Ang Dandelion

3 0 1
                                    

"Ano bang nangyayari sa'yo Ysa?!,"sigaw ko sa kanya habang pinipilit tanggalin ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak nya. "Nasasaktan na 'ko, ano ba!,"atsaka nya lang ako binitawan.

Nasa likod kami ng CAL building kung saan walang tao at nagulat na lang ako nang makita kong umiiyak sya.

"Bakit? Sinaktan ka na naman ba nya?!,"nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling sya at tuluyan nang humagulgol. "ANO BANG MERON SA'YO YSA?! Anong problema?!"

Nakatayo lang kami noon sa gitna ng kalsada habang hinihintay kong mahimasmasan na sya.

"Sino 'yung kinakausap mo dun sa likod ng AS?,"seryoso nyang tanong habang patuloy na lumuluha."Kilala mo ba kung sino 'yon?! KUNG ANO YUNG KINAKAUSAP MO?!," pasigaw nyang tanong.

"Oo. . .," pagtataka kong tanong. "Si Nova, Ysa, sya 'yon. Yung kinukwento ko. Naaalala mo ba?," sagot ko sa kanya habang naguguluhan pa rin.

"Nova?," at bigla syang tumawa. "CARRIE, NOVA?!,"at bigla syang umiyak. Para na syang baliw. "So, sya pala SI NOVA. . . Iyon na pala bansag nya sa sarili nya"

"ANO?! DI KITA MAINTINDIHAN YSA!,"sigaw ko dahil sa pagkagalit at pagkalito. "Diretsuhin mo na 'ko---"

"NILOLOKO KA LANG NYA!,"napasigaw sya ng malakas na umalingawngaw sa buong lugar. "MICHAEL---Siya si Michael,"pabulong nyang sinabi habang patuloy na umiiyak.

"Naloloko ka na, Ysa," mariin kong di pagsang-ayon sa sinabi nya. "Patay na yung Michael mo---," atsaka ako biglang nanghina. Ang mga salit ko ang mismong nagpahina sa katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at biglang napaupo sa lupa. Di ko napigilan ang pagbuhos aking mga luha. "Pa-papaano?,"paulit-ulit kong bulong sa hangin.

"Nakita ko sya dati,"umiiyak na sabi ni Ysa. "May kakayahan akong makita sya tulad mo. . .Kinausap nya ko,"patuloy pa rin ang pag-iyak nya."At di ko sya pinakinggan kasi natakot ako," mas lalong tumindi ang paghagulgol nya. Naalala ko bigla ang sinabi sa akin noon ni Nova. Sinabi nyang kinausap nya ang taong mahal nya pero binalewala lang sya kasi nga hangin lang sya. "Ikinuwento nya 'yung nangyari sa kanya pero. . . pero napuno ako ng takot, Carrie. Pinagbantaan na ako ni John dati. Iisipin lang ng mga tao na baliw ako kapag sinabi kong kinakausap nya ko!"

Tama, 'HANGIN', iyon pala ang ibig sabihin nya sa hangin. Kaya pala sinabi nyang hangin sya. Kaya pala pinagtitinginan kami ng mga tao sa tuwing nag-uusap at nagtatawanan kami. Kaya pala parang lagi syang andyan. Kaya pala hindi sya nakita ng librarian non. Kaya pala umalis sya noong nakita nya sina John. Kaya pala mukha akong tanga. Kaya pala ganun sya kalalim, kalamig, kamisteryoso. Kaya pala hindi sya nakikita, naririnig ng ilan.Kaya pala. Kaya pala.

Bakit ba ngayon ko lang napansin? Nabulag ba 'ko masyado sa paghanga ko sa kanya? Nabulag ba 'ko dahil mas pinili kong pakinggan at madama sya?

Pero mahal ko pa rin sya . . .

Hinawakan ko ang dandelion necklace na ibinigay sa akin ni Charlie---na pagmamay-ari ni Nova. Tinanggal ko ito sa leeg ko at iniabot sa taong dapat na may suot nito.

"Ysa,"nakangiti kong sabi sa kanya. "Kunin mo 'to. . . Ingatan mo,"at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. "Tanda 'yan ng pagmamahal nya sa'yo."Bakas sa mukha nya ang magkahalong saya at lungkot.

"Carrie,"at dahan-dahan nyang kinuha ang necklace. Sinuot nya ito sa kanya at hinawakan ang nakaukit na maliit na dandelion. "Salamat"

Ang sakit.Sobrang sakit.

She's the first girl you dreamt. She's the girl whom you died for---though you said I was the girl whom you lived for.

I just hope I can rely to the words of the wind...

I just hope I can rely to you...

Siya ay . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon