emeilou

150 0 0
                                    

Ang reporma sa lupa[baguhin]

Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree No. 27) ang Pangulong Marcos. Sa bisa ng kautusang ito, ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines. Babayaran ng bangkong ito ang kaukulang halaga sa may-ari ng lupa. Sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka.

May isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupa. Pinapadala sila sa mga pook na maaari nilang mabungkal at matamnan. Bawat magsasaka at ang pamilya niya ay binibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pinahihiram siya ng salapi para sa kanyang bagong ginagawang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Maraming magsasaka ang naipadala sa Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat.

Nagpagawa ang pamahalan ng mga patubig sa mga bagong sakahang ito upang maparami ang ani ng mga magsasaka. Nagpagawa rin ng mga daan upang ang mga produkto ay madala sa pamilihang bayan.

Tinuruan ang mga magsasaka ng paggamit ng mga makabagong paraan ng pagtatanim. Tinuruan sila ng paggamit ng mga pataba at mga gamot na pamatay sa mga mapaminsalang kulisap. Itinuro sa kanila ang mabubuting uri ng mga kooperatiba upang makabili sila ng mga kailangan sa pagtatanim sa mababang halaga.

Mga pagbabagong Pangkabuhayan[baguhin]

Malaki ang pagsisikap na ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan upang linangin at paunlarin ang mga industriyang may kaugnayan sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa. Ang pagpapaunlad ng mga industriyang iyon ay binigyan ng unang pansin sa pagtataguyod at pagtangkilik ng pamahalaan

Pagbabago sa agrikultura[baguhin]

Ang pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan ay nagsikap na makapagbigay ng sapat, mahusay at murang mga pagkain sa mga mamamayan, gumawa ito ng mga palatuntunan sa ikatutupad nito.

Masagana 99[baguhin]

Ang palatuntunang tinatawag na Masagana 99 ay sinimulan noong 1977. Nilalayon ng palatuntunang ito na maging masagana ang ani ng mga magsasaka at makaani ng 99 na kabang palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, itinuro ang paggamit ng patubig, pataba at ng mga gamot na pamatay sa mga kulisap na sumisira o kumakain ng palay. Tinulungan silang humiram ng salapi sa bangko na pambili ng mabuting uri ng binhi, ng pataba, at ng gamot laban sa sakit ng palay.

Masaganang maisan[baguhin]

May palatuntunan din na ang tawag ay Masaganang Maisan. Natutungkol ito sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan. Ang balatong at sorghum ay hindi lamang mga pagkain ng tao. Pagkain na rin ito ng mga hayop na katulong sa hanapbuhay.

May palatuntunan din ang pamahalaan na tinawag na Gulayan sa Kalusugan. Ang layunin nito ay maparami ang mga tanim na gulay.

Biyayang-dagat[baguhin]

Ang tagumpay ng Masagana 99 ang nagbigay daan sa pagluwal naman ng Biyayang Dagat o Blue Revolution. Sa pamamagitan nito, ang mga mangingisda ay nakauutang ng pera mapabuti ang kanilang hanapbuhay. Ang programa ay binalangkas ng Ministri ng Likas na Kayamanan noong 1979 upang ang mga karaniwang mangingisda ay makautang ng pera sa kanilang mga rural banks. Ang programang ito ay nilaanan agad ng Php 850 milyon ukol sa unang limang taon.

Upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang inutang, ang Pamahalaang Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap ang mapagdadalhan ng huli ng mga mangingisdang ito. May mga kooperatiba rin ang mga mangingisda at ito ay nakalagay sa lahat ng daungan ng isda. Ang mga kooperatiba ang bumibili ng huling isda sa makatuwirang halaga. Sa mga pook na walang kooperatiba, ang rural bank ang nagtatalaga ng tagapakyaw.

Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng pamilihan.

Iba pang mga palatuntunan sa agrikultura[baguhin]

Isa sa mga palatuntunan ng pamahalaan tungkol sa agrikultura at ang pagdaragdag ng produksyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa bansa. Dahil sa palatuntunang ito dumami ang naipagbibiling niyog, abaka at asukal sa ibang bansa.

Ang isa pang produktong nagbibigay ng malaking kita sa pamahalaan ay ang tabako. Pinarami rin ang produksyon ng mga sumusunod na pang-komersyong produkto: ramie, goma, abaka at bulak.

Phil HistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon