Part 3 - It is for the best?

127 5 1
                                    

Last part:) Please bear with me >__< Sana po mag-comment kayo. Para naman po maimprove ko kung anong kulang sa sinulat ko. Salamat po.

------------------------------------------------------------------------------------

*sigh*

Nililigpit na namin ngayon ang kalat nina Ghelo dito sa garden. Grabe ang lakas uminom nung lalaking yun.

After nung eksena namin, sinundan siya ni Lex sa loob ng bahay. Di ko alam ang gagawin ko. Di rin siguro alam ng barkada kung paano magrereact sa nangyari. They just hugged me and assured me that everything's fine.

"Rica, pwede bang pakikuha nung walis at dustpan sa loob?" tanong saken ni Anne.

I froze. Di ko pa kayang harapin si Ghelo. What if makita ko siya?

"Ako na lang ang kukuha." sabay na sabi ni Rap at Kevin.

*sigh*

"Hindi na. Salamat na lang. Kukunin ko na." Sabi ko na lang at tumalikod na ko. Tsk! Di ako dapat masyadong nag-iinarte.

Pagpasok ko sa bahay, hinanap ko agad ang kelangan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko makita si Lex at Ghelo. Siguro nasa kwarto sila.

"She doesn't trust me. Lagi niyang iniisip na tini-trip ko siya."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga salitang yun. Si Ghelo. Nasa garahe sila.

"Paanong hindi siya magiisip ng ganun? Lagi mo naman talaga siyang inaasar at tini-trip."

"Pero alam mo kung ano talagang nararamdaman ko."

"Yeah. Pero hindi niya alam yun. You know how dense she is. And you're doing it wrong,man. You should be sweet and gentleman. But you're doing the exact opposite of it."

Teka, ako ba ang pinag-uusapan nila?

"I can't help it. She's just too cute when she's pissed." He chuckled. "Isa pa, she only sees me when I annoy her..when she's mad at me. Kahit ganun, masaya ako na nasa akin ang atensyon niya."

"You're hopeless man." may halong pang-aasar na sabi ni Lex.

Lagi niya akong inaasar. Is it possible that what he said to me earlier was true? No. Di ako dapat mag-assume.

"Yeah. Sinayang ko ang oras ko habang break pa sila ni Enzo." What? Ako talaga ang tinutukoy niya??? "I can only blame myself right? Pero nasigawan ko siya kanina. I shouldn't have done that. Kaya lang, di ko mapigilan ang sakit at panghihinayang pare."

No way.

"She's the real reason kung bakit ka nagpapakalasing di ba? Not because of Cheska." Lex stated.

My eyes widened.  Ako???

"Alam niya yung feelings ko para kay Rica. I never really hide it from her. She said that she'll help me forget. Tuturuan niya akong mahalin siya. I also tried. Pero nung nag-break si Enzo at Rica, nakalimutan ko si Cheska. Balak ko sanang mag-confess kay Rica kahapon." I gasped.

"Talaga?" gulat din na tanong ni Lex.

"I broke up with Cheska. Sinabi ko yung plano ko kay Rica and that I'm sorry for failing her. Man, she surely slaps hard."

"So, nung nakita natin na may kasama siyang iba, break na kayo?"

"Yup. Nung naghiwalay tayo, nakita ko si Rica at Enzo.......magka-holding hands sila pare." I can barely heard the last words. para g tinusok ang puso ko dahil ramdam ko sa salita niya na nasasaktan siya.

You're Doing it Wrong,Dude! (Short)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon