Nicole POV
Yooo!Kakagising ko lang at susunduin na ko ni Jun susuotin ko na sana yung coat ko kaso na notice ata ako ng isa sa tatlo kung roomates.Gising narin pala.
"Nicole san ka pupunta?"Tanong ni Ayu habang kinukusot pa yung mata niya
"Ahmm...sa labas lang"tapos talikod ako sakanila
"Ha?bawal kaya lumabas lalo na pag sunday ;)"sabi naman ni Mira na kakababa lang sa kama niya.Naka pink na jacket pa pati pajama
"Ha?Bawal ba?bakit pa ko niyaya ni Jun na lumabas kung bawal pala?"Nanlaki naman mata ng tatlo tapos lumapit sakin na para bang gising na gising na
"Niyaya ka ni Jun ba---"Di na natuloy ni karylle yung sasabihin niya kasi may kumatok.Nang binuksan ko naman yung pinto parang may liwanag na nang gagaling sa pinto
"J-Jun?"Naaninag ko siya naka black na coat tapos messy hair
"Oh Nicole gising kana pala"Tapos hinila niya ko palabas ng room.
Walang tao sa hallway tapos ang tahimik.Mas lalo namang boring dito diba?kasi walang kaingay ingay?
"Nga pala Jun bakit bawal lumabas ang mga student dito tuwing sunday?"Tanong ko tapos umupo naman kami sa ilalim ng puno
"Oo bawal.Pero kaming mga IceMens pwede since kami naman ang nagpapatakbo ng school na to"tumingin siya sakin tapos tinayo niya ko sa ilalim ng puno
"Ayy san tayo pupunta?"Tapos binalutan niya ko ng blindfold ABA ano ito surprise?
"A-Ano to Jun?"
"May ipapakilala lang ako sayo" tapos parang dumami yung tao sa paligid.
Pag tanggal niya ng blindfold apat na lalaki ang bumulaga sakin.
KYAAHHH!!!ANONG KLASENG MGA NILALANG BA ANG MGA ITO??AY SH*T MAKAKA PATAY TALAGA AKO DITO!
"Annyeongseo IceMensimnida kamsamnida ^_^"sabay sabay nilang sabi.
"Ako nga pala si Jc"Tapos nag shake hands kami.Ang tangkad niya grabe para siyang kapre pero wag kayo ang POGE niya!
"Kenneth but you can call me Ken"Mahinhing sabi niya para siyang nerd pero astig wala mang eyeglasses pero ang tahimik lang niya ah.
"Im Vince!Nice to meet you" Tapos kinindatan niya ko!Pwede nabang mamatay dito?Itong lalaking mukang babae na to? Mas dyosa pa sakin?Kaharap ko? Nako hiyang hiya naman fes ko sakanya
"Annyeongaseo Joshua imnida" Tapos wala lang balik poker face. Siya ba yung sinasabi nila Ayu na pogi?Tss Pogi nga pero nganga naman pagdating sa ugali.
"Last but not the least im Jun and im the leader"Sabi netong katabi ko.Teka akala ko ba mag gagala kami.Bakit kami nandito?
"Kayo pala sinasabi ng mga roomates ko"
"Na ano?"tanong naman ni Jc ang ligalig niya ah
"Wala"Tapos shy type ulit syempre pakyot onte para diba lam niyo na yun
"Kuya wala na ba kaming gagawin dito?pwede naba kaming umalis?"Ayy ang sama talaga ng ugali ng batang joshua na ito parang may naalala tuloy ako sakanya.
Si Jojo ang kababata ko since 3years old pero iniwan niya din ako nung 4years old nako pero hanggang ngayon winiwish ko parin na sana makita ko siya.
"Dont be so rude dude..." inakbayan naman ni Vince si Joshua pero ang kabastusang ginawa ay umalis nalang bigla at iniwan kami.
"Sundan niyo nayang si Joshua sabihin niyo lagot siya sakin mamaya"Umalis naman yung tatlo para sundan si joshua tapos naglakad ulit kami ni Jun.
"Pagpasensyahan mo na si Joshua ah?Pagsabihan ko nalang mamaya"Ay nako para san pa? Kahit nauurat ako sakanya okay lang.