o n e

14 2 2
                                    

Chloe's POV

"HOY BABAITA BILISAN MO NA! MALA-LATE NA TAYO! FIRST DAY NA FIRST DAY SA SKWELAHAN EH TANGHALI KA PA NAGISING!"Bulyaw sakin ng mahaderang bakla. Kasalanan ko bang tanghali na ako nagising? Sa na puyat ako eh!

"Oo na! Ingay netong bakla na to"Pabalik na sigaw ko sa kanya at kinuha ko yung bag ko para makaalis na. Bumababa na ako ng hagdan at nadatnan kong nakapamewang at halatang inip na inip na siya pero di ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa kusina namin para kumain.

"AT BAKIT TANGHALI KA NA NAGISING?! NAGPUYAT KA NANAMAN NO?! BAKIT NGAYON KA PA NALATE NG GISING?! PWEDE NAMASDFGHJKL"Hindi na niya na tuloy yung pagsasalita niya dahil isinubo ko nalang sa kanya yung tinapay na nasa lamesa. Ang ingay eh.

"Ingay mo! Oo na! Kasalanan ko bang nalate ako ng gising? Psh"Sabi ko sa kanya habang dali dali kong kinakain yung pagkain ko.

Wala dito si Mama dahil nasa trabaho siya ngayon. Ganyan naman palagi eh. Pero sanay na ako kaya keribells lang.

Wag niyo ng tanungin kung nasan yung tatay ko. Wala na akong pake sakanya. Siya nga walang pake sakin ako pa kaya?

"Bilisan mo na! Dun ka nalang sa school kumain at late na tayo ng 10 minutes!"Sabi niya at dali dali akong hinila. Hindi naman ako nagpabebe pa at bilis bilis din akong tumakbo papunta sa kotse namin.

Palagi kaming sabay pumasok. Bata palang palagi na kaming magkasama. Halos nga hindi na kami mapaghiwalay hanggang ngayon eh.

Yung iba tinatanong kami kung kami na daw ba. Yuck lang diba? Babae ako at binabae naman siya. Walang talo talo mga bruh!

First day of school ngayon kaya kinakabahan ako. Mga bagong kaclassmate nanaman. Sana kaclassmate ko nga si Ria para kahit papaano mawala yung kaba ko.

Oh nagtaka naman kayo kung sino si Ria? Edi yung baklang adik diyan sa kanto namin na pumapatay ng tao. Charot.

Si Ria yung daig pa alarm clock kung manggising -_- Baklang yun talaga napaka ano.

Ria daw itawag ko sa kanya kasi ang pangit daw ng pangalan niya. Buti nga may pangalan siya eh!

"Lagot ka talaga sakin mamaya at makakatikim ka sakin ng mega sabunot! Dahil sayo late na ako!"Pagdidiwara nanaman niya. Di na naka move on jusko. Eh mamaya lang pagpunta namin sa school eh marami pang nagkalat na studyante sa school kasi first day nga

"Uso move on bes. Try mo"Sarkastiko kong sabi sa kanya. Kabanas eh.

Daldalan lang kami ng daldalan habang bumabyahe kaya di namin alam na nandidito na pala kami sa school.

Bumaba na kami sa kotse. Ganun parin ang school walang pinagbago hays. Kinakabahan talaga ako. Sana kaclassmate ko tong bakla na to.

--------------

Ria's POV

"Nga pala bakla ano tuloy na ba?"Tanong ko kay Chloe na halatang naiilang dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga studyante. Di na nasanay. Hay ang hirap talaga maging maganda *flip ng hair*

"Ang alin? Yung gera? Oo tuloy na tuloy na talaga at mamaya maya lang ay baka magkaroon na ng gera! Kainis kasi yung mga tao dito pinagtitinginan ako! Sarap dukutin ng mga mata"Ang sabi niya. Assumera din tong babae na to eh. Ako kaya ang pinagtitinginan!

"Excuse me lang ako kaya ang pinagtitinginan! Wag kang assumera bakla!"Sabi ko sa kanya at nagflip ng hair kahit hindi mahaba ang hairlalu ko. Aba masama bang mangarap?

"Hay sana nga"Sabi niya at hinanap nalang namin kung saan kaming section. Eto ang mahirap dito eh. Siksikan nanaman! Sayang yung make up ko kung mawawala lang dahil sa pawis! Grave di ko to keribells!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon