Kabanata I

2.5K 62 10
                                    




Sa loob ng ilang mga araw, nasa puder ako ni Leo del Grande. Ito ang pinakiusapan kong magsanggalang ng aking kaligtasan sapagkat nasa panganib ang aking buhay. Dahil kailangan kong itago ang aking totoong pagkatao, pinalitan ko ang aking pangalan. Keren.



Sa aming kaharian, wala kaming mga apelyido o kahit anong sangay ng aming pagkakakilanlan. Walang mga gusali. Walang mga makabagong teknolohiya. Walang modernisasyon. At walang pagbabago sa batas na pinapairal ng hari at reyna. At sila ay ang aking ama at ina.



Bilang isang tagapagmana ng trono, disin sana kong matutunan ang lahat ng aralin sa Erithrea, ang pangalan ng aming kaharian. Binubuo ng ministro na mga hirodes ang kaharian ng Erithrea. Labing dalawa ang kaanib nito na syang mga tagapagmungkahi sa lahat ng desisyon ni ama. Ang mga liposus naman ang aming mga kawal. Sa labis ng bilang nila ay hindi ko na magawang bilangin pa ng isa-isa. Nasusunod naman sa kanilang antas ang tapat naming mga alipin.



Ang aking alipin na si Wol ang nagpaalam kay ina tungkol sa narinig nitong usapan ng mga hirodes tungkol sa pag-aalsa. Kaya naman, inihanda namin ang aming sarili. Subalit sa kasawiang palad, nilusob ng mga hirodes at liposus ang kaharian sa kailaliman ng isang gabi. At doon ay namatay sina ama at ina. Batid ko na lamang ang aking buhay nang magising ako sa isang silid mula sa hukay na pinaglibingan ng aking bangkay. Ako ay muling nabuhay.



"Leo? Saan tayo papunta?" Tanong ko kay Leo habang nagmamaneho at hindi ko alam kung saan patungo. Dinungaw ko ang nakakaigayang tanawin sa gilid ng kalsada. Papaakyat na ang higanteng araw sa mga higanteng bukirin. Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. Bigla namang bumukas ang bintana na ginawa ni Leo. Napangisi ako sa kawalan at sinamyo ang tamis na hambalos ng maginaw na hangin ng isang umaga.



"Zach wants to own you Keren. Siya na raw ang poprotekta sa iyo. He wants you right now kaya naman kailangan kitang maihatid sa kanya." Nagkasalubong ang aking mga kilay sa narinig. Hinarap ko si Leo.



"Ha? Bakit? Sino sya?" Nag-aalalang tanong ko dito. Bahid sa kanyang mukha ang pagka-kampante sa kanyang naging desisyon. Alam ko lang ay isa si Zach sa tatlong hari ng bansa subalit hindi ko pa nakita ang mukha nito. At mas lalo lang akong nababagabag dahil gusto nya akong angkinin.



"Don't worry Keren. He's my friend. Tsaka I really have to send you to him dahil kailangan kong lutasin ang problema ko ngayon. Zach will take good care of you for sure. Basta't wag na wag ka lang gumawa ng kalokohan sa loob ng pamamahay nya. Mag-ingat ka sa mga kilos mo. Naiintindihan mo ba?" Marahan akong tumango. Nagpinid ang aking mga labi. Para akong isang musmos na nakikilimos ng matitirhan. Magtitiis ako para sa aking kaligtasan. At para sa aking misyon.



Nang makarating kami sa harap ng isang puti ngunit napakalaking bahay ay napatigil ako. Nakatirik ito sa gilid ng isang matarik na dalisdis kaya tila lumulutang kung iyong titignan. Nasa baba pa lamang kami at tinatalunton na ang hagdan pataas sa higanteng gate. May mahabang hagdan rin paakyat sa mismong pintuan ng kanyang bahay. Nalaman ko kay Leo kanina na nakatira si Zach ng bukod sa kanyang ama at ina. Paminsan-minsan ay dinadalaw naman nya ang mga ito sa kanilang mansyon na hula ko'y kasinglaki rin ng kay Leo. Awtomatikong bumukas ang gate na ikinamangha ko.

Love Must Be CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon