"Bessy!"- sigaw nitong best friend ko. Gravity~ kasi yong crush ko nakita kong kinakasal sa wedding Booth nga lang pero kahit pa. Naiingit ako. Ihing-ihi na daw siya pero heto ako't nanunuod ng kasal kasalang ito kainis ah nakakainggit ang mahaderang bride niya.Dahil nalungkot ako choss! Nainggit pala kaya umalis nako don bumalik nalang ako sa Canteen para magpaka-busog. Hindi ko na alam kong saan napunta yung best friend ko baka na-ihi na saluwal iyon.
"Hoy! Talipandas ka! Muntikan nakong ma-ihi sa suot suot ko dahil sayo. Tama bang iwanan ako."-muntik ng sumabog ang eardrums ko. Aba ! Kung tao lang ito malamang Naglupasay na sa kakaiyak ito dahil sa sigaw ng babaeng to.
"Si Domo kasi nagpakasal sa mukang salagubang na babaeng yun"-sabi ko sabay linantakan ang pagkain sa harapan ko. Nagugutom kasi ako pagnaii-stress ako e.
Napaangat ang tingin ko kay Ainie ng walang humpay itong tumatawa na nakaupo sa upuan sa harap ko. Baliw na talaga tong bestfriend ko e. Tsk tsk.
"Hahaha! Sinong tanga? Aasa-asa ka kasing aayain ka ni hindi ka nga kilala non e. Ambisyosa ka Syne !"-sabay tawa ulit walang hiya talaga. Sinimangutan ko nalang siya. Mabuti nalang nasa dulo kami ng canteen na walang tao kundi pinagtitinginan na naman ang babaeng aswang nato.
"Duh! Hindi ako umasa noh! Natural lang isipin kong aayin niya ako sympre ang ganda ko kaya."-sabay irap ko. Aba't tumawa pa ang hitad! Sakalin ko ito e.
Nagbarahan kami ng nagbarahan sa canteen hanggang sa maisipan niyang manuod sa Gym. Well, intramurals kasi ngayon kaya may mga Booth at sympre maraming program. Tinignan ko ang relo ko langya 5:30 pm na pala.
Nang makarating kami sa Open Gym ay halos mabingi ako napaka-ingay talaga nila. Kumaway ang mga classmates namin sa aming dalawa kaya naisipan naming lumapit. umikot pa kami dahil baka tamaan kami ng bola basketball kasi ang nilalaro nila ngayon.
"Ayiee! Yung Domo mo prend oh!"-sigaw ni Janu na kaklase well alam yata nong classmates ko na crush ko siya buti at hindi naman sila mga chismosa.
Sobrang attentive ako sa panunuod hanggang sa matapos sila at sympre champion as expected! Nang matapos ang laro nila ay nag-aya ang mga kaklase kong maglibot libit sa ibang mga booth sa huli ay pumasok kami sa horror house. halos mapaos kami sa kaka-sigaw mukang mas bigay todo pa yata ako kesa basketball game kanina.
Sa sobrang takot ay Parang nai-ihi ako wews. Kaya agad akong nagpasama kay Ainie na Pumunta sa comfort room kahit na medyo malayo dahil sa dulo pa ng school ayaw ko kasi don sa malalaki ayaw ko ng may mga salamin natatakot ako e.
Pagdating namin sa Cr nauna na si Ainie gumamit. Sakalin ko kaya to ako ang nagpasama e.
"Bessy! Walang tabo baka napadpad na naman jan sa kabila!"-kumatok ako sa mens room at wala namang tao kaya sumilip ako pero wala naman yung tabo ng naisara ko ito naghanap ako ng pwedi lapagan nong bag namin at don nilagay sa hagdan sympre pano ako iihi kong naka bag-pack pako ng pagkalakilaki.
Pagbalik ko sa Cr ay hindi parin lumalabas ang bestfriend ko baka naman natae na to. Naisipan kong pumasok sa men's room para hanapin yung tabo. Pag-hawak ko ng door knob saktong bumukas ko agad ang pinto at lumabas si DOMO?! Agad kong tinakpan ang mukha ko.
"Waaaah! My oh so Virgin Eyes!"-sigaw ko sabay talikod. Omg! Pano siya napunta jan ? Nakakahiya parang oh my! Nakakahiya talaga muka akong manyak hinawakan ko pa talaga yung door knob! Hindi pa talaga ako kumatok pero kasi hindi ko naman alam e. Napalingon ako ng makita ko siyang tumawa Gravity~ Ainie utang na loob lumabas kana dyan! Nakahinga ako ng umalis na siya Sheeeets ang init ng mukha ko. Nawala yata yung pagka-ihi ko.
"Ainie lumabas kana dyan!"-sabay katok ko ng malakas sa pinto hindi nagtagal at bigla itong bumukas at nakita kong basa siya nako engot talaga.
"Mama mia corazon! Balak mo ba akong patayin?! Nabasa tuloy ako bakit ka nanggugulat?"-sabay simangot niya.
"Sorna! Uwe nako"-sabi ko. Nahihiya kasi ako sympre kung ikaw kaya? Diba katakot? Pano kung hindi pa siya tapos ng pumasok ako tapos makikita kong Waaaaah! Kahiya talaga
"Talagang uuwe na ako. Kitang basang basa ako e."-umalis na kami sa Cr at tinawagan na niya yung sundo niyang tricycle. Sinabi kong mauuna na ako dahil hindi talaga ako maka-move on kaylangan kona talagang umuwe. Pagalabas ko ng school sumakay ako sa tricycle at mukang may tao pa ayos lang sanay naman akong may nakakatabi sa pag sasakay e.
Napalingon ako ng tumawa yung katabi ko. Waaaaah! Feeling ko nawalan yata ako ng kulay. At bakit sa hinaba haba ng panahon kong pinangarap na makasabay ay ngayon pa Omoo! Nilipat ko ang tingin ko sa kalsada kong hindi lang ako mapipilayan pag tumalon ako dito tatalon talaga ako.
Huminga ako ng malalim ng marinig kong pinara na niya. Kaylangan ko patuloy bumaba para makadaan siya. Pagkababa niya ay umamba ako sasakay ulit pero narinig kong nagsalita siya.
"Good night, Miss Comfort Room."