Chapter 03
Nandito ako ngayon sa labas ng classroom nina Anna. Nakasandal ako sa pader habang inaantay ang paglabas niya sa kanilang classroom.
Nagsilabasan na ang iba pero hindi pa rin lumalabas ang Anna ko.
=_= Naiinip na ako.
Mabilis uminit ang ulo ko pero ngayon susubukan kong magtiis.
Para kay Anna..
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking bulsa saka inalala ang mga nangyari kanina.
Hindi pa rin ako makapaniwalang lumipat pa talaga si Anna dito sa school namin para lang makasama ako. Di ko alam kung yun ba talaga ang totoong reason niya pero iyon ang paniniwalaan ko.
Hindi ko din alam kung ang gesture na ginawa niyang pagpulupot sakin kaninang lunch nung inaangkin ko siyang girlfriend sa harap ng tropa ko was her way of agreeing na kami na nga. Well, yun na din ang papaniwalaan ko. Kami na.
At nandito ako ngayon inaantay siya para gampanan ang role ko bilang boyfriend niya.
Kung ordinaryong araw lang 'to, kasama ko na sana sina Kurt ngayon sa internet café malapit sa labas ng school at naglalaro ng DOTA All Stars. Pero hindi e. Special ang araw na 'to.
First day namin ni Anna bilang magkasintahan.
Simula ngayon palagi ko na siyang sasamahan. Kahit hindi kami classmates, ipaparamdam ko sa kanyang palagi akong nandito para sa kanya bilang boyfriend.
Ihahatid ko siya pauwi.
Ako magdadala ng mga gamit niya.
Aalagaan ko siya. Poprotektahan.
At higit sa lahat, mamahalin ko siya.
Mahal ko siya.
>////<
Nagbablush na naman ako. Iniisip ko lang si Anna kinikilig na ako. Waah!
Gay, I know. But I don't give a d**n.
"Airwind pare,"salubong sakin ni Alfred na nakipaghandshake sakin, "syota mo si Anna?" Isa siya sa mga kaibigan ko sa Section A.
Bigla akong nainis sa term na ginamit niya. 'Syota' daw. May nakapagsabi kasi sakin na 'short-term' daw meaning nun.
Pinilit kong itago ang namumuong kunot sa aking noo at sinagot siya casually. "Oo pare, may ginagawa pa ba siya sa loob?"
"Wala naman. Magkausap lang sila ni Kaye." Nagsmirk siya sakin, " astig mo pare pinagsabay mo yung dalawa. Ang ganda pa ni Anna, swerte mo!" Tinapik pa niya ako sa likod.
"Di ko naman pinagsabay," depensa ko. Naiinis na talaga ako pero di ako pwedeng magreact. Alam ko pagkakamali ko. "Hindi naman naging kami ni Kaye"
"Talaga? Nung 3rd year pa kaya kalat sa campus na kayo tas ngayon sasabihin mo hindi naging kayo? Hindi ka ba natatakot sa karma pare?"
Sh*t! That's it!
"Ano ba pare nakakaasar ka na ah!" Tinulak ko siya bigla sa dibdib niya.
Napaatras siya saka itinaas ang dalawa niyang kamay," Whoa, relax lang pre!"
"Nakakalalaki ka na e! Sabi ng hindi naging kami ni Kaye. Hindi ako two-timer!" I glared at him. Tumaas na boses ko. "Tsaka di ko syota si Anna," tumigil ako sandali para tumingin sa mga students na nakatingin na samin saka ibinalik ulit sa kanya ang paningin ko, "girlfriend ko siya."
"Sorry pare. Maling akala lang"
Di ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Galit. Asar.
Umaatras siya ng nakaharap pa rin sakin tas nung malayo na siya ng konti saka siya tumalikod at naglakad paalis.