1st Fairytale

7 0 1
                                    

'Today was a  fairytale, you were a prince. I used to be a damsel in distress, you put me by the hand and you pick me up by six. Today was a fairytale'

Hobby ko na ang makinig ng music kapag walang teacher. Ganito minsan sa public schools. Kapag may meeting o biglaang lakad ang mga teachers, dito lang ako sa upuan ko, nakasaksak ang earphones sa tainga at nakikinig ng iba't-ibang music.

"Niña..."

"Niña hooy..."

"HOOOY NIÑAAAAAA!"

Muntik ko nang mabitawan ang tablet ko dahil sa sigaw ni Jelene. Kairita much!

'Ano ba? Pwede mo naman akong yugyugin, nanggugulat talaga ha? Ikaw ha!'

'Ewan ko sayo, kung hindi ka nagsasayaw, nagsesenti ka naman sa tablet mo, puro hugot na nga laman ng facebook mo.' sabi ni Jelene.

'Tse, eh ano nga at nambubulabog ka?' tanong ko.

'Sabi ko po, hinahanap ka na po ng bestfriend mong pangit. Oras na naman po para umasa sa kanya.' Pambubully niya sa akin.

'Hindi kaya ako umaasa. Eh sa bestfriends naman talaga kami ah. No malice.'

'No malice mo yang mukha mo! O siya na, pumunta kana doon at kanina pa ako kinukulit na tawagin ka, baka masapak ko pa yun.'

'Ayy grabe siya oh, bitter much? HAHAHA' At umalis na nga din ako. Pinuntahan ko yung bestfriend kong ewan.

                      ************

Brix Daniel Buenavista. Varsity. Top Student. Gwapo. Sexy. Ano pa ba? Ahh, oo, bestfriend ko nga pala simula fetus pa lang kami.

Nakita ko siya sa labas ng room namin na naghihintay, tinanggal ki earphones ko at kinalabit ko tagiliran niya. Weakness niya. HAHAHAHA

'ARAY! Ano ba Niña! TAMA NA! HAHAHA'

'Ano ba kailangan mo? Nagrerelax ako doon sa room eh, kinukulit mo na naman ako'

'Wala. Nagugutom ako.' sabay hawak sa tiyan.

'Pataygutom. Eh bakit andito ka? Dala ko ba ang kusina at canteen? Doon ka na nga!' taboy ko sa kanya.

'Ayan ka na naman, sige na samahan moko, pagkakaguluhan na naman ako ng mga girls dun, sige ka, mawawalan kana ng bestfriend' nagpuppy eyes pa talaga, di naman bagay.

'AYOKO.' syempre, pakipot tayo. dalagang pilipina eh.

'Ah, ayaw mo. Sige, sumbong kita kay tito at tita. Yung time na tumakas ka sa bahay niyo kasi may sbjsbdksnsjsjsgsvj....' tinakpan ko na bibig niya, baka ano ba ikwenta sakin.

'Oo na! Sasamahan na kita. Para namang bata ito oh! Huwag mokong isumbong kay Mama at Papa ha?' paninigurado ko.

'Sige. Libre moko.' sagot ng mokong.

'Aba, abusado.' sabay sapak.

'Oo na! Treat ko! Makasapak naman ito...'

---------

Pumunta kami ng canteen at napansin kong wala namang masyadong tao. Hindi talaga parehas noong 1st year kami na ang pangit ng tingin sa akin. Paano  ba naman kasi, kasama ko ay gwapo sa paningin nila.

Umorder siya ng maraming pagkain. Sanay na ako na marami siyang pinakain sakin kaya lang hindi talaga ako tumataba, haha! Ang saya nga eh, #UnliKaen

Habang kumakain kami, notice ko na tahimik siya. Unusual kasi maingay naman ito kumain.

'Uy, okay ka lang?' tanong ko.

'Ma'am, may sasabihin ako.'

'Ano yun Sir?'

'May girlfriend na ako!'

Ayoko sana na ikaw ay mawawala, mawawasak lamang ang aking mundo. Ngunit anong magagawa kung talagang ayaw mo na, SINO BA NAMAN AKO PARA PIGILIN KA?

PUTANGINANG MUSIC. Buti nalang mahusay akong magcontrol ng emotions ko.

'Abaaa, lumalovelife ka Sir! I am so happy for you. Alam na ba ni Tita yan?'

'Hindi pa. Pero ipapakilala ko rin siya. Seryoso na talaga ako dito sa kanya Ma'am'

'Wow, marunong ka pala magseryoso? HAHA! Sige, goodluck sa inyo Sir..'

Ang plastic ko puta.

---------------

Simula noon, hindi na kami nagsasama ng bestfriend ko. Namimiss ko na nga siya.

Iniyakan ko siya ng ilang linggo. Bangag na nga si Jelene sa kakarinig ng mga reklamo ko. Buti nalang at gagraduate na kami ng High School.

Ayos din tong lalaking to, nagkagirlfriend lang kinalimutan na ang bestfriend. Bahala siya sa buhay niya. Tutal, maghihiwalay lang din naman kami pagdating ng college.

College na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon