Not Today
Zeus' POV
"Okay, ito na ang matagal nating hinihintay. Gusto kong ibigay natin ang lahat ng kaya natin sa larong ito. All our hardships, all our late night and early morning trainings, all the body aches, everything we've done for this game... Let's make it all worth it and win. Everyone's here for us. Let's give them one hell of a game. We can do this. For all Soledarians. Let's go, Lions!" I told our team.
They cheered.
Today is a big day for all of us because today's the day we've all been waiting for. Today is the championships, and we're up against the Falcons.
Kuya Red is here, too. He's my cousin. Sayang lang at hindi ko siya nakasabay sa paglalaro para sa De La Soledad dahil kakagraduate niya lang nang magtrain ang bagong team namin.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong stadium na paglalaruan namin ngayon. We're at the birds' nest. I just hope it would be a fair judgement for us.
The stadium's jam-packed. Hating-hati ang kulay na makikita sa audience. Red for the Falcons and silver for the Lions.
Ang daming mga banners na nakalawit sa mga railings ng bleachers. Meron pang mga banners na apelyido lang ng paborito nilang manlalaro ang nakasulat.
Alcantara, of course, is one of those. The student council's in complete attendance and I even smiled when Ahlia waved. She's holding one of those 'Alcantara' banners I'm talking about.
"Damn it!"
Napalingon ako kay Geo na nakatutok sa kanyang cellphone habang gusot na gusot ang mukha. What's his problem?
"Oh no, no, no, Geo. Don't tell me your petty break up with that bitch will ruin your game face? Not today, bro." Natatawang sabi ni Jairus.
Nagpantig ang tenga ni Geo nang marinig iyon mula sa ka-team mate at agad na tumayo para sana makwelyuhan si Jairus ngunit agad ko itong napigilan.
"Fuck off, Jairus, or I'll rip your face myself," sabi ko at sinamaan ito ng tingin. Nagtaas naman ito ng dalawa niyang kamay na para bang sumusuko at naglakad pabalik sa iba naming team mates.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Geo na nanggigigil na makawala sa hawak ko para maka tama kay Jairus. Not on my watch.
"Hey, easy bro. Don't think about it. Ball time, remember? Not today, Geo. Soledarians are watching."
Nanghina ang pagpupumiglas niya at iginala ang tingin sa mga naka-silver tsaka niya ako tinanguhan. Binitawan ko siya.
That was close.
Tinawag na kami ng referee dahil magsisimula na ang laro. Nagtapikan kami ng likod at sumigaw ng 'Lions' bago pumunta sa aming mga posisyon.
Mas lalong nagsigawan ang mga tao.
Pumito na ang referee, hudyat na simula na ng laro.
Agad namang nakuha at nadala ni Ivan ang bola sa team namin.
- - -
Fourth quarter na ng laro at kakaunti lamang ang lamang namin sa Falcons.
109 - 103 and score, in favor of us. 5 minutes left of the game.
Pero pansin kong halos lahat kami ay naghihingalo na.
Talagang matatangkad at malalaki ang katawan ng mga Falcons ngunit ganun din naman ang ilan sa amin.
YOU ARE READING
2 160 Hours With Queen Lia
Romance"2 160 hours is enough for me to call 'you entering my life' a blessing and a miracle at the same time."