Arrange Marriage <3 Last Part

726 19 3
                                    

LastPart

--

Pa uwi na sana ako ng bahay ng mahagip ng mata ko si Jessie at may kasamang lalaki. Teka kilala ko tong lalaki na to. Hindi ako nagkakamali si justin to. Akala ko pa naman maayos na kame. Hindi ko na namalayan na sinusundan ko na sila. Pumasok sila sa isang restaurant. Nagmatyag lang ako sa kanila. Napansin kong masyadong seryoso yung usapan nila. Mhh? Ano kaya yon. Matawagan nga si Jessie. Pero wala hindi niya sinasagot. Imposibleng naka silent ang phone niya. Rggh! Baka inaakit na ng gag*ng justin to si Jessie ko. bahala na..

Pumasok na ako ng restaurant at hawak sa braso ni Jessie. Kita sa mukha nila ang pagka gulat. Well tama na ang ginagawa nilang pagtataksil. May asawa na si Jessie. Kaya wala siyang karapatang landiin ang asawa ko.

“Dominic ano bang Problema mo ha?” sabi ni Jessie habang hila hila ko parin. “pasok” sigaw ko. Pumasok naman siya. “hoy! Magsalita ka nga ano nga kasi ang problema mo?” hindi parin ako kumibo. Dahil sa oras na magsalita ako baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sakanya na nagseselos ako. “baka gusto mong mag explain” sabi ko. “for what? Ah.. dun sa nakita mo? Don’t tell me nag seselos ka?” magpigil ka dominic wag mong sabihin. “ako magseselos? Huh? Pake alam  ko sainyo. Kahit magsama pa kayo hindi ako nagseselos” sabi ko. “woooow.. calm down sweetheart.. ang cute mo kapag nagseselos ka hihihi” ay bistado amputek. “hindi no!” sige pa dominic. Wag kang aamin. “wee? E bakit mo ko hinila? Huh? E nag uusap lang kami ni justin.. ii ayaw pa amin nagseselos ka lang e” “Okay Fine nagseselos ako Masaya ka na” sabi ko at napahinto ko kaagad ang sasakyan. Katahimikan. Sabi na e. kaya ayokong sabihin na nag seselos ako e.

“don’t worry sweetheart. I’m yours forever. I love you”

Wait ano daw sabi niya? Paki ulit nga teka? Teka ? teka? Totoo ba tong naririnig ko? pakibatukan nga ako baka kasi nananaginip lang ako.

“don’t worry sweetheart. I’m yours forever. I love you”
“don’t worry sweetheart. I’m yours forever. I love you”
“don’t worry sweetheart. I’m yours forever. I love you”

WAAAAAAAAAAHHHH!!! Nakakabakla man pero paksyet.! Kinikilig ako. Takte first time kong marinig na nag I love you siya.

Dun lang nag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya ng maramdaman kong may dumampi sa labi ko. sigurado ba kayo na hindi ako nananaginip?

“uwi na tayo sweetheart. I’m so tired” sabi ni Jessie sabay yakap sa braso ko. ehem konti na lang talaga at sisigaw na ko XD “s-sure” hanubayan. Nautal pa haha :)

Ng makauwi na kami dumeretso na si Jessie sa kwarto.  Ako naman at pumunta sa labas at dun sumigaw hahaha XD wala lang sa sobrang saya e di ko na mapigilan mapasigaw. Nagulat na lang ako ng may yumakap sakin. “alam mo para kang baliw kakasigaw diyan sweetheart. Tara matulog na tayo”e kasi naman kinikilig ako sayo e.

Marami sana akong gustong itanong sa kanya kaso nahihiya naman ako kaya natulog na kami. At first time naming magkatabi matulog at magkayakap pa. oh di ba san ka pa? ang sweet at swerte ko talaga sa asawa ko.

--

Nag vacation leave muna kami ng asawa ko. at sinabi na niya sakin yung tungkol kay justin kung bakit sila nagkita sa restaurant. Masaya ako kasi mahal niya pala ako. Akala ko mawawala siya sakin.

Nandito kami ngayon sa RTCC Matabungkay Beach Resort's. gusto kong magbonding kame ng asawa ko.

“tara sweetheart swimming tayo” pagyayaya ko sakanya.

“ikaw  na lang sweetheart” sabi niya

“ha? Bakit ? hindi mo ba nagustuhan? Kung gusto mo sa iba na lang tayo?”

“hindi wag na. maganda nga dito e.”

“oh yun naman pala e bakit ayaw mo mag swimming?” tanong ko.

“hindi kasi ako marunong lumangoy e”

“edi tuturuan kita”

“ii ayoko”

“trust me. Hindi kita bibitawan”

Nilahad ko yung kamay ko. inabot naman niya din.

-

Hindi naman pala mahirap turuan si Jessie. Actually mas magaling pa ata nga siya sakin ngayon e. haha :)

Nandito kami ngayon nakaupo sa buhanginan. Sa tapat ng dagat.  “sweetheart ang ganda oh” sabi ko sabay turo sa paglubog ng araw. “wow. Ang ganda.” Sabi niya.

“sweetheart..” tawag niya

“mhhh?”

“mahal mo ba ako” seryosong tanong niya.

“sweetheart. Oo mahal na mahal na mahal na mahal kita. At hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko. at hindi ko hahayaang maagaw ka ng kahit sino. At baka pag nawala ka ikamatay ko. kaya please sweetheart wag mo kong iiwan” ewan ko kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.

Hinitay ko siyang mag react. Nakatitig lang siya sakin. Sabay ngiti.

“ang sweet mo naman. Hayaan mo ikaw lang at wala ng iba” sabi ni Jessie sabay yakap sakin.

“alam mo dapat ako ang nagpapakilig sayo e” sabi ko sakanya

“YES!” sigaw niya. Anyare? “oh? Bakit bigla bigla ka na lang sumisigaw?” tanong ko

“wala lang. sabi kasi ni justin gawin ko yun e. epektib ba ayieee. Si sweetheart na mumula”
paksyet. Ang sweet ng asawa ko. nakakabakla. Imbis na ako magpakilig e ako pinakikilig.

“sweetheart may tanong ako sayo” sabi ko
“ano yun sweetheart?”
“mahal mo ba talaga ako?” hindi parin kasi ako makapaniwala e.

“Oo. Kung hindi lang pinarealize sakin ni justin siguro wala tayo ngayon dito. Kung hindi siguro kami nagkita. Mahal na mahal kita sweetheart kahit medyo masungit , topakin at pikon ka love na love na love parin kita”

“si justin nanaman” sabi ko. kunwari nag tatampo
“aysus ngayon pa nagtatampo. Sige ipagluluto na lang kita ng favorite mong food ano tara?” sabi ni Jessie. At hinila na ako papasok.

Hindi ko ineexpect na sasaya ako ng ganito. Nung una e ayaw na ayaw namin sa isa’t isa na kulang na lang magsumpaan na. pero eto kami ngayon nagmamahalan , nagiibigan. Ang swerte ko sa asawa ko kasi ang sweet niya, maalaga, mapagpasensya, at lalong lalo na mapag mahal. Hindi na rin pala masama ang arrange marriage. Kung hindi dahil diyan hindi ko mahahanap ang happiness ko. Masaya din ako dahil magkakaroon na rin kami ng anak. Ako na ata ang pinaka Masaya sa buong mundo.

*End of the Story*

please click vote and leave a comment :)

salamat po sa mga nag basa :>

i hope nag enjoy kayo.

Arrange Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon