Nandito na pala ako sa bahay, hindi na ako nagpahatid kay Justin besides sinundo naman ako ng driver namen eh. I’m at my room now, nililinis ko yung mga paper na nagkalat. Andami ko kasing paperworks na inuwi dito sa bahay. Nagcontinue lang ako sa pagliligpit ng may nabasa akong essay, eto yung ginawa kong essay nung high school ako. Pinagawa kasi kami nung sir naming ng ng essay about love, idescribe daw namin kung ano ang pag-ibig, Malapit na kasi valentine’s day noon, at yung araw na yun, dun kami nagkaroon ng official break-up ni Justin. Kaya nilabas ko na lahat ng nararamdaman kong pain sa essay na sinulat ko.
FLASHBACK
“Okay class get a one whole clean sheet of paper. At dun nyo isusulat kung ano ang salitang pag-ibig para sa inyo. At after nun, tatawag ako ng isang student para basahin nya yung essay nya sa harapan. You may now start.” Sabi nung sir namin sa Filipino atska umalis muna, pinatawag kasi sya.
Natapos na akong magsulat at nalagay ko na din yung paper ko sa table ng sir naming, sakto ding dumating na sya.
“Hmmm. Okay. Ms, Ocampo basahin mo yung nasulat mo.” Taragis, at ako pa talaga ang natawag.
“I lost the most painful game in my life, the Love..” yan yung title ng article na nasulat ko.
“Naisip ko na ang pagibig pala minsan ay parang domino, bakit? Kasi nahulog ka para sa kanya pero sya nahulog para sa iba. Alam nyo yung feeling na ganun? Mahal mo sya, akala mo mahal ka din nya, pero yun pala may mahal syang iba.” Sabi ko na nakatingin sa direksyon ni Justin. Hindi sya nakatingin sa akin, nakayuko lang sya, pero alam kong nakikinig sya.
“I love you forever, sabi nung lalaki. Forever? Tao nga may hangganan, pagmamahal pa kaya. At dun ko naisip na lahat ay temporary lang, temporary happiness. Masarap sa feeling mainlove. Lalo na pag ang taong mahal mo ay mahal ka din at hindi ka niloloko.. Pero wala eh, talo padin ako. Kasi ako lang naman yung umaasa na balang araw mamahalin nya din ako. Kumbaga sa larong ‘Tug of War’ ikaw nalang ang humihila kasi yung mismong taong kasama mo ay binitawan kana. Kaya in the end, talo ka parin. Bakit ganun? Lahat lang ng minamahal ko iniwan ako? Lahat ng taong mahal ko niloloko lang ako. Am I not deserving to be love? Pag asa.. yan wala ako nyan. Nawalan na ako ng pag asang magmahal ulit, kasi alam ko katulad ng dati I will just lose their game, called love.” After kung basahin yung essay na nasulat ko sakto din na nagbell kaya kinuha ko na yung bag ko at lumabas pero bago ako umalis tiningnan ko muna yung mga kaklase at si sir, na halatang hindi makapaniwala. Sino ba namang mag aakala na ang babaeng tulad ko na may pagka maldita ay makakapag express ng feeling na ganun. Tsk.
END OF FLASHBACK.
After reading the essay again I crumpled it and throw it on the trash can, why? It just only reminds me of one thing, na naging talunan ako pagdating sa pag ibig. Kaya lalo akong nagkalakas ng loob na ipagpatuloy ang balak kong panloloko kay Justin, kung noon ay tinalo nya ako sa pagibig, ngayon sisiguraduhin ko na sya na naman ang matatalo.