Chapter 1

19 0 0
                                    

Totoo ba 'tong nakikita ko.

Si Chanyeol-oppa, nag-aantay sa 'kin sa labas ng bahay.

Ngali-ngali akong tumakbo, ngumiti siya at bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Oppa, sarang...," bago pa ko matapos magsalita eh hinalikan niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako at binulong niya sa akin ang mga salitang,

            "GISING NAAAAAAA!"

Nakatayo ang nanay ko sa harap ng pintuan namin.

Badtrip. Panaginip lang pala pero bakit parang totoo.

Tinignan ko ang cellphone ko at tinitigan ang oras. 5:00 am. Yung totoo, tipong 2 hours pa lang tulog ko. Eh sa pinagpantasyahan ko pa si future boyfriend ko sa binabasa kong fanfic eh.

            "HOY! GUSTO NIYO BANG MATULOY?" sigaw ulit ng nanay ko. Mas mabuti pa sa alarm clock ung boses ng nanay ko eh.

            "OO NAAAAA. ETO NAAAAA," sabi ko sa isip ko habang nililigpit ang pinaghigaan ko.

Pinulot ko ang phone ko na pakalat-kalat sa sahig at sabay ngumiti, "Good morning, oppa!" Ang gwapo gwapo talaga ng future boyfriend ko. Chanyeol-oppa, saranghae yo. Sheeeeeeeet. Naalala ko na naman ung panaginip ko.Agang-aga kinikilig na agad ako. Ginising ko na ang magaling kong kapatid sa pamamagitan ng pagtapat ng alarm clock sa tenga niya.

Bigla siyang bumangon at tinignan ako ng masama. Bumaba na ako at kumain ng breakfast, super excited na ako.

Grabe no. Dada ako ng dada ni hindi niyo man lang ako kilala. Ako nga pala si Marie Celine Azalea Fernandez, Macie for short. Ganda ng pangalan ko no. Kasing ganda niya ang sakong ko. Joke. Syempre, maganda ako. Maputi, chinita na most of the time napgkakamalan akong korean, medyo matangkad sa tingin ko. Hehe. Masayahin, medyo adik at ang importante sa lahat at isang proud KPOP fan na magpapakasal kay Park Chanyeol in the future.

San kami pupunta? Sa PICC, sa KCON4. Medyo, ay hindi pala, strict talaga ang parents ko pero dahil sa lakas ng impluwensya ko eh nagustuhan ng kapatid ko ang KPOP at mas adik siya compared sa akin. Ayun, after ilang drama sessions eh, napapayag niya sina mama at papa.

Nakasakay na kami ng bus at medyo hinihila na ako sa dream world, kaya nagsoundtrip ako at after a few minutes ay tulog na ako. Paggising ko nasa may Taft na kami, at maya-maya ay bumaba at sumakay na kami ng taxi papuntang PICC.

Iniwan na nila kami sa harap ng gate at naglagala sila sa MOA. Pagtapak palang ng paa ko sa ground ay iba na ang feeling. First time kong na-feel na KPOP fan ako, I've been a fan for almost 6 years na alam kong walang binatbat sa ibang fan girls out there. Nung pumasok kami para pumila, napa-ANAK NG TUPANG TINAPA na lang ako. Grabe blockbuster ung pila define. Mga 7 na un. Inakala namin na maiksi ung pila, pero we are wrong kahit nung dumating kami, ay kami na yung dulo ng line, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao. Mga 8:30 na ata nagpapasok. Medyo wala kaming track sa oras kasi busy kami ng kapatid kong nagkukwentuhan tungkol sa EXO na kadahilanan ng pag-kaadik niya.

Good thing, I wore comfy clothes. Gray cardigan with a pink floral sleeveless underneath, jeans and my black high-cut and a backpack to store the things to buy. Medyo wala kaming budget since medyo hindi ako nakapag-ipon kasi medyo nagtakaw ako nung last semester. Buti nga natapat sa Christmas Break yung KCON.

Ayun pagkapasok, medyo naglaro muna kami sa mga games tapos saka naghanap ng mga booths ng mga favorite kpop artist namin, graaaaaabe super daming merchandise, nakakaloka. Kina-calculate namin ng kapatid ko ung natitira naming pera after naming bumili ng sankaterbang posters, keychain, accessories, photocards, calendar at kung anek-anek pa, nagbabaksakaling may pangkain pa.

After kumain, we decided to look for more eye candy merchandises, nang makarining kami ng , "OMG. MAY ARTISTA SA BOOTH NAMIN." Maka-sigaw si ate wagas, nung sinilip namin, cosplayer pala ni Choi Siwon. We practically ignored them and went on. Medyo sa merchendises kami interested. Nung napagod kami, we decided to watch the program. Ang daming magaling kumanta at sumayaw, may mga nagmodel pa nga, ang daming havey, pero syempre medyo si Chanyeol lang ang laman ng puso ko.

Maya-maya, lumabas na yung host, "Okay guys, now for one of the highlights in today's event is the K-pop artist look alike portion. Syempre medyo todo cheer ung mga tao samantalang kami palakpak lang ang peg. Medyo first time namin dito eh. Lumabas na sila isa-isa.

Parang tumigil ang oras ko at natulala na lang ako.

At sinabi nung host ung huling name nung taong kasali,

 "... as Park Chanyeol."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bias, Park Chanyeol?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon