Punk'd

675 10 26
                                    

_ _ _

I hope I still have the readers, if yes, Hi! :)) No, dame :))

_ _ _

"Ang bading mo naman, Cody hah. Ang bading," asar ni Alice.

"Manahimik ka dyan babangga ko to," panakot ko.

"Kung kaya mo. Alam ko namang hindi mo ako kayang ipahamak eh," sabi niya.

"Yeah right, Alice," at nagbreak ako bigla.

"Shit. You asshole, you damn ass," at pinaghahampas niya ako. 

"Quit! Sabi ko sayo eh. Malakas raw," pangaasar ko.

"Oh eh di hindi. Psh," tampo niya.

Nakalabas na kami ng kotse ko.

"Ang lakas tampo nito oh," at inakbayan ko siya, friendly akbay lang! 

"Che. Alisin mo nga yang kamay mo," at inalis niya, "Ang bigat bigat parang sako ng bigas."

"Kunwari pa eh," at binalik ko yung akbay ko.

"Ano ba! Sabing mabigat eh," reklamo niya ulit.

Naglalakad na kami papunta sa Cafe. Medyo malayo kasi yung pinagparkingan ko.

"Ang cute naman nila, cute couple."

"Naiinggit naman ako. May ganyan pa pala."

Sabi ng mga tao sa paligid. Ano raw?

"Oh pinagkakamalan na tayo. Kadiri. Magseselos si Chloe niyan." sabi ni Alice.

Shit. Si Chloe pa pala. Tanginaglass. Paano ko nakalimutan? Patay.

"Alice, bakit ka ba sumama hah?" 

"Gusto ko ng.. kape eh," sagot niyang nakangiti.

"Eh ano ba yung iniinom natin sa unang shop? Kape rin diba?" 

"Whatever!" suko niya.

Paano na iyan? Nagaya si Chloe eh minsan lang yan magaya, well, sabi ng mga kaibigan niya. Tapos magsasama ako ng isang babaeng may toyo? Lagot.

"Ano bang ayaw mo na nandito ako?" sabi niyang hindi ko maintindihan. Minsan bulol to sa pagtatagalog. Palibhasa laking ibang bansa. Pero ayos naman, hindi nakakairita.

"What can't you understand about the word date, Alice?" tanong ko.

Nasa tapat na kami ng Cafe. Tanga ko naman at nasa Mars ako nagpark, sabi ko sa sarili ko.

"Sus, ngayon lang ba ako sumama sa date mo? Don't you remember hmm sino yun? Yung parang tangang puro pink ang suot? Oh? Ano?" sabi niya.

"Iba yun! Iba!" wala na akong masabi, basta iba!

"Bakit iba?" tanong niya, andito parin kami sa labas. Nakikita ko na nga si Chloe. Sht talaga nakakahiya.

Bakit nga ba ako nahihiya? Sht naman. 

"Tara," at hinila na niya ako sa loob.

Knowing Alice, she's planning a big one. Damn big.

"Oh Alice, what are you up to now?" bulong ko.

"Oh I love it when you say that," sabi niya. "There's little miss sunshine of yours, baby." nguso niya sa babaeng nakatalikod. 

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon