“Aaaaaah.”
I sighed in deep frustration.
Bakit kase may mga story pang ginawa para masaktan lang tayong readers sa huli when there’s a “happy ending” concept naman?
Nakakainis lang.
Anyway, I’m Angeli delos Santos. My family and friends call me Angge. I just turned 16 last month. Hobby ko ang pagbabasa ng pocketbooks pero dahil nga kulang din naman ako sa budget (kase nagagastos ko yung allowance ko) para bumili ng books, sa Wattpad nalang ako nagbabasa ng stories. Buti nalang may Wi-Fi dito sa bahay. Haha!
“Nak. Nakaharap ka na naman dyan sa laptop mo. Bantayan mo muna si Yuan dito.”
Naku! Si Mama talaga KJ. Haha! Pinapabantayan pa sa’kin si Yuan Samantalang may isip naman na yan.
De. Joke lang po. Mahal na mahal ko sila no.
“Opo, Ma. Just wait up there. Saglit nalang po ‘to.”
I turned off my laptop na. Buti nalang tinawag ako ni Mama nung tapos na ako sa story na binabasa ko.
Yung title ng story na binasa ko kanina ay “Love Game.” The story was not the best na nabasa ko pero yung content.. ah basta. Haha!
Tama lang naman yung pagkakasulat. I mean walang bago. Pero the way na isinulat yun ng author, bilib ako.
Fan talaga ako ng UAAP eh.
Kaya nga nagustuhan ko yung kwento, well.. except nga lang dun sa last part kung saan naghiwalay din yung mga bida.
“Angge!”
Ayy lagot! Na-first name na ako ni Mama which means kailangan ko nang bumaba.
“Opo Ma. Pababa na.” Sagot ko.
Nang masiguro kong naka-off na laptop ko, bumaba na ako.
“Mama! Huhu!” Bungad ko sa kanya pagkababa ko.
“Ano na namang drama yan ha, Angge?” Sagot ni Mama sa pag-iinarte ko.
“Eh kase Ma.. Yung bina---“
“Yung binabasa mo na naman? Naku bata ka! Kailan ka ba titigil dyan?” Reklamo ni Mama.
Hindi naman siya tutol sa pagbabasa ko nun. Nag-aalala lang daw siya kase yun at yun yung lagi kong pinagpupuyatan. Baka sooner or later daw, yun na maging cause of death ko. Hahaha!
“Ma naman eh.. Kase si Kiefer tsaka yung girl na partner niya dun sa story, naghiwalay sa huli eh. Kainis lang.”
“Yun lang? Hayyy naku anak. Tama na muna yang pagda-drama mo. Pakibantayan ‘to si bunso ha. I’ll just go visit your Lolo. Alam mo naman, nagtatampo na yun sa’kin.”
“Sige po, Ma. Ako bahala sa kanya. Ingat po at paki-kamusta ako kay Lolo at Lola.”
Tatlo lang kaming magkakapatid.
Panganay si Kuya Marc. Third year college na siya. Ako naman ang pangalawa. Yung bunso naman namin, si Yuan. Seven years old palang yan.
Ang laki ng gap namin ni bunso no? Sina Papa kase e. Humirit pa. Pero okay lang. Mahal na mahal ko naman ‘tong si bunso.
Yung pangalan naman, isinunod kay Mama. May ang pangalan niya. Bawat letra ng pangalan niya, initial ng first names namin.
“Ate, can I have some chocolates pa po?”