"Bes sige na please? Tulungan mo na akong makahanap ng boyfriend bago mag 100 days"Sabi ko sa bestfriend ko with matching sparkling eyes at pout pa. Syempre para effective! Alam ko naman na hindi niya ako matitiis eh. Sa ganda ko ba naman na to?
"Bakit ba kasi gusto mong makahanap ng boyfriend agad? Dadating din yan sa tamang panahon no! Baklitang to ang atat"Sabi niya sakin. Inirapan pa talaga ako ah? Lecheng to! Pasalamat siya bestfriend ko siya kundi nasapak ko na to.
"Fyi hindi ako bakla kasi 100% na kalahi ako ni Eva hindi katulad mo!"Sabi ko sa kanya at pabiro siyang inirapan. Pag sinasabi ko yun eh nagagalit siya kasi nga kalahi din daw siya ni Eva kahit hindi naman -_-
"Ikaw na nga lang manghihingi ng tulong ikaw pa ganyan! Tapang talaga ng fezlak mo"Sabi niya sakin at inirapan din ako.
"Ehhhh bes naman eh! Sige na please? Gusto ko na talagang makahanap ng boyfriend"Sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sakin at tumingin ng seryoso. Luh?
"Ikaw ba talaga yan Chloe? Ikaw gusto magkaboyfriend? Eh dati nga halos sumpain mo yung mga lalaking nanliligaw sayo dahil ayaw mong magkaboyfriend kasi sabi mo problema lang dala niyan. Anyare sayo?"Deretsahang sabi niya sakin. Tong bakla talaga to napaka ano.
"Sabi nga nila eh change is coming dahil nga si Duterte na ang bagong pangulo natin. Edi naki-join ako! Binago ko na rin ang sarili ko. Hindi na ako man hater ngayon"Binatukan naman niya ako bigla. Kainis ano bang problema nito?
"Gaga! Ang dami mong alam! Sige na nga tutulungan na kita!"Sabi niya kaya sa sobrang tuwa eh tumalon ako at pumasan sa likod niya.
"Omygosh bes! Thank you! Thank you! Thank you talaga!"Sabi ko sa kanya. Habang nakapasan parin sa likod niya.Pilit naman niya akong ibinababa pero hindi parin ako bumaba sa likod niya. Alam kong naiirita na siya pero wala siyang magagawa. Gusto ko siyang inisin eh.
"Ewwness! Bumaba ka nga sa likod ko! Kadiri! Yuuuuck! May germs na ako!"Maarteng sabi niya at pilit parin akong ibinababa kaya mas lalo akong kumapit sa kanya para hindi mahulog.
"Ayoko nga! Bleeeh :P"Sabi ko sa kanya at tumawa.
"Pag hindi ka bumaba hindi na talaga kita tutulungan!"Pananakot niya sakin pero hindi parin ako bumaba sa likod niya. Alam ko kasing may isang salita siya. Kung ano ang sabihin niya eh tutuparin talaga niya.
"Ulul mo! Wala ng bawian yan! Deal na yan ahh?"Sabi ko sa kanya pero nakakapit parin sa likod niya.
"Wala naman akong magagawa!"Sabi niya kaya ngumiti nalang ako.
"Sige kabayo ko! Pumunta na tayo sa kusina!"Sabi ko na parang batang naglalaro lang. Siya ang kabayo at ako ang prinsesa.
"Arrgh!"Sabi nalang niya dahil sa sobrang inis at pumunta na sa kusina habang nakapasan parin ako. Wala kasi siyang magagawa pag ako ang nagsabi hehehe
Maghapon lang kaming naglaro ng parang bata dito sa loob ng bahay.
Pero yung sinabi ko kanina totoo yun.
Kailangan ko na talaga makahanap ng taong magmamahal sakin ng sobra sobra.
Sino naman kaya iyon?
----------------
A/N:Annyeong! Ayan na po ang prologue! Hope you'll like it guys! Sorry kung pangit hehehe
Ang btw dalawa po ang gagawa ng story na ito. Ako (_InfiresMan_) at ang tunay na may ari ng account na ito.
Malalaman niyo naman po kung sino yung nag ud samin :)
Follow niyo na rin po ako :)
Kamsahamnida!
~InfiresMan
BINABASA MO ANG
Finding True Love
Romance"Sa loob ng 100 days kaylangan kong makahanap ng tunay akong mamahalin"-Chloe --------- Written by: prettydanenggg _InfiresMan_