Martyr I

56 1 0
                                    

MARTYR I

Simple lang naman ang gusto ko eh. SIYA at ang PAGMAMAHAL niya, ano bang mahirap 'dun?

Grabe bakit ba ganito ang buhay? Kung hindi malas sa buhay, malas naman sa pag-ibig. Minamalas lang naman po ako sa isang lalaki. Sa isang lalaki lang nagkaletche letche ang buhay ko. Naging iyakin na ako, mahina, bobo, tanga. Hindi naman ako ganito dati eh. Complete opposite na ako ng ako ngayon. Gets niyo?

Pero kahit na malas ako sa kanya swerte naman ako sa aking pamilya. Kaya I thank the Lord for that. Marami naman akong friends. Marami naman pagmamahal saakin. Bakit siya hindi ako magawang mahalin? Lovable naman ako. Single naman ako. Maganda naman ako. Matalino. Mayaman. Mabait. Actually nasa akin na ang lahat. Ayyy hindi pa pala. Yung puso niya wala pa pala sa akin.

"Hoy! Abby to earth! Abby to earth! ABBY TO EARTH!!!"

Jusko po. Wala na nga saakin puso ni Ethan pati ba naman 'tong babae ng 'to gusto ako mawalan ng puso?!

"Ano ba?! Inano ba kita?! Bakit ba nanggugulat ka?! Ha?! Kita mo nang nags-senti ako dito eh. Kita mo ba? Kala ko ba 20/20 yang mga mata mo?" Sa pagkahaba-haba ng sinabi ko nawalan ako ng hinga. Ayun, deds na. Charotera! Syempre joke lang. (^o^)

"Haba ah. Gutom lang yan. Halika na, gutom na ako kanina pa snack time eh. Gutom lang yan teh maniwala ka."

So pag nabusog ako nawawala na 'tong feelings ko sa kanya?

"Tulala ka nanaman!"

Sabay batok saakin. Masakit yun ahhh.

"Aray! Putspa! Ba't ka na nambabatok. Kung makasigaw ka naman jan. " Pag-angal ko.

"Halika na kasi! Tingnan mo 10 mins. na lang tapos na. Pati ba naman pagkain pinagkakait saakin?!"

Gaya-gaya rin to minsan. Kaya binatukan ko rin siya.

"Ikaw ha?! Idol mo siguro ako. Sabihin mo na kasi? Humuhugot ka na rin pala. Hihihihi." Pangaasar ko sa kanya.

"Dali na kasi. Pretty please?"

Tapos nagpout si girl. Sabay yugyog sa kamay ko. Lanog na.

"Pano kung ayoko?"

Asar na yan sigurado. LOL.

"Edi wag ka kumain basta ako kakain."

Uh-oh Asar na nga. Magwwalkout na sana siya kaso napigilan ko.

"Ito naman hindi mabiro. Sige na hatakin mo na ako baka sakaling maalog utak ko't magka-amnesia. Gora Dora!!!"

Sabay taas ng isa kong kamay ala Superwoman. ~^O^~.

"Weirdo"

Mahina yun pero sapat na para marinig ko. Kaloka to. Naglalakad na kami papunta sa canteen.

"May sinasabi ka? Ikaw ha! Kung may sama ng loob ka saakin Sabihin mo para magkalinawan na tayo. Hindi yung kung ano na pinagsasabi mo." Todo simangot na ako pero acting lang.

"Sabi ko ililibre na lang kita  kaya  dalian mo na jan" Sabi niya.

"Yehey!" Sabay sayaw ko ng todo.

~CANTEEN~

So nandito na kami ngayon sa canteen. Kumakain. Syempre alangan naman nagddiscuss ng lesson. Kayo talaga use your coconut.

"Grabe ka naman! Kailan ka na huling kumain? Ha?!" Sabay abot ng tissue sa bestfriend kong patay gutom.

"Eshhh shaaa pinaghintassyy muh ako sdiii pa naman ako nahbreakfash."

"Grabe may naintindihan ako ano? Prangkahan na nga tayo, buntis ka ba?" Akusa ko sa kanya. Kasi naman grabe kung makakain. Madali pa umunit ang ulo. Takaw Tak--

"Aray! Ano ba ginawa ko sayo?! Ba't ka nambabatok."

"Buntis agad? Eh wala pa nga ako boypren eh." Tangi niya habang ako naman hinimas himas yung binatukan niya. Mashaket kaya!

"Pati kung anu-ano lang mga sinasabi mo. Tingnan mo tuloy ang dami na nakatingin sa atin." Dagdag pa nito.

Tiningnan ko yung paligid namin. Tama nga si Ice. Ang dami ng mga nakatingin sa amin. Palibhasa mga tsismoso't tsismosa.

Kinain ko na lang yung libre sa akin ni Ice.

"Ansharap phala nhitu Ice ghabe wooo." Bising-bisi ako sa pagka--

Hindi na ako makahinga nabilaukan yata ako.

"Ano okay ka lang ba Abby?" Nag-aalala ng tanong ni Ice sa akin.

Hindi naman ako makasagot kasi nga hindi na ako makahinga.

Isusuka ko na sana yung pagkain ko sakto namang may dumaan na tao sa gilid ng table namin. Gusto ko sana pigilan yung isusuka ko kaso hindi na talaga ako makahinga. Bahala na! Hindi na ako nagpaligoy-ligoy na isuka yung pagkain ko. Alangan naman na mamatay ako dito, diba?! Mamaya ko na lang papansinin yan. Magpapaliwag na lang ako at magssorry nalang mamaya. Mas importante ang buhay ng tao!

(﹋o﹋)!

"Whaaooo" Hay salamat naisuka ko na rin. At buti na lang na ka-ilag yung taong dumaan. Hay salamat kung nagkataon nakakahiya nun.

"Omg! Abby, okay ka lang?" Pinuntahan ako ni Ice at hinimas-himas ang likod ko.

"O-Okay lang ako nabilaukan lang."  May nag-abot saakin ng tubig at tissue. Kaagad ko namang tinanggap.

Omg sino to? Alam ko hindi to kamay ni Ice kaya dahan- dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino. Para makapagpasalamat na rin ako at mag-sorry na rin. Muntikan ko na kasi siyang masukahan.

"Sala--- "

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lang ako nanlamig sa nakita ko at para na rin ako mawawalan ng malay.

And then everything went black.

Hindi ko talaga nakakalimutan kung sino yung taong muntik ko nang masukahan.

Si Ethan.

Your Martyr LoverWhere stories live. Discover now