CHAPTER 5

6 2 1
                                    



Yehey! Friday na wala na namang pasok bukas. Matutulog talaga ako nito buong araw bahala na yang mga assignments nay an mango-ngopya nalang ako kay Dada hehe.

Same as usual pagdating ko sa school kanina naka-abang na naman si Vincent sa akin binigyan pa ako ng pandesal na binili niya sa katapat na Julie's bakeshop, mananaba naman yata ako nito eh.

At dahil wala naman yong teacher namin kaya heto kami ngayon nina Dada, Jazel at Cherry kumakanta Japanese song. Alam niyo ba yong Mermaid Melody Pitchi Pitchi Pitch? Haha adik ako dito eh at syempre feeling ko talaga na ako si Luchia kasi siya yong pink mermaid princess eh tapos favorite color ko pa yong pink tapos halos magkapareho kasi kami ng attitude ni Luchia. Si Dada ay si Rina favorite nya din kasi yong green at si Jazel ay si Hanon, well as for Cherry di naman siya gaanong mahilig dito nadamay lang siya sa kabaliwan namin.

"Nanairo no kaze ni fukarete.." panimulang kanta pa ni Dada.

"Ugh,Da 'wag ka na lang kayang kumanta sinisira mo naman yong kanta eh"

"Walang basagan ng trip, kanta ka na lang din"-Dada

Tapos itong si Jazel naman tawa lang ng tawa. Then I caught a glimpse of Decy looking at us. Nakakunot naman yong noo niya tapos yong look na nakaplaster sa mukha niya ay wtf-impossible-look with matching lingo-lingo pa yan ah. Pake ba niya? Nevermind.

Time flies nga talaga Lunch time na eh! Sa room lang naman kami kumakain since may dala naman kaming mga baon. Tapos biglang tumabi si Vincent sa akin.

"Anong ulam mo? Tanong niya pagka-upo sa tabi ko.

"adobong manok, yong sayo ba?"

"Eto tortang talong" Tapos sabay kamot sa ulo niya.

"Uyy sarap niyan gusto ko yan"

Pagkasabi ko non nagliwanag yong mukha niya.

"Talaga gusto mo pala 'to? Sige share tayo"

"Oo naman no, wala akong hinihindian basta pagkain hahha"

"Eto o" Hinawakan niya yong twig ng talong tapos nilagay niya sa takip nong lunch box ko. Kinuha ko rin yong isang hiwa ng manok tapos nilagay ko sa lunch box niya.

"O ayan para fair"

"Ahem" Napalingon ako kay Dada, ay oo nga pala 'di lang pala kaming dalawa ni Vincent dito. Pare-pareho ang expressions nina Jazel, Cherry, Karen at Dada yong ngite nilang makahulugan tapos kumikinang pa yong mga mata. Baliw.

"Anong tingin-tingin nyo jan?"

Sabay pa silang nagsilinguan at humagikhik. Mga baliw talaga.

"Eh kasi naman ang sweet nyong tignan! Hahahha" – Dada

"Oo nga nakaka-inggit" – Karen

"Alin naman ang sweet don?" Tanong ko na nakataas ang kilay

"Eh di yong paglagay niyo ng food sa mga lunch box nyo"

"Sweet ba yon?" Lingon ko kay Vincent... kitang kita ko yong pamumula ng taenga nya. Tapos napakamot pa siya sa ulo niya.

"E-ewan ko, baka sweet para sa kanila" Na-utal pa

"Uyyyy insan! Nabulol ka yata jan! Uyyy aminin sweet gesture para sa kanya yong ginawa ni Mammie!"

"Wag kang denial" – Jazel

"Oo nga!" –Cherry

Tiningnan ko si Vincent ng mataman, mas lalong pumula yong taenga niya.

"Sweet ba yon para sayo?" Tanong ko sa kanya at mas lalo siyang namula hahhaha ang cute!

'Di ko napigilang kurutin yong mukha niya. Hahhaha

"Ang cute mong mag-blush hahhaha"

"Wag mo nga akong asarin" sabi niya sabay iwas ng tingin niya sa akin..

Nagtatawanan kami non tapos biglang lumapit si Decy.

"Excuse me"- sabi niya

Sabay kaming napalingon sa kanya.

"Cedeño, ito nga pala yong banner na pinagawa mo, kaw na magdala niyan 'kaw naman yong leader."

Tapos inabot niya yong banner kay Dada at umalis naiwan kaming lahat na nakatunganga.

"Porke't ikaw ang leader dapat ikaw ang magdala"- Karen

"Hayan nyo na guys ok lang naman"- Dada

At ako napa-iling na lang nagpatuloy sa pagkain. Ganon din ang ginawa nila.

"Hoi Tot! Ano jan ka na lang ba? Hindi ka ba sasama sa amin sa gym?"- Biglang sigaw ni Shadow sa may pintuan" - Vintot or Tot for short yun ang nickname ni Vincent, tawag ng mga barkada niya sa kanya.

"Xandria, pwede ba naming hiramin si Vintot mo?" – Biglang sabi naman ni Maximo sa akin. Isa sa mga barkada ni Vincent isa yata siya sa mga pinakamatanda naming kaklase, nasa 20's na yata siya.

"Ha? Anong Vintot mo? Sapakin kita jan"

"Sige mga brad sunod ako" biglang sabi ni Vincent na nakahawak parin sa kamay ko hanggang ngayon.

"Hoi Xandria 'wag mong itali si Vintot ha? Kailangan namin yan" Sabi naman ni Journee

"Oo nga!" Segunda naman ni Shyre.

"Hindi noh! Mga Baliw!" Sabi ko, ako naman yata ang pinamulahan ngayon.

"Ahmm... laro lang ako ha? Ok lang ba?" – sabi ni Vincent sa akin.

"Ok lang naman tsaka hindi naman kita pipigilan, gawin mo kong anong gusto mong gawin"

"Ok salamat, sige kita na lang tayo mamaya, hatid kita 'wag ka munang umuwi"

"Sige na pumunta ka na sa kanila"

Tapos yun nga at umalis na siya. Hatid daw niya ako? Patay kang bata ka, hindi kaya pwede baka mahabol pa siya ng itak ni Papa. Bawal kasi akong magboyfriend-boyfriend eh kaso isa akong suwail na bata kaya ayan! Lagot ako nito ngayon! Tulong mga langit!

"Uuuyyyy, namimis niya na agad ang Vincent niya" Panunukso naman ni Cherry.

"Anong miss ka jan? Buti nga yon eh"

"Suuusss, denial masyado ang lola hahhaha"- Panggagatol naman ni Dada

"Bahala nga kayo kong anong gusto niyong isipin"

Sabi ko sa kanila tapos umalis ako at lumabas at doon ako nagtambay sa hallway at nagbasa ng novel at naghihintay sa oras para makauwi na wala naman kasing klase ngayon dahil may teachers meeting.


A/N: Unedited po ito so pasensya na po sa typo and grammatical errors. Hope you'll enjoy :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could There Still Be an US Series: Alexandria Jeane (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon