Prologue

85 1 0
                                    

PROLOGUE

"Give up"

"Pagod"

"Move on"

Mga salita na hindi uso sa vocabularyo ni Sophia Abigail Gracia. Pano ba naman kasi, isa siyang MARTYR sa LOVE. Tanga-tangahan lang ang peg.

**

[Abigail: GRABE siya oh (O o O)]

Heh! Intro pa lang 'to, girl. Author muna. Please lang.

Asan na ba ako? Hay, kasi 'tong si Abby intro pa lang may exposure na. Siya na nga may istorya. I-delete ko na lang kaya 'to?

[Abigail: GRABE siya oh. (O o O). 'Wag!!!]

'Yun naman pala eh. Kaya manahimik ka jan.

[Abigail: GRABE siya oh. (O o O).]

Makagrabe siya oh. Imbis tapos ko na intro sagabal ka eh. Wala na nga ako masyadong exposure eh. Charot!

[Abigail: Gandahan mo Author ah yung kasing ganda ko.]

GRABE siya oh!!! (O ~ O)

**

"Tanga na kung tanga basta mahal kita."

Heto na naman ako umiiyak. Eh kasi naman kahit anong gawin kong pigil sa mga luha ko hindi talaga sila tumitigil. Ang hirap. Nasasaktan ako. Hindi ko na talaga kaya.

Lalo na kapag relate na relate ka sa movie na pinapanood mo. Kabanas (×~×)

Natapos na ang movie na pinanood ko. Grabe lang 5 na tissue box ang naubos ko. Pero okay lang madami naman na akong stock jan. Kasi sa tuwing pinapaiyak ako ni Ethan Carlos Alexander Meneses na yan palaging jan ako kumukuha ng tissue. Aba, dapat lang handa ako. Girls Scout yata 'to.

Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko 'yang tao na yan. Diba ganon naman sa love, magigising ka na lang na mahal mo ang isang tao sa hindi mo malaman laman na dahilan. Basta nalang ako nagising na mahal ko na siya. 'Dun na nagsimula ang pagiging martyr ko.

Ang dami nga na nagsasabi sa akin na,

***

"Haist, grabe ka girl, kailan ka ba susuko?"

Eh paano ako susuko, eh hindi ko pa nga naaabot yung pangarap ko. Diba nga may kasabihan na, "Word hard to react your dream." Kaya hindi ako maggive-up up hangga't hindi ko pa siya nakukuha.

"Ikaw na ang 'Queen of Martyrs' hindi na si Mama Mary."

Grabe sila diba? Kinumpara ba naman ako kay Mama Mary. Wala pa ako sa kalingkingngan nun. Diba lahat naman gagawin mo para sa mahal mo? Kahit anong sakit pa yan iindahin mo para sa mahal mo, diba? Kaya kaya ko din maging martyr at desperada sa harapan niya para lang mapatunay ko na mahal ko talaga siya.

"Hindi ka ba napapagod diyan sa makahabol mo diyan kay Ethan Carlos Alexander mo na yan?"

Pano ba naman ako mapapagod makita ko lang mukha niya solve na ko. Diba 'pag mahal mo ang isang tao kaya mong tiissin ang lahat. Mapatunayan mo lang na mahal mo siya. Tsaka ang o-Oa naman nila wala pa akong ginagawa haler. (•~•)

***

Kaso minsan naiisip ko rin tatagal pa ba 'ko? Ga'no ba katagal magmahal?

Hanggang kailan ba to? Hanggang kailan ako magtatago sa dilim?

Kung kaya ko pa ba? Makakaya ko ba na maagaw siya ng iba?

Kung kailan ba ako magtitiis? Maghihirap? Magpapakatanga?

Alam ko mahirap. Unfair sa akin. Kasi alam ko naman from the start na one-sided love naman 'tong pinasok ko.

Pero hindi pa ako titigil kasi wala pa akong ginagawa. Maghintay lang siya. Kasi wala pa talaga akong ginagawa.

Maghintay siyang sabihin ko ang mga kataga sa kanya ng harap-harapan.

Na proud kong sabihing sa kanya na,

"I'm Your Martyr Lover."

Your Martyr LoverWhere stories live. Discover now