nakaka buti ba ang droga?

2.7K 12 4
                                    

Sabi nga nila napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng gawain katulad ng pag kaka lulong sa bisyo at droga pero Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na at kapag ikaw ay napapasarap na sa pag gamit nito. Ang drugs o ang mga bawal na gamot ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin maaaring maka apekto pa ito sa iyong kalusugan lalo na kapag na sobrahan ka sa pag gamit nito at maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito minsan nga parang hindi pa kumpleto araw mo kapag hindi ka nakakagamit nito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi gumagamit o sumisinghot ng mga bawal na gamot. Sapagkat ang mga droga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito ay nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang araw-araw na gawain. At sa pag gamit mo nito hindi mo alam na dahan dahan ka ng binabago ng droga.

May mga menor de edad na gumagamit na ng mga ipinag babawal na droga. Ang akala ng mga magulang ay nag pupuntang eskuwelahan at nag aaral ngunit hindi, sila ay napapasama sa kanilang mga ka barkada at nalululonh na sa mga masasamang bisyo. Nasasayang ang pera ng magulang sa pag papaaral sa kabilang mga anak. Hindi naiisip ng mga anak na galing sa dugo at pawis ang ginagamit nilang pang bili sa kanilang mga kagustuhan. Habang nag hihirap ang mga magulang para lang may pang tustos sa anak, ang mga bata ay nag papa ka sasa at nag papaka saya. Mahirap itigil ang nakasanayan sabi nga nila. Pero kung gusto mo may paraan. At maraming paraan para itigil ito. Bata pa kayo at marami pa kayong dapat matutunan upang maabot ninyo ang mga pangarap niyo sa buhay. Kaya huwag niyo itong sayangin hanggat may pang pa aral sa inyo ang inyong mga magulabg 😊😊😊

Alam nating lahat na ang droga ay pinag babawal sa mga menor de edad na hindi dapat gumamit nito. Maraming masamang epekto ang kayang gaein ng droga sa kabataan kapag ito ay nasobrahan sa pag gamit. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong masama at hindi nakaka buti ang labis na pag gamit ng mga masasamang droga at bisyo lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag gamit ng droga kung hinfi naman kina ka ilangan ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at hindi ka pa maagang mamamatay. Hindi rin natin dapat ipag baliwala ang desisyon na ihinto ang bisyong ito dahil ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng sobra ng mga relasyon na maaaring nasira mo noong nakaraan habang ipinagpapalit mo ang droga at ang iyong mga kagustuhan kaysa sa iyong mga mahal sa buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo na kung pati ang isip at pangangatawan mo ay na apektuhan na dahil sa pag gamit nito. Pero kung ilalagay mo sa iyong isip ang gawaing ito, maaari mong mabago ang iyong sarili na maging maayos na kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, pero sobrang daming paraan lara matigil at makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag gamit mo ng bawal na gamot o sa mga droga.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring mga paraan para mag bago at maging maayos ang iyong buhay. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag do droga. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pag gagastos at pag bibili para lamang sa iyong mga kahiligan at kagustuhan At lagi mong alalahanin ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay magbabagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang gagamit ng mga ipinag babawal na gamot o ang mga droga. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon, pera at mga oras na dapat hindi mo sinasayang, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madadagdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa Mga darating pang panahon.

Droga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon