A Journey to Forever

193 3 2
                                    


I didn't see Nathan in the next few months after that time. Nabalitaan ko na lang mula kina Hazel na dumating na daw pala si Claudia. At dahil wala naman talaga akong balak makibalita dahil hindi ko trip ang saktan ang sarili ko, hindi din ako masyadong nakikinig kapag siya ang topic nina David at Hazel.
Kung meron man sigurong ibang tao na nakakausap ko pa rin tungkol kay Nathan ay si Evan na iyon. I just thought that I could be honest with him dahil unang-una, hindi niya naman talaga kami personal na kilala ni Nathan, unlike Hazel and David. Pangalawa, kung hindi ko magugustuhan iyong sasabihin niya, pwede ko na lang basta i-delete iyong message.
Si Evan din ang nagsugsog sa akin na magsulat ng tungkol sa amin ni Nathan sa Wattpad account ko na sinunod ko naman. Ayun, ang daming nagalit sa akin dahil hindi daw happy iyong ending. Bakit daw ba kasi ang harsh na nga ng reality, hanggang kwento ba naman daw ay bokya pa din.
Tinawanan ko lang ang mga iyon hanggang si Evan na ang nagtanong sa akin.
"Is that how you wanted it to end?" Tanong niya sa akin nang pinag-uusapan namin iyong kwento.
"It is how it ended," Maikling sagot ko lang sa e-mail niya sa akin.
"And you're okay with that?" Tanong niya ulit.
"I should be. I'm trying to be." Sabi ko na lang bago ko ini-log out ang e-mail ko.
Minsang wala akong magawa, tinawag ko si David para magpasama sa kung saan ako dinala ni Nathan dati. Papalubog na din ang araw noon pero nahabulan naman namin. Katulad noong unang punta ko doon, tuwang-tuwa din si David.
"Anak ng shit! Ang ganda dito! Ang sarap gumawa ng milagro," Komento pa ng hitad. Natawa na lang ako ng wala sa oras.

"How did you know about this---" Bago pa natapos ni Dai dang sasabihin ay nanlaki na ang mga mata niya.
Walang sabi-sabing hinila niya ako at pilit na pinasasakay sa motor. Halos magsisisigaw ako sa takot ng bigla niyang pabarurutin ang motor na dala namin pababa doon. Kung kailan nakarating kami sa highway ay saka pa niya lalong binilisan ang pagpapatakbo. Maihi-ihi na talaga ako noon sa takot at literal akong manghina ng huminto na sya ng tuluyan. Noon na din lang ako nagmulat ng mga mata. Nagulat pa ako ng makitang nasa provincial museum kami.
"Papatayin mo ba ako?" Angil ko sa kanya pero imbes na sumagot ay muli niya akong hinila papasok sa loob ng museum. Hindi naman kami pinigilan noong guard kahit pa nga malapit na silang magsara.
"You wrote this," Sabi niya sabay turo sa isang painting na may kasamang tula.
Napanganga ako ng wala sa oras. Painting iyon noong lugar kung saan ako dinala ni Nathan at sa painting na iyon, dalawang lalaki ang nakaupo na nakaharap sa mga ilaw. Hindi nakaligtas sa akin na magkahawak ang kamay ng dalawang iyon. Sa mismong bato na inuupuan noong dalawang lalaki nakasulat iyong tulang ini-record ko sa cellphone ni Nathan.
Tumulo na lang ang luha ko habang pinagmamasdan iyon. He did paint it, but he never gave it to me. And the worst part of it all was the title. Patintero. Tarantadong buhay 'to oh.
"He asked me to fight for him..." Mahina kong sabi. Nilingon ko pa si David saka ko dinugtungan iyon.
"When he didn't even have the courage to fight for me..."
Niyakap na lamang ako ni David ng mga panahong iyon. Ako naman si gago, humagulgol lang ng humagulgol. At kung hindi ba naman talaga tarantado ang life, paglabas namin ng museum, siya namang daan ni Nathan at ni Claudia na naka-motor.
Gusto ko nang magwala ng mga oras na iyon at pagsisigawan ang langit pero siyempre, nagpigil ako. Hindi naman kasi teleserye ang buhay ko at hindi ko din talaga trip ang mga ganoong eksena. Baka mapagkamalan pa akong baliw ng wala sa oras.
Eh sa talagang gusto talaga yata akong sagarin ng langit, ayun, huminto pa talaga silang dalawa.
"Hi! It's nice to finally meet you in person," Bungad pa sa akin ni Claudia ng ipakilala kami ni Nathan sa kanya.
"Same here," Sabi ko na lang. Nakatingin lang sa akin si Nathan at hindi nagsasalita. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya ng mga oras na iyon pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.
"We should go out sometimes," Sabi pa ni Claudia na inoohan ko na lang. Umalis din naman sila pagkatapos.
"Tulog o alak?" Tanong sa akin ni David nang makalayo sina Nathan.
"Tulog." Sagot ko lang. Pagkahatid sa akin ni David sa apartment ay umalis na din siya.
Kinabukasan, nagulat pa ako ng mapagbuksan ko si Nathan sa pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko lang sa kanya pero hindi ko naman siya pinigilan noong pumasok siya sa apartment ko. Iyon nga lang at noong yakapin niya ako bigla ay isinalya ko na siya sa sofa saka galit na sinuntok sa mukha.
"Fuck you!" Sabi ko pa sa kanya. Lahat ng galit at frustration ko simula noong huli kaming magkita ay biglang bumalik ng ganun-ganun na lang.
"Hindi ko kayang mawala ka," Sabi niya sa akin pero tinawanan ko lang siya ng bahaw.
"I was never yours to begin with!" Sabi ko sa kanya.
"Damn it, Nathan! You're wife is back and you're here, telling me na hindi mo kayang mawala ako? And that's after months of not even saying anything to me? Eh putang-ina mo na lang to the moon and back." Pasigaw ko nang sabi sa kanya.
"I asked you to fight for me!" Pasigaw din niyang sagot sa akin.
"I wanted you to fight for me. Na sabihin mong handa kang gawin ang lahat para hindi ako mawala sa iyo. I wanted you to tell me that you'd do everything just to be with me." Dagdag pa niya.

PatinteroWhere stories live. Discover now