Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

141 0 0
                                    

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.

Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.

Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.

Si Cory at ang CARP

Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.

Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan. Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura.

Phil HistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon