Takbo takbo! Go Lilian! Sige bilisan mo pa! Kailangan ko talagang bilisan! Kailangan maipasa ko tong project ko sa english department. Kundi yari ako kay Mrs.Sungit. Dali Lilian! Malapit na! Takbo! Takbo! Bilis! Kaya ko to!
*BOOOOGSSSHHHH*
Nanlaki ang mata ko. Ohmyghad! Nabangga ko ang pinakasikat at pinakamaarteng lalaki sa school. Patay! Paano ito? Hindi ko na inintindi yung papers ko na kumalat sa sahig dahil siguradong hindi na ako sisikatan ng araw. Yari ako nito!
"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Nakakasindak na tanong niya.
"Sorry." Halos pabulong na sagot ko. Nakakatakot kasi siya eh. Siguradong dudumugin ako bukas ng fangirls niya.
"What the? Sorry? Hahaha! Are you kidding me?" Halata sa boses niyang naiinis siya.
"Nagmamadali kasi ako eh kaya di ko napansin na nandyan ka." Pagdadahilan ko.
"And so? Di mo ba ako kilala?" Siya.
"Kilala kita." Ako.
"Say my name!" Siya.
"Greg Ryu Saavedra." Ako.
"Lakas!" Siya.
"Greg Ryu Saavedra!"
"I SAID LAKASSS!"
"GREG RYU SAAVEDRAAAA!" Ako. Doon tuloy-tuloy na pumatak ang luha ko. Pero siya? Nakangiti, at bigla nalang siyang umalis. Doon nagsimula ang bulungan. Wala na kong magawa kundi pulutin yung papers ko. Baka hindi ko na maipasa ito.