Siya ay. . .nagpakita

6 0 0
                                    

"Carrie!!!", sigaw sa akin ni Ysabelle na nag-aya sa akin noon sa sorority.

"Oh? Anong balita? Natanggap ka?," agad kong taong sa kanya abang naglalakad kami sa hallway ng AS. 

"Well, guess what gurl! I got accepted! Woooohhh!", patili nyang balita sa akin.

"Ano namang initiation ang ginawa sa inyo, aber?". Bigla naman syang natahimik. Napansin ko rin na nakamahaba syang palda. "New fashion mo gurl?", paasar kong tanong. Di pa rin sya umiimik hanggang hinawakan ko legs nya.

"OUCH! WHAT THE HECK ARE YOU DOIN'?!," pasigaw nyang reklamo.

"So, everything is a lie then? Wala daw initiation. Tsk. But Ysa, tell me what happened. I'm  your friend, don't worry," at sinabi nga nya ang mga pangyayari. Kinuwento nya kung paano sila pinainom ng maraming alak, pinilit humithit ng yosi, pinagsasampal, pinagtatadyakan, at pinagsusuntok.

"They warned us about informing anyone about the initiation," takot nyang sabi. "They'll kill us, so, please, gurl, don't tell anyone okay?,"

"Sure, don't worry," panigurado ko sa kanya. "Pero have yourself checked because di natin alam kung anong pwedeng mangyari. Baka may internal hemorrhage ka gurl. Andami nang namatay because of that. Naaalala mo pa naman siguro yung Salazar hazing case di ba way back 2012 nung freshie pa tayo. You won't let that happen to you too, right?," parang Nanay kong bilin sa kanya. Nanahimik lang sya at pilit na iniba ang usapan.

Sabay kaming pumasok sa klase namin sa Philo 1. Magkaibigan na kami since first year college. BS Biology ang kinukuha naming course. Pareha kaming mahilig sa science kaya nagclick agad kami kahit magkaiba kami in many aspects. 

"I saw you yesterday, sa sunken," bulong nya sa akin habang naglelecture si Prof.

"Yeah, andun nga ko. May kinakausap na kaibigan," pabulong ko ring tugon

"Oh really? Is it a guy friend or what?," dagdag nya. Tumungo lang ako para sumang-ayon.

"Di mo ba sya nakita?", tanong ko sa kanya. "Well sa bagay, nakahoodie sya lagi"

"Wala akong nakita e. I just saw you alone but I didn't approach you coz maybe you're talking with someone on phone," sinabi nya habang si Prof tiningnan kami ng masama.

"Maybe you saw me when I was still waiting for him," huli kong sinabi. Di na muna kami nag-usap hanggang  matapos ang klase.

"Magpacheck-up ka ha!", paalala ko sa kanya. 

"Yeah, sure. Baka bukas," sabi nya. "Hey, tomorrow, third year anniversary na namin ni John. Sabi nya we'll go to somewhere special," kilig nyang balita sa akin.

"Mag-iingat ka dyan kay John ha. Baka kung san ka dalhin nyan. Alam mo namang una pa lang, ayoko na talaga sya. Bayolente pa naman sya dahil sa pagiging frat leader nyan. Ewan ko ba sa'yo. Sana mauntog ka na!," naiinis kong sinabi sa kanya.

"Gurl, he's kind naman e but yeah, he's violent often, maybe because he's keeping his image as the frat leader. Pero gurl, I learned to love him eventually even though it started not right," paliwanag nya sa akin.

At nang papalabas na ko sa classroom, nakita ko si Nova na dumaan at kumaway sa akin.

"Gurl, Ysa, una na ko ha! Nakita ko sya sa hallway. Sundan ko sya. Bye!," dali-dali kong paalam kay Ysa. Agad-agad rin naman akong tumakbo papalabas ng classroom at hinanap sya sa kumpol ng tao.


Siya ay . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon