PROLOGUE

5 0 0
                                    

No.

Hindi siya yung arroganteng tipo ng lalake at lalong hindi ako palabang babae.

Hindi rin kami yung sobrang yaman.

And nah.

Hindi siya langit at lalong di ako lupa.

Hindi rin siya perv.

Hindi rin siya yung mayabang na lalake na the next day ay sweet at lalong di ako babaeng paawa.

Hindi rin kami yung magbestfriends na later on ay maiinlove sa isa't-isa.

Hindi rin siya heartthrob at lalong hindi siya sikat.





Di rin kami maiistuck sa iisang lugar na kami lang dalawa.

Di rin siya manhid o torpe at lalong di ako yung may lihim na pagtingin sa kaniya ng matagal na panahon na.

Di rin kami yung nerd o panget na biglang gagwapo o gaganda.

At lalong di magkaibigan ang mga magulang namin at di kami ikakasal dahil lang sa gusto nila o para sa negosyo.







Nah.

Wala ditong babalik na ex at magpapakamartyr na bestfriend.

Wala akong utang sa kanya at di rin ako magpapanggap na girlfriend nya.

Walang part dito kung saan magpapaulan kami sa labas.

Wala rin ditong kontrabida na babait sa huli.

Wala ditong nice guy bestfriend kung saan maiinlove ako sa umpisa.

Wala rin siyang sports car.

Wala ditong "love at first sight" at butterflies in the stomach pag kasama mo siya.

Wala ring bitch na kokomprontahin ang kaawa-awang bida.





























At lalong hindi ako ang bida.

Not Your Ordinary StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon