#1 Boy-Girl Bestfriend Relationship

747 17 8
                                    

TANDAAN: Sa isang boy-girl bestfriend relationship, hindi mawawala yung ma-fall ang isa. Swerte mo kung saluhin ka niya.

Ang kadalasang plot ng relationship na ganyan ay ganito:

Strangers > Magkakakilala > Magiging close > Maghihingian ng number > I-a-add sa Facebook, I-fo-follow sa Twitter, Instagram, Soundcloud, Tumblr, at kung saan pa man > Mas magiging close pa > Magkakaron ng tawagan o term of endearment > Magiging mas close pa sa close > At dahil close sila, magiging open sila sa isa't isa > Mafo-fall si bff dun sa isa > Aamin si bff na nainlove > Di sasaluhin nung isa si nainlove niyang bff > "Kaibigan lang ang turing ko sayo." moment > Awkward moment > Back to strangers.

Masaklap, katakut-takot, at kagimbal-gimbal na pangyayari, hindi ba? Hindi sa tinatakot kitang umamin sa bestfriend mo tungkol sa feelings mo, pero ganyan kasi talaga ang kadalasang nangyayare. At kapag sinabing kadalasan, ibig sabihin it's not true to all.

Oras na umamin ka kay bestfriend, nandyan lagi ang salitang risk. Niririsk mo kasi yung friendship niyo. Bakit? Kasi dalawang bagay lang yan:

1. Sasaluhin ka niya. Swerte mo kapag sinalo ka niya. May bestfriend ka na, bonus pa na girlfriend o boyfriend mo siya.

2. Hindi ka niya sasaluhin. Ibang term para dito? Friendzoned. Kapag hindi ka niya sinalo, wag ka mag-alala! May sasalo pa naman sayo. Yung sahig, kaya ang tendency? Masasaktan ka. Pero may dalawang uri din naman ito:

          2.1 Hindi ka niya sasaluhin at iiwan ka niya. Dahil umamin ka kay bestfriend na ayaw naman sayo, magkakaron siya ng feelings para sayo! Awkward feelings nga lang. Saklap, di ba? At ang mas masaklap pa, dahil awkward na siya pagdating sayo, iiwas siya. Kaya kung ako sayo, wag mo na siyang lapitan o habulin pa. Matuto ka ng salitang MOVE ON. Bakit? Kasi gago siya. Bakit ulit? Kung bestfriend ka talaga niya, kahit umamin ka, dapat okay lang sakanya. Hindi ka man niya saluhin, nandiyan pa rin dapat siya para sayo dahil bestfriend ka niya. Naging bestfriend mo naman siya bago mo siya nagustuhan di ba?

             2.2 Hindi ka niya sasaluhin pero okay lang sakanya. Kahit umamin ka na kay bestfriend na ayaw naman sayo, okay lang daw sakanya. Paanong okay lang? Yung tipong di ka niya iiwasan. Yung parang wala lang at normal lang yun para sakanya. Kapag ganito yung bestfriend mo sayo, keep him pero move on. Ituring mo pa rin siyang bestfriend. Bestfriend LANG, nothing more than that. Magmove on ka tapos hanap ka nalang ng ibang crush. Oh di ba? May bestfriend ka na, may crush ka pang bago.

Kaya kung ako sayo, bago ka magrisk, tantyahin mo muna kung may patutunguhan ba yang pagririsk mo.

At kung ikaw naman ang kina-inlove-an ng bestfriend mo: 

Mag-double check. Hindi lang ang pinto ang dino-double check tuwing gabi! Pati na rin ang feelings! Tanungin ang sarili kung pareho din ba ang nararamdaman mo para sakanya. Ano man ang sagot mo, oo o hindi, i-double check pa rin! Mas mainam na din kung triple check. Bakit? Para sa huli, hindi mo pagsisihan.

Pero kung hindi mo talaga siya gusto, ito ang mga dapat mong isaalang-alang:

1. Wag mo siyang paasahin. Kung ayaw mo sakanya, sabihin mo in a nice way. Tapos umiwas ka ng konti. Tulungan mo siyang makapag-move on. Pero wag yung iiwas ka na hindi mo na siya papansinin at iiwan mo nalang siya. Wag ganun. Ang sabi ko nga, iwas lang ng konti, tandaan rin na dapat hindi niya mahalata ang ginagawa mong pag-iwas. At wag mo siyang liligawan (kung lalake ka) o wag kang magpapaligaw (kung babae ka) kapag hindi ka sigurado sa feelings mo para sakanya.

2. Wag magbibiro. Wag kang magjojoke na siya ang crush mo. Bakit? Kasi baka maniwala siya sa kasabihang, "Jokes are half-meant." At ang kahihinatnan nito ay ang number 1. Pinapaasa mo lang siya.

3. Wag mo siyang iwan. Bakit? Tulad ng nasabi ko sa itaas, naging bestfriend mo muna siya bago pa siya ma-fall sayo. Gets? Isaalang-alang pa rin ang friendship!

4. Wag mag-a-I love you. Normal naman sa magbestfriend ang mag-I love you-han pero sa pagkakataong ito, wag mo nang sabihin ang mga katagang yan. Bakit? Kasi ang kahihinatnan nanaman nito ay ang number 1. Pinapaasa mo lang siya.

Oh? Gets mo na? Sana oo!

Oh, ikaw? Anong love problem ang gusto mong idiscuss? Icomment mo nalang sa baba.

- tipsydummy, ang feeling love guru.

TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon