LOVE MORE x LOVE LESS

12 0 0
                                    

' ' After Break-ups...

Marami sa atin ang ginagawa ang lahat upang makalimot.Pero nakakalimot nga ba tayo? O pinipilit lang natin na kalimutan ang lahat ng bagay na pinutol natin sa mga taong inirog noon.Merong mga kunwaring mabilis na naka move-on,HAHAHA~ As if naman,lalo na kung mahal na mahal natin.At matagal na ang inyong pinag samahan.

"Ako nga halos dalawang taon nilulunod ng nakaraan..." sambit ng puso at utak ko hanggang ngayon.

Baguhan lamang po ako sa pagsusulat.Kaya't pagpasensiyahan nyo na. :)

Teka bago natin umpisahan ako nga pala si 'Garry'.Isang simpleng lalaki na walang araw sa buhay na hindi pinupuno ng negtive thoughts ang aking utak. Dahil nadin siguro to sa pag pupuyat ko gabi gabi.Gaya ng lifestyle ng karamihan sa atin.Hindi ako call center agent,ako ay isa lamang sa mga taong adik sa Facebook at Youtube.

Meron lang ya'ng dalawang app sa phone ko masaya na ako siyempre pati WATTPAD. :)

~~~~~~~~

Noong Highschool Student pa si Garry,kahit papaano malakas ang kanyang appeal sa mga kababaihan. Madalas na sinasbihan ng cute. At madaling makahanap ng Girlfriend.

Nagkaroon siya ng ilang karelasyon sa buong buhay niya sa highschool years.

Una nagka syota siya sa isang babae na hindi naman niya niligawan pero naging sila.

Mejo kakaiba yun at nagtagal lang ng yun ng dalawang araw.Nakakatawa diba?

Parang fan lang nag nag assume. At sila na agad ng paborito niyang artista.

Pangalawa,nanligaw siya ng pormal at hindi nagtagal naging sila,pangalanan natin siyang si Jelly.Tumagal ng ilang buwan sina Jelly at Garry. 'Pero isipin niyo naging close ba sila for that long run?' Nagkaroon ba sila ng magandang alaala? Hindi,bagkos naging magkaaway pa sila pero inabot lang ito ng buwan,at ngayon magkaibigan na muli sila.Parang walang nangyari.

Marami kasi sa atin na nanliligaw kaagad ng hindi pa nila lubos kilala ang kanilang nililigawan.Para ba'ng nag apply ka sa trabaho na hindi mo alam kung anong klaseng kumpanya pinapasukan mo.

Ang dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil sa pagkukulang sa komunikasyon ng bawat isa.

Na siya pa namang napakaimportante sa relasyon.Dapat din tayong mag laan ng oras sa kaibigan at lalo na sa ka-ibigan.

Pangatlo,kung saan nainlove ng todo si Garry kay Michi. Hindi gaano kagandahan si Michi na kanyang minahal pero,sabi nga ng kasabihan "LOVE IS BLIND". Nasa puso lang talaga ang tunay na pagmamahal wala suso at sa mukha.

Dito namulat si Garry sa mga bagay na matatamo at mararanasan mo kapag nagmamahal ka. Nagiging intimate ang bawat oras. Nagiging mainit ang pagmamahalan.Pero lahat ng sumosobra,ay masama. Lahat ng mainit dapat palamigin.

Nag hiwalay muli ang mag irog pagkaraan ng mahigit isang taon na pagsasama nila.

Dahil sa pag aaway nila,tungkol sa isang nakaraan ni Michi na gusto niyang balikan.

Naiwang sugatan ang puso ni Garry sa mga bagay na para ba'ng tinataihan siya sa ulo nito'ng si Michi.Sinubukan bumalik ni Michi kay Garry pero,nawala na talaga ang nararamdaman ni Garry.

Ang daming naging lovelife ni Garry pero miski isang beses hindi siya nagloko. Ikanga "Stick to One".

Pang-apat nainlove si Garry kay Phau na kanya namang kaklase sa huling taon sa highschool.

Naging mainit din ang pagmamahalan nila kahit hindi pa naging sila.Para'ng yung tinatawag na "M.U" o MUKHANG UNGGOY. Just Kidding! Its "Mutual Understanding" for many months.

Ngunit habang tumatagal naguumpisang mailang si Garry kay Phau.Nasaktan niya ang damdamin ni Phau ng tumigil siya sa pagpaparamdam.

*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE MORE x LOVE LESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon