Chapter : 3 A Sudden Twist

71 4 2
                                    

Npagisip isip ko na, Buo na ang desisyon ko , mamayang uwian makikipagbreak na ko sa kanya, kahit masakit ng sobra.. kelangan niyang marealize na kawalan ako, na importante din ako sa kanya. Sige mamaya.

BreakTime na pero hindi pa din kami nagpapansinan , lagi naman kaming ganito sanay na din ako.. Para nga kong walang boyfriend diba, pero kahit ganun mahal na mahal ko pa din siya.. may times kasi talaga na May ginagawa siyang kakaiba na mahuhulog talga ang loob mo sa kanya, at kahit ganyan siya ka cold at tahimik kilalang kilala niya ako. ayoko na ayoko na iexplain kung bakit ako nainlove sa isang katulad niya mamaya naman ay hihiwalayan ko na siya.... pero ayaw ng puso ko...

napansin kong tumayo siya at papalapit sa pwesto ko, hindi siya nagsalita pero may iniwan siyang papel , at dumiretso na siya palabas.

pagkabasa ko

"Sumunod ka sakin"

yun lang ung nakasulat, hindi na ko nagdalawang isip, sumunod agad ako.. baka aamin siya na may nagawa siyang kasalanan at baka magkaayos din kami, Sana nga para hindi na ko makipagbreak sa kanya.

Sunod lang ako ng sunod hanggang sa mapunta kami sa likod ng campus.

"Ahh Xander B-"

"Lets broke up" Ahh huh??? ano daw

"ha??"

"I said Lets Broke up , We're Done" Hindi... Mali tong naririnig ko.. Ako dapat ang nagsasabi niyan sayo ngaun xander bakit ganito mali ata..

"But-"

"No But's nikki!! pagod na ko, Ayoko talaga , Nagtagal tayo pero Hindi nagwork. Nagtiis lang ako dahil sabi nila mahal na mahal mo ko. Pinagbigyan lang kita" Hindi ko alam Ang sakit talaga , ganito pala yung feeling na Inunahan ka, at hindi mo ineexpect, at yung mga sinabi niya totoo ba yun? pinagtiisan niya lang ako.. pinaglaruan niya lang ba ako..

"S-so A-alex ganito na l-lang... p-pinaglaruan mo lang AKO?" Ugh bakit ganto hindi ko madiretso ang Salita ko.. Wala na... babagsak na talaga luha ako na talunan,

"Hindi na kita Mahal Nik" Aalis na siya ng bigla ko siyang hinila.. niyakap ko siya..

"Xander.. kahit hindi mo ko minahal alam ko naramdaman mo ang pagmamahal ko sayo.. Kahit na wala kang kwentang boyfriend , minahal pa din kita ..kahit alam kong Niloloko mo na ako.. sinunod ko pa din ang puso ko.. Lahat naappreciate ko pag galing sayo , kahit maliit na bagay lang yun, Kahit na tatlong  beses lang tayong nagcelebrate ng Monthsary kahit 10 months na tayu okay lang , pero alam mo Dapat nga mamaya makikipagbreak na ko sayo dahil may nakita ako na hindi dapat makita.. Masakit Yun sobra pero nung sinabi mong sumunod ako sayo nagkaron ako ng pagasa na baka umayos pa .. kaya nagbago ang isip ko... tapos ngaun bumaliktad" Humigpit ng sobra ang pagkakayakap ko sa kanya.. iyak na ko ng iyak at sa tingin ko babagsak ako anu mang oras..

tinanggal niya ang mga kamay ko sa pagkakayakap Ko sa kanya at without any words, he left me dumbfounded.

Umuwi ako sa bahay ng magang maga ang mata, wala akong kinakausap , hindi ako kumakain, Nakakulong lang ako sa kwarto.

Mahirap pag heartbroken ang isang tao, pwede ko nga itong ikamatay eh.

2 weeks na akong hindi pumapasok at hanggang ngaun fresh pa din sa utak ko yung nangyari samin ni xander. hindi ko talaga alam bakit ganun, siya yung may mali, bakit ako yung naagrabyado. Sa lahat ng ginawa ko sa kanya wala naman akong nagawang sobrang ikasasama ng loob niya ah. Sa tingin ko nga di niya talaga ako minahal, kaya ganun niya na lang ako itrato, parang wala siyang girlfriend.

Tinatamad na ko pumasok ayoko na magaral, mas maganda ng ganito kesa nababalitaan ko sa campus si xander..

Mahirap magmove on kapag madaming nakikita na related sa kanya, kaya minabuti ko na lang sa Bahay ako.

_________________

aww too short. sorry po ngaun lang napublish super busy kase sa school eh ㅠㅠㅠㅠㅠ

sorry po talga next chapter hahabaan ko na :)

MY EX boyfriend's comebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon