Chapter 04

439 6 9
                                    

Pasensiya na kung maikli lang. Gusto ko lang talaga makapag update. Baka kasi baguhin ko nanaman. hehe.

Chapter 04

"Seven." Kurt

"No. Eight." John

"Seriously? Ang chubby kaya nun! Pangit pa ng make-up," protesta ni Boy. "Four."

"Anu? Ang sexy kaya! Nakita mo ba ang hubog ng katawan nun?!"  John

"Hindi chubby tawag dun, Boy." Kurt

"Malaman yun. Malaman"*_* john

"Yun pare! Haha!" Kurt

Naghigh-five pa ang dalawa. Ang adik ng mga 'to. =_=

Sinundan ko ng tingin yung 3rd year na dumaan.

Kunsabagay, sexy nga. Pero ayoko magcomment. Tahimik lang ako.

Good boy ako ngayon eh.

Baka nasa tabi-tabi lang si Anna nakamasid sakin. Makita pa niya ako nakikipagtawanan sa mga ulol kong tropa habang tingin ng tingin sa mga girls na dumadaan, lagot ako sigurado.

"Tama si Boy. Di naman sexy yun." Sabi ko.

I'm a faithful boyfriend. Oh yeah.

"Ikaw ba yan bro??" Kurt

"May sakit ka ba?" Hinawakan ni John ang noo ko. "Wala naman eh."

Inalis ko kamay niya. "Ano ngayon kung hindi naseksihan? Bumababa kasi taste niyo sa babae."

Ang layo-layo ng babaeng yun kay Anna.

"Weh? Heartbroken kasi. Woman hater na drama mo ngayon, bro? Hahaha" Kurt

"Tigilan niyo nga ako. Badtrip ako ngayon."

Lol. Galing ko umacting. Nasabi ko na kasi sa kanila na wala na kami ni Anna. Pero siyempre sangkatutak na pang-aasar ang kapalit nun. Biruin mo, kahapon ko lang sinabi sa kanila na girlfriend ko si Anna tas the following day malalaman nila wala na kami?

Sinabi ko nalang na dahil kay Kaye. Nalaman ni Anna na nanliligaw ako kay Kaye kaya siya nakipagbreak sakin. Yun lang. Tapos. Di ko na inelaborate sa kanila. Mahirap din magsinungaling 'no!

"Sayang din yun si Anna. 10 pa naman yun. Di ba pre?" John

I glared at him.

"Oh relax lang. Sayo lang siya. Sayo lang," nakangising sabi ni John.

"Speaking of Anna," singit ni Kurt. "Nakikita niyo ba ang nakikita ko?"

"Oh my," gulat na sabi ni Boy.

Binatukan ni Kurt si Boy. "Oh my ka diyan! Baguhin mo nga mga expression mo Boy!"

"Aray!" Sigaw ni Boy. "Okay pareeeng Kurt. Di na mauulit."

Tiningnan ko kung saan sila nakatingin.

Si Anna.

Parang akong napako sa kinatatayuan ko.

Si Anna may kasamang iba!

Ako nga dito nagpapakahirap huwag tumingin sa iba tapos siya sumasama sa ibang lalaki?!

Grrr...

"Papunta silang canteen. Baka sabay maglulunch." Boy

"Bilis ni Alfred ah! Nalaman lang na break na kayo ni Anna, pumoporma agad." John

"Okay lang yan, bro. May Kaye ka pa." Tinapik-tapik ni Kurt ang likod ko.

'Kung alam niyo lang. Girlfriend ko pa yan eh!' Gusto ko sanang isigaw pero pinigilan ko sarili ko.

"Anak ng mamon, nagugutom ako!" Tumayo ako sa bench na kinauupuan namin.

"Kakakain lang natin ah?" Reklamo ni Boy.

"Eh sa nagugutom ako! Punta akong canteen. Kung ayaw niyo sumama sakin, di huwag!" Galit na ako.

"Hahaha," nagtawanan sila.

"Sige, kain tayo ulit. Gusto ko makita si Anna at Alfred nagsusubuan." Pabirong sabi ni Kurt.

Binigyan ko siya ng matalas na tingin.

"Hahaha! Biro lang bro." Inakbayan ako ni Kurt. "Tara sa canteen ulit tayo!"

Naglakad na kami papuntang canteen. Mabuti na lang sumama sila lahat sakin. Siyempre, moral support. Obvious naman kasi na gusto ko lang sundan si Anna at hindi talaga ako gutom.

"Oh my, ang P4 nandito!"

"Ang gagwapo talaga nila. Shemaayy."

Pagkapasok pa lang namin sa canteen, iyan na ang mga naririnig ko. Ano ba naman yan. Ngayon lang ba nila kami nakita? 4 years na kami sa eskwelahang ito, di pa rin sila nagsasawa?

"Boy, P4 daw. Ano ibig sabihin nun?" Narinig kong tanong ni John.

"P4. Short for Papables 4."

"Eeh," napangiwi si John at Kurt.

"Hayaan niyo na. Ayaw niyo nun mas sisikat tayo kasi may pangalan na ang grupo natin?" Boy.

Di ko na pinansin mga kasama ko. Hinanap ko kung saan nakaupo si Anna.

At ayun nakita ko din siya. Nakaupo sila ni Alfred sa gitna. Kumakain. Magkaharap pa.

Grrr...

Ba't sila lang dalawa hindi nakapansin sa pagdating namin?

Tsaka kailangan talaga sa gitna umupo?

>__<!!!!

"MANANG PABILI NG SPAGHETTI!" Sigaw ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao sa paligid.

Badtrip ako. Kung kanina acting lang 'yon. Ngayon totoo na talaga. Badtrip ako!!

Tsaka alam ko naman favorite ni Anna ang spaghetti kaya SANA NAMAN LINGUNIN NIYA AKO DI BA?!

__________

Ang korni. Haha. Bahala na. Gusto kong magcomedy pero parang di ata bagay? nu sa tingin niyo? Gusto ko din palitan ang title? ang panget ng title ko ngayon. T_T Suggestions anyone?

The Girl Who Ate My Heart for BreakfastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon