LOW TOUCH SQUAD
1:24 am
dyosa: guys
dyosa: hoy alam kong gising kayo. di uso matulog ng maaga satin oy
seen by everyone
dyosa: ANG GANDA KO TALAGA GUYS
BangBang: BE WAG MAGMURA!
Ariana: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA weh?
soNICE: Jenny antok lang yan
dyosa: leche kayo ah
dyosa: may kwento kasi ako.
BangBang: HOY BAKIT NGA PALA GANYAN NICKNAME MO HA. AKO TUNAY NA DYOSA DITO OY
soNICE: Kelan ba mauuso ang lowercase kay evan
Ariana: hanggang chat lakas pa rin ng boses
BangBang: BAKIT RINIG MO?
Ariana: uso kasi kalma
dyosa: ano ba may ikkwento yung maganda oh
soNICE: ano yun?
dyosa: Sa sobrang ganda ko, may stalker na ako
dyosa sent a photo
dyosa: ayan oh, yan yun text niya nung fri. tapos di siya nagparamdam ng weekends. Kahapon lang uli siya nagtext at hindi niya ako tinigilan.
Ariana: Taray naman po pala namimigay ng koreano hahahaha
BangBang: SA KANYA GALING YUNG PICTURE NI SEHUN?
dyosa: oo
dyosa: ANG GWAPO GWAPO NI SEHUN DUN OMG
dyosa: pero narealize ko, bakit niya alam kung saan yung locker ko. Gosh, stalker siya.
BangBang: WOW NAREALIZE MO YUN
dyosa: siyempre. Ganda ko na, talino ko pa. Bakit hindi pa kami ni Sehun hanggang ngayon?
Ariana: Kasi may saltik ka
soNICE: kasi wala kang dibdib
BangBang: KASI HINDI KA NIYA MAHAL!!
dyosa: wow thanks sa support HA
BangBang: eto seryoso na, okay ka lang ba Jenny?
dyosa: Okay na ako guys. I also blocked the number
soNICE: gusto mo puntahan ka namin?
Ariana: oo nga, baka mamaya mangyari na naman
dyosa: okay lang ako. May kasama naman ako dito. Thank you guys
soNICE: basta pag-may ginawa siyang di maganda
Ariana: we're only one call away
