Arrange Marriage <3 Second Part

722 6 0
                                    

Second Part

-

This is it. Our wedding day. For the sake of company. Haist. Eto na ang huling araw na magiging Malaya ako.

Habang papalapit sya sa altar I know she is crying. Pero sadyang ganito talaga. Kailangan naming sundin an gaming mga magulang.

-

Days past at lilipat na kami sa isang bahay na ipinatayo na nila. Matagal na daw planado ang lahat.

Ako na ang boss ng company namin. At si Jessie naman ay dito lang sa bahay pero ang gusto niya daw ay magtrabaho pero sabi nila mama wag ko daw payagan.

-

Paggising ko ng umaga tumayo agad ako para maligo at  sinuot ko na ang damit ko.

magkaiba nga pala kami ni Jessie ng kuwarto dahil kahit daw kasal kami di daw siya tatabi.

Asa naman siyang gusto ko rin siyang makatabi noh? :P

umalis na ko ng bahay dahil sa mcdo na lang ako kakain. Pano? Ang magaling kong asawa walang balak asikasuhin ako.

-

Days past at kinukulit pa rin ako ni Jessie na magtrabaho siya kaya wala akong magawa. Ginawa ko siyang assistant manager. Lagot nga ko net okay mama at papa kasi pinayagan ko siya.

At ngayong araw daw ay dito muna daw sila sa bahay matutulog. Paktay! E magkaiba kami ng kwarto ni Jessie. Kinausap ko si Jessie na doon muna matulog sa kwarto ko kasi mahahalata nila na hindi pa rin kami ayos.

“sige pumapayag na ko. Basta ako sa kama ikaw sa sofa” sabi niya sabay pasok sa kwarto ko. Hanep no? e kung siya kaya matulog sa sofa. Hiya naman ako >.<

Bumaba muna ako para uminom ng tubig ng mapansin kong gising pa si papa. “pa bakit gising pa kayo?” tanong ko habang papalapit sa kanya “son.. napag isipan naming ng mama mo na matatanda na kami.. gusto na naming mag ka apo” Ow sh** pano to? RRgh! Sumasakit ang ulo. Ano ng gagawin ko?

“pero pa..”

“sige na anak payag din naman ang mommy at daddy nila Jessie kaya wag na kayong mangamba”

whattt? Pano naming kayo mabibigyan ng apo e we hate each other.. kasi may arrange arrange marriage pa kasing nalalaman e.. asar naman oh! Pero kailangan talaga naming mag ka anak baka mag taka lalo sila. Haist.

“sige po.. ah pa mauna na ko”

sabi ko. Nag nod lang siya. Umakyat na ko sa kwarto namin. Gising parin si Jessie. Sinabi ko sakanya yung pinag usapan naming ni papa.

“anong gagawin natin?” tanong ko sakanya. “bahala na. basta ako matutulog na maaga pa ko papasok sa work bukas” sabi niya sabay talukbong. Aaiiyyyssst!!!

-

Pagkagising ko wala na si Jessie sa tabi ko. Himala at maaga nagising. Pag baba ko nakita ko siyang nagluluto. Sila mama at papa nakaupo sa may sofa at nanunuod ng tv. Lumapit ako kay Jessie at tinanong kung anong nangyayare.

“makisakay ka na lang” yan lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa paghahanda ng pagkain at tinawag sila mama. Nagpray muna kami bago kumain.

“say ahh sweetheart” nagulat ako sa sinabi ni Jessie. Eto ba yung sinasabi niyang makisakay na lang ako. Ow well alam ko na ang ibig niyang sabihin ang magpanggap na maayos sa harap nila.

“ahh” sabi ko. Muntik na kong mabulunan grabe naman kasi ang daming pagkain na nilagay ba. Kulang na lang sandok na yung gamiting kutsara e. ngumiti siya sakin na parang nang aasar. Well humanda ka ako naman.

“ikaw naman sweetheart say ahh” tumingin sakin si Jessie ng nakakaloka hahaha. Ngumiti lang ako.

“ang sweet naman. Nilalanggam na kami dito” ay.. nandito nga pala sila mama hindi ko namalayan yun ah.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na kami para pumasok sa work. Alam na din nila mama at papa na pinayagan ko si Jessie na mag trabaho. Nung una nagalit pero kalaunan pumayag na din. Hindi rin kami sabay ni Jessie pumasok kasi may sarili kaming kotse.

-

Jessie Point of View

Nandito ako ngayon sa opisina ko malapit sa office ng aking oh-so-called-husband eww. Di ko type na tawagin siyang husband. At ung eksena sa bahay well isa lamang yung palabas why? Kasi nandiyan ang parents nya kaya we need to act like husband and wife. Haits. Kalian ba ko sasaya?

Okay back to normal. Aalis sana ako para pumunta sa ground floor break time kasi naming ng may makabunggo ako malapit sa elevator. Ke malas naman tong araw na to. Matignan nga kung sino.

“Jessie? /Justin?”

sabay naming sabi. KYAAAAAAAAAHHH!! Ang pogi niya parin. Shett..

“kamusta ka? Uy sorry nga pala? Ayus ka lang?”

sunod sunod na tanong niya

“yes I’m okay. Ikaw kamusta ka na? tagal nating hindi nagkita ah?”

tanong ko sabay pasok namin sa elevator.

“ayus lang naman. Ikaw dito ka nag tatrabaho?”

tanong nito

“Yep. Assistant manager”

“Ahh. Balita ko may asawa ka na?”

sheems. Kalat na talaga ang tungkol samin. Kakaasar naman oh. Sana ikaw na lang

“Oo meron.. arrange marriage”

hindi ko alam kung bakit ko sinabi yon.

“but you love him?”

“No.. Cause I love someone else”

“Wow. who’s that lucky guy? Kilala ko ba?”

“oo kilalang kilala mo”

sabi ko sabay non ang pagbukas ng elevator. At sa kasamaang palad si dominic ang bumungad samin.

“ow hi sir good morning” bati ni justin. Nag fake smile naman si dominic. Halata kaya duh. Lumabas na kami. Pero bago pa kame makalayo tumingin ako sa kanya. Yung mukhang naiinis. Hahaha. Ang kyut ng itsura niya. --- wait did I say kyut siya. Well totoo naman.

“so Jessie? Sino yung lucky guy na to?”

napabalik ang tingin ko sa kanya.

-

Pauwi na ko ng bahay. Ewan ko ba parang na guiguilty ako sa mga pinag gagagawa ko kay dominic. Alam nyo ba sinermunan ako ni justin. Haits. Feeling ko mahal ko na siya at hindi si justin. Ewan ko. Ang gulo. Parang kanina lang tuwang tuwa ako ng Makita ko si justin kaso ng sinabi niya sakin na mag asawa daw kami ni dominic kaya dapat lang matutunan naming mahalin ang isa’t isa. At yung lucky guy na mahal ko daw kalimutan ko na daw.

Well sana nga ..

-

Dominic Point Of View

Aiiyyyssst! Bakit kasama nya yung justin na yon? Bakit hindi ko manlang naisip na siya yung justin na mahal ni Jessie? Magdadate ba sila? Pinagtataksilan ba nila ako? Matagal ---

Rggh! Oo na nagseselos na ko! Kasi naman e. bakit ba hindi kami magkabati bati ng babaeng to.

-

Umaga nanaman. Tumayo na ko. Usual wala na agad siya sa tabi ko. pumasok na ko sa c.r at naligo. Pagkatapos bubuksan ko na sana yung cabinet ng mapansin kong may damit na nakahanger don. At may note na pakatapos mong magbihis bumaba ka nakaagad J - morning

Shett.. kinikilig ako.. wait. May sakit ba siya? Ow well : ) ang asikaso ah.

Pagbaba ko inasikaso na kaagad niya ko. yung feel na feel mo na may asawa ka na nag aasikaso sayo. Siguro part parin ito ng pag papanggap. Pero wala naman na sila mama.

-

 - To be Continued Part 3 Soon 

Arrange Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon