga iniisip ko, hindi pwede yun nag promise si Ate na babalik siya kaya imposible itong mga iniisip ko. 


Makaligo na nga para maging fresh ang utak ko. 

Yup yun nga... tama maliligo na ako.




******

Salamat sa pagbabasa *mwuah* 


Case File TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon