SIMULA

4.1K 62 7
                                    





Tahimik na sinisimsim ko ang mainit na kape'ng nasa tasa na aking hawak habang nakadungaw sa malapad na asotea ng aking silid. Ninanamnam ang napakalamig na simoy ng hanging nagmumula sa mga punongkahoy na nakapalibot sa aking buong masyon. Malapit nang sumikat ang araw kaya kailangan ko na ring maghanda ng aking sarili para sa pag-aasikaso ko ng pormal na pagpapasa ng mga ari-arian ni mama at papa. Subalit simula noong magising ako sa ospital, tila ba may nagbago sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. At iyon ang lubos kong ikipinagtataka sa ngayon. Kung bakit kabaliktaran ng pagtrato nila sa amin dati ang natatamasa ko ngayon.



"M..madam. M..may nanggugulo po sa labas." Nag-aalangang singit ng isang kasambahay sa aking likuran habang unti-unti na sanang lumalalim ang aking iniisip.



"Sino?" Taas-kilay kong tanong dito. Humalukipkip sya sa kanyang kinatatayuan at pinagsikapang tignan ako sa mga mata.



"S..si señor Zacharius po ma'am." Nagkasalubong ang aking mga kilay.



"That man again?" Tumango ito at nagbaba ng tingin sa lapag.



"Opo madam." Marahas akong napabuntong-hininga at humigop ng kape.



"Tell him I do not know him. Baliw ang lalaking iyon. Pagtulungan nyong kaladkarin palabas." Sabay titig ko sa kawalan. Nagsimula akong kulitin ng lalaking iyon kahapon and he's getting in to my nerves. Paulit-ulit nya akong sinisinghalan kung bakit ako umalis. Kung bakit ko sya iniwan. At kung bakit nawala ang aming anak.



"Madam. Dala nya po kasi ang hindi mabilang nyang mga tauhan. Lamang na lamang po sya kaya siguradong hindi namin magagawang paalisin sya dito." Walang gatol akong tumayo at napamura.



"Dalhin mo ako sa kanya." Taranta itong tumalikod at muling humarap nang makarating sa pintuan. Mabilis nya itong binuksan.



"Where is that guy?" Tamad kong tanong sa mga security guard na nasa harap ng higanteng pintuan ng aking mansyon sa labas. Umayos sila ng tayo at yumukod.



"Andun po ma'am. Pinagsisikapan na po naming palabasin kasama ang daan-daan nyang mga tauhan." Nagtagis ang aking mga ngipin sa narinig. Talagang sisusukat ng lalaking iyon ang aking kakayahan. Pwes makikita na nya ito ngayon.



Nagmartsa ako papalapit dito. Ang buong akala ko ay nagkakagulo na sila ngunit nakaposas na pala ang aking mga alagad. Nilingon ko ang mga bantay na kinausap ko kanina. Binatuhan ko ang mga ito ng nagbabagang mga titig. Nang makita ako ng lalaking nagngangalang Zacharius ay sumabay na rin ito sa tempo ng aking paghahakbang papalapit sa kanya.



"What are you doing here in my place? Do you know the word 'trespassing' mister i-do-not-know-for-goodness'-sake?" Nag-iba ang sintido ng kanyang mukha. Bigla itong nagdilim at namumula na tila ba hindi nagustuhan ang mga salitang namutawi sa aking bibig. He's really handsome though. The most handsome man, rather. Mabuti na lang at nagawa kong ikumpostura ang aking sarili kahapon na huwag pagbagsakan ng panga nang sya'y makita. Kung hindi lang ito kaagad na suminghal ay malamang naliligo na sana ako sa sarili kong laway.



"What happened to you Keren? Why are you doing this to me? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo diba? Minahal kita. Binigay ko lahat ng kailangan mo. Pinrotektahan kita. Pero bakit ito ang ginawa mo sa akin? Nasaan na ang anak natin? Saan mo itinago? Kahit ang anak ko na lang. Ibigay mo sya sa akin." Biglang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tila isang pamilyar na kirot ang sumalakay sa aking puso habang minamasdan ang pagtulo nito sa kanyang mga pisngi.



"I don't have a child with you mister. Kaya pwede ba umalis ka na? Para sa iyong kaalaman, kahapon pa lang kita nakita kaya tigilan mo na yang pagda-drama mo. You must have faced the wrong woman. It's not me. Kaya parang awa mo na. Don't ruin my day. Get lost." Hindi nya pinagtangkaang alisin sa aking paningin ang kanyang mapupungay na mga mata. Mga mata'ng nagmamakaawa. Mga mata'ng naghahanap ng kasagutan sa pagitan ng mga kabanatang nangyayari sa kanyang buhay. Mga matang tila humihila sa aking puso papalapit sa kanya. Kaya minabuti kong mag-iwas na lamang ng tingin.



"Sino ba ang kausap ko ngayon?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Kumunot ang aking noo.



"Me. Sino pa ba? Are you crazy?" Umiling ito ng ilang beses. Nagpinid ang kanyang mga labi at umigting ang panga. Para bang may nalalaman syang hindi ko alam.



"Ano'ng nangyayari dito Aragon?" Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.



"Wala. Wala po." Tila napapaso kong sagot sa matanda na ngayon ay nasa akin nang harapan.



"Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo Zacharius Ackerman?" Tinalikuran ako nito at hinarap ang lalaking kaharap ko sana kanina.



"You fooled me!" Sabay bunot nito ng baril na hawak ng kanyang tauhan. Ngunit hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ng matandang lalaki. Nakaangat na pala ang isa nitong braso at kapwa sila nagkatutukan na ng mga baril. Pinanlakihan ako ng mga mata. Awtomatiko namang pinalibutan kami ng mga tauhan ni Zacharius.



"I told you there were two of them Zacharius." Nagkasalubong ang aking mga kilay. Ano ang ibig nitong sabihin?



"Where is the other one?! Where is my wife!"




VOTE. COMMENT AND BE A FAN.

-eychtee

Love Must Be CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon