Lilian's POV
"Naku beks! Talaga? Si Greg Ryu Saavedra? Ohmy! Nakakakilig!" Kinikilig na sabi ng bestfriend kong si Sandy. Nandito kami ngayon sa bahay nila at kinwento ko sa kanya yung nangyari sa school. Absent kasi siya kanina. At ang gaga, kinilig pa.
"Anong nakakakilig dun? Eh galit na galit nga siya eh! Parang gusto ko na tuloy magpatransfer sa ibang school!" Maktol ko.
"Hindi beks! Ako bahala sayo pag inano ka ng mga fangirls niya bukas." Siya.
"Ikaw bahala ako kawawa!" Ako.
"Hahahaha basta! Magbabaon ako ng watergun para kapag inano ka nila babarilin ko sila!" Hay naku bat ko ba naging bestfriend ang isip batang ito?
.....KINABUKASAN
"Oh talaga? Siya yun? Eeeww! Kadiri naman!"
"Yuck! Naku nagpapapansin lang yan kay Greg!"
"Kala niya naman magugustuhan siya ni baby Greg ko!"
"So kapal ng face!"
"Mahiya ka naman girl!" Yan yung bulong-bulungan pagpasok ko ng gate. Parang ngayon palang gusto ko nang umuwi.
"Beks ilalabas ko na pa ang armas ko?" Napatingin ako kay Sandy. Seriously? Nagdala talaga siya ng watergun?
"Mahiya ka nga Sandy! Subukan mong ilabas yan, papalabasin din kita ng school!" Pagbibiro ko. Di niya ako pinansin at humarap siya dun sa mga fangirls na nagbubulungan.
"HOY KAYONG MGA BABAENG LIPSTICK AT MAKEUP LANG ANG NAGPAPAGANDA! PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO? MGA DISENTE ANG SUOT NINYO PERO ANG MGA UGALI NYO DAIG PA ANG CHISMOSA SA ISKWATER AREA! DI BA KAYO NAHIHIYA? ANONG NAPAPALA NYO DYAN SA PAGBUBULUNGAN NYO? NAKAKAGANDA BA YAN? HA? SAGOT!" Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi ni Sandy. Lahat ng fangirls natahimik. Sa isang iglap na room na kami.
"Sandy?" Hinawakan ko pa siya sa noo dahil baka may lagnat siya. "Wala naman! Teka may masakit ba sayo?"
"Beks naman! OA mo!"
"Yessss! SANDY CONGRATS! NAGMATURE KANAAAA!" Nakapikit pang sabi ko habang nakataas ang dalawa kong kamay na parang nanalo ako sa lotto.
Kinalabit ako ni Sandy. "Beks si ma'am Heneral nakatingin sayo!" Napadilat ang mata ko. Naku si Mrs.Sungit. Hala yung project ko.
"Sorry po ma'am!" At umupo na ako sa silya ko.
"Well Ms.Minares! Talagang hindi ka nagpasa ng project ha? Hmm... good luck sa grades mo." Patay! Anong klaseng sinumpang prutas ba ang nakain ko at ganito ako kamalas?