Part 2 - Complications

134 4 0
                                    

"hey girl, nakatulala ka na naman." sabi ni Aly at tumabi siya saken. Andito kami kina Mau. Tambay.

"Ah..sorry, pagod lang:)" sinubukan kong ngumiti para di sila magalala.

"Hindi pa rin ba kayo ok ni Enzo?"

I smilled bitterly. "Di pa,e. Pero okay lang ako." Actually, ayokong kulitin nila ako kaya gusto kong isipin nilang ok lang ako.

Cool off kami ni Enzo. Mag-iisang buwan na. Sobra akong disappointed nung nakipag-away siya. Alam naman niyang ayoko na nagpapadala siya sa galit niya. Napag-usapan na namin yun dati pero ilang beses pa rin naulit.

Isa pa, ayaw na ayaw ng parents ko ng gulo. They are always trying to protect our reputation. Buti na nga lang di nakarating sa parents ko na napapaaway si Enzo. At di ko gugustuhing malaman nila. Ayoko na sumama ang tingin nila kay Enzo.

Tine-text pa rin naman niya ako. He's trying to win me back pero gusto ko muna ipakita niya na nagbabago siya.

"Ok lang yan. Magiging ok din lahat. Cheer up,ok?" Aly's trying to cheer me up ng lumapit din ang ibang barkada. Si Ann at Lex, magka-holding hands pa habang naglalambingan. Aish!

"Ano ba yan? Nilalanggam na kami dito. Tsk!" pang-aasar ko sa kanila. I just want to show them that I'm fine.

"Ano ba yaaaaaaannnn...ang inggitera naman! Call Enzo then. Para naman may kalambingan ka rin...ayieeeee..."

I froze. Di ko alam pero masakit. Kasi nga di kami ok. I miss him so bad. Nami-miss ko na naglalambing siya katulad ng ginagawa ni Lex kay Anne. Pero gusto ko talagang magbago siya. Ayokong napapa-away siya. We must sacrifice first.

Ngumiti na lang ako at tumahimik na lang habang sinusubukan kong idistract ang sarili ko sa pagtingin ng mga pictures sa cam ni Mau. Pero shit lang..nararamdaman kong naiiyak na rin ako. Ramdam ko rin na nakatingin sila saken.

"Ay grabe Rica. Ano ba yang kuha mo diyan? Ang pangit,ah!"

Bigla akong tumingin sa likod ko na halos mabali ang leeg ko. Si Ghelo pala. Grrrrrrrrrrrrrr...

"Walanghiya ka! Kala mo kung sino kang gwapo,ah!" pinindot ko pa yung cam. "Tingnan mo to, gwapo mo dito, oh! Mukha kang naturukan ng drugs..hahahahahaha.. Laki pa ng butas ng ilong mo dito." pang-aasar ko din sa kanya. Lumapit naman ang barkada para tingnan at sobrang nagtawanan din sila.

"YAH!!!! Delete mo yan! Ikaw ang kumuha saken ng picture na yan,noh?!" Asar na siya..haha.. Nakaganti rin.

"Beh! Ipo-post ko to sa fb para naman ma-turn off yung mga admirers mo sayo! Mwahahaha.."

Yep! Sa kasamaang palad, gwapo (ewww) po si kutong lupa.

"YAHHHHHHHHHHH!!!! Don't you dare! Akina yan!!!!" At dun na po nagsimula ang kaguluhan. Hindi niya ako tinantanan hangga't di niya nakukuha saken yung cam.

Dahil sa kutong lupa na yun, nakalimutan ko sandali si Enzo.

---------------------------------------------------------------------------------------

Almost two months na pero hindi pa rin kami nagkakabalikan ni Enzo. Nagkaka-text naman kami pero I want to take things slow.

Habang buhay single ako, barkada lagi ang kasama ko. Lagi akong niyayaya ni Ghe sa court. At alam niyo ba, ang bulok niya sa basketball! Grabe! Lagi ko siyang natatalo. Kaya lagi niya akong nililibre ng ice cream..mwahahaha!!!

Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Lagi na lang sumusulpot! Siyempre para guluhin ang payapa kong buhay. Di ko alam kung paano pa nagkaka-gf yun,e halos samen niya inuubos ang oras niya. Pati pera pala niya. Ako umuubos..hahaha..

You're Doing it Wrong,Dude! (Short)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon