Chapter : 6 The Unexpected

138 5 0
                                    

Nagising na lang ako ng maliwanagan ng sikat ng araw ang aking mga mata..

Tumayo ako at tinignan ang oras.. 6:20 am na! Pinunasan ko ang mga labi ko pero ayaw matagal nung natuyo kong laway, Bakit ba kasi hindi ako ginising ni kuya!! nasan na ba siya?.. kinuha ko ang towel ko at dumiretso na sa banyo. Mga 15 minutes natapos na akong maligo at magsipilyo, habang nagbibihis ako, nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan, oo nga pala hindi ako kumain kagabi kaya ganito, super hungry na si tummy. Nagsuot na ko ng watch at earings, dali dali akong bumaba at nakita ko si kuya kumakain na.

"Ayos ah.. walang gising gising no??" Naiirita kong sinabi. ni hindi man lang siya nagreact.

"Parang ang sarap ng breakfast natin ah??" Nagpaparinig ako sa kanya, aba wala pa ding kibo ang Impakto.

"Hoy KUYA!!!" Tumingin siya sakin na parang inosente.

"Bakit?"

"Leche ka, hindi mo ko ginising" Umayos siya ng upo.. at itinaas niya ang sweater niya hanggang braso.

"Tignan mo to" may nakita akong pasa.

"Oh? anong gagawin ko diyan? magic-kin ko?"

"Tanga! ikaw gumawa niyan kanina" Weh?? baka tulog ako kanina.

"Tulog ako kanina , bakit ko naman gagawi  yan? aber." Nakapamewang kong sinabi.

"Ginigising kita kanina ng 5:30 pero sinapa mo ko ng sinipa, yan na abot ko.. Kaya di na kita ginising ulit, panira ka ng kagwapuhan." ayweh.. ginawa ko yun?

"Weh? ako talaga gumawa niyan?, edi dapat pala ako magsorry?.. ge sorry kuya..Penge nga niyan" Kinuha ko yung kinakain niyang tinapay na may palamang nutella.

"Akin yan!! Bwisit ka talaga" Eh wala eh nakagatan ko na akin na to.. tutal kanina pa siya kain ng kain.

"Akin na to, kanina ka pa kain ng kain, tara na nga malalate nanaman tayu niyan eh" Tumayo na si kuya at isinukbit yung bag niya.

"Balita ko madami nagkakacrush sayo sa campus ng bui,ding C ah??" Napangiti siya habang nagdadrive.

"Ganun talaga gwapo ng kuya mo eh"

"Yabang mo talaga!" Natatawa kong sabi..

Di nagtagal nakadating na kami sa school, habang naglalakad ako, nakita ko si renz at anna na magkasabay pumasok, tignan mo nga tong dalawa na to oh.. di ko naman sila nakitang naguusap kahapon ah. Ngayon magkasama sila, nakita ko din na patakbo si marcus na lumapit sa kanila at inakbayan si anna.

Aba magkakaclose pala ang mga to! Hindi man lang sakin sinabi ni anna..

Nakatingin pa din ako sa kanila, napansin ata ni anna kaya tinanggal niya ang kamay ni marcus at Tumakbo papalapit sakin.

"Ate nikki!!!!" Bati niya sabay yakap sakin.

nagsmile lang ako sa kanya at sabay sabay na kaming pumasok sa classroom, pagpasok ko sa classroom ay umupo na ko at si marcus , si renz naman binaba yung bag niya at lumabas, si anna umupo muna sa upuan ni renz kaya magkatabi kami ngayon.

___________

3 weeks na din ganun ang cycle ng buhay ko sa school, naeenjoy ko naman at sa tingin ko ang tunay ko nang kaibigan sa room ay si anna, marcus at si renz(?) ewan pero lagi kasi siyang humihiwalay samin, madami pa din ang nagtitimping mga plastik sa room, takot lang ni,a sakin eh mas matanda ako sa kanila.

Papunta ako  ng library ngayon ng narinig ko ang boses ni anna.

"Anu bang pakielam niyo??" Sigaw ni anna sa tatlong babaeng nakapalibot sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY EX boyfriend's comebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon