Kinabukasan....
Papunta na akong school. Pumara ako ng jeep, malapit lang naman talaga ang school namin sa bahay namin, pwede namang maglakad kaso lang male-late na kasi ako tsaka tamad akong maglakad hehe.
Pagkababa kko ng jeep nakita ko si Vincent nakatayo sa harap ng gate.
"Hi good morning" bati niya pa sakin
"Ano'ng ginagawa mo dito sa harap ng gate?" Tanong ko
"Syempre ano pa, eh di hinihintay ka"
"Bakit?"
"Syempre naman, gf kaya kita" Ay hala, tinotoo niya? Nako kala ko joke joke lang eh. Ano ba 'tong napasok mo Alexandria Jeane!
"Ahhh"
"Tayo na"
So yun nga sabay kaming pumasok sa school, hanggang sa room namin. Pagdating ko nagsitinginan ang mga kaklase ko samin 'yong iba nagbulong-bulongan pa.
Pumunta ako sa upuan ko. Nakaupo rin si Vincent sa likod ko. Maya-maya lang pumasok na ang guro namin.
"Go to your respective groups" sabi ng teacher namin.
Kaya ayun isa-isang nagsitayuan ang mga kaklase ko ako naman umikot sa ako kasi nasalikod ko lang naman ang karamihan sa mgakagrupo ko.
Magkagroup sina Dada at Vincent. Kagroup ko naman si Shadow and as usual magkatabi na naman sila ni Bons.
Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya naman hinanap ko kong sino. Natagpuan ng mga mata ko ang mata ni Vincent na parang kumikinang habang nakatingin sa akin. Then he smiled to me showing his dimple. He was looking at me like I was the only one inside this room with him. Like my classmates weren't very noisy, like it was so peaceful when he saw me. Then I felt something grumble in my stomach, It's not like I'm hungry it's something different.
Then I just smiled at him in return.
"Ok arrange your chairs and go back to your seats. Class dismiss."
Sabay kaming nagsitayuan at nagpa-alam sa guro namin. After that recess na yehey!! Kainan na naman hhahah paboritong subject ng lahat lol.
Lalabas na sana ako kaso lang tinawag ako ni Vincent kaya ayon naiwanan tuloy ako nina dada.
"Ano na naman?" Iritado kong tanong.
"Init naman yata ng ulo mo ngayon meron ka ba?" Toink* nasapak ko talaga siya
"Aray naman! Brutal ka pala magbigay ng affection" sabi niya sabay ngite kita ko tuloy and perpektong ngipin na mala close up sabayan mo pa ngkay lalim niyang dimple. Naman! Napapanga-nga na ako dito eh.
"Eh kasi naman,tawag ka ng tawag, alam mo namang lalabas ako para makabili ng makakain naman o!"
"Sorry naman po, gusto ko lang naman na sabay tayo lumabas eh, tsaka libre kita"
Bigla namang nagliwanag ang mukha ko, sino ba namang tatanggi sa libre?
"Oi sure ka jan ha, libre mo!"
"Oo naman walang problema,tara na"
Kaya ayon lumabas na kami... eh hindi naman ako maarte na tao basta pagkain, kain lang ng kain lalo na't libre hhahh..
Nilibre niya ako ng tempura at BBQ with rice may libreng ice water pa yan ah! Hhahhaha
Yep ganito buhay namen, nama! masarap kaya. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom naming.
"Oi salamat sa libre ah"
"Wag kang magpasalamat ,girlfriend kita kaya papakainin kita ng kahit na anong gusto mo"
Oo nga pala sinagot ko pala 'to kagabi.
"Hindi mo naman ako kailangang bilhan ng pagkain meron naman akong sariling baon"
Kahit ganito ako minsan maarte hindi naman ako naïve sa mga sitwasyon ng mga tao sa paligid ko.
"Ok lang naman walang kaso sakin yon""Hindi, bukas ako naman manglilibre sayo, give and take wag kang aangal"
Buti't naunahan ko na bubuka na sana bibig niya para umangal eh. Kaya yan tuloy napakamot sa ulo niya. Tapos malapit na kami sa may hagdanan paakyat sa building naming,bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Pwede ba?" tanong niya sabay kamot. Hayyyy... alangan namang huminde ako di ba? So siyempre tumango na lang ako.Actually awkward siya pero on the other side may kakaibang hatid ang warmth ng kamay niya but I don't know what it is.
Pagkapasok namin sa classroom binitawan ko yong kamay niya tapos dali dali akong umupo sa upuan ko. and there it was dada's skeptical glare damn!
"May dapat ba akong malaman?"
Oh well i cant keep it as a secret forever.
"Kami na ni Vincent" dire-diretsyo kong sagot sa kanya. Nanlaki naman yong mata niya.
"Sure ka ba jan? Mamie alam mo naman na mahal ko kayong pareho di ba? Alam mo naman siguro yang pinapasok mo?" Oh well yan ang hindi ko masasagot da kasi hindi ko alam kong ano talaga ang sagot jan sa tanong mo.
"Gusto ko lang sanag sabihin na sana ay 'wag masaktan ang pinsan ko at sana ay matutunan mo siyang mahalin kasi Mammie ayoko na baka dumating ang araw na mag-away tayo ng dahil dito"
"Dont worry da, hindi naman mahirap mahalin si Vincent and dont worry hindi naman ako nananakit ng tao if i'm not gonna fall in love with him then i'll break up with him but for now I'm giving him a chance"
Tapos ayong tumango-tango lang si Dada. Phew! Sana nga lang ay magawa ko siyang mahalin kasi ayoko namang gawin siyang panakip butas kong sakali.. so I'm giving him a chance.
Pero paano naman kong nainlove nga ako sa kanya? Totoo kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Paano ko malalaman na may gusto nga siya sa akin? Paano kong niloloko niya lang pala ako? Paano na yon kong ganon? Eh di ako naman ang masasaktan? Hindi naman yata ako papayag niyanm ah basta sisiguraduhin kong may gusto din siya sa akin mahirap na yong one sided noh,nakakaumay na...gusto ko naman na makaramdam na mahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Yong maramramdaman mong takot siyang mawala ka... gusto ko rin maramdaman kong anong feeling ng mahalin ko ng isang tao... yun lang naman ang gusto ko mahirap ba yon?

BINABASA MO ANG
Could There Still Be an US Series: Alexandria Jeane (On going)
Teen FictionLoving you was the best even if it was just short lived....